Chapter 57

9 1 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 57
Delio Father POV

"Gising! Mga palamunin!" Ingay na sinabi ng isang lalaki.

Ito na naman ang siraulong demonyo nato...

Isa sya sa ilang body guard ni Mayor dito na munisipyo ng Limay.

"Lahat kayo bumangon na! Magtrabaho na kayo!" Muli nyang sinabi sabay tadyak nya sa isang binata malapit sa kanya.

Bumangon na ko para hindi masaktan, Mabilis din nagsibangon ang mahigit dalawang daan na katao dito na puro natutulog lang din sa karton kagaya namin ng asawa ko.

"Anong oras na Ma?" Tanong ko sa aking asawa.

"6:00 A.M na Pa...ayos lang ba ang tuhod mo?" Alala nyang tanong sa akin.

"Ayos pa kaya ko pang lumakad" Sagot ko at marahan na akong tumayo.

Kaso...

"Bilisan mo!" Sigaw at sinipa ako ng body guard ni Mayor dahil ako nalang ang babagal-bagal kumilos.

Napa-atras ako sa sipa nya buti na balanse ko ang katawan ko.

Gusto ko sya patayin.

"Pasensya na masakit lang ang tuhod ko sa ngayon" Katwiran ko na medyo tunog nakikiusap.

"Wala akong pake! Gusto mo ikaw ang maging taya sa pagkuha ng atensyon ng mga Zombie!?" Sabay sinipa muli ako ng body guard sa bewang naman.

Bumagsak na ako na talagang lumala lalo para sa kanan tuhod ko na may bali.

"Sige paki usap tama na" Sabay pinilit kong tumayo kahit tumutunog na ang buto ko na mas lumalala ata ang lagay.

"Hissssss.....Alis nako Ma, Ingat ka dito ah" Sabay hinakawan ko ang balikat ng asawa ko at hinalikan ko sya sa kayang noo.

"Huwag na kayo umarte! Andar na!" Hinampas naman ako ng body guard na ito gamit ang kanyang shotgun.

Pag-nagkataon papatayin ko sya...

Nairita ako pero tiniis ko para wag lang kami mapatay mag-asawa.

Hinayaan ko nalang at umalis na kami na mga lalaki dito para tumulong sa paghakot ng mga pagkain, Ang puntirya namin ngayong araw ay ang Limay Store na triple ang dami laman kumpara sa Alfa Mart o 7/11.

Magandang target ito dahil lahat kami dito nangangayat na talaga sa kakulangan ng pagkain na binibigay sa amin ni Mayor.

Papatay kami ng papayat habang si Mayor at kanyang mga tao pataba ng pataba.

Lumabas na kami sa Munisipyo at sumunod kami sa mga taohan ni Mayor palabas ng gate.

Naiinis ako sa sarili noon pa...

Nagsisisi talaga ako.

Nagsisisi na ako kung bakit ko pa tinulungan ang aking mga kamag-anak na kapatid sa dugo na pumunta dito sa Munisipyo, Nagsisisi din ako na binigyan ko sila ng pagkain dahilan para maubos agad pagkain naming mag-asawa.

Nagsisisi na ako...na hindi ako nakinig sa anak ko sa bagay na ito.

Pero wala talaga, Walang gamot sa pagsisisi dahil nasa bandang huli lagi to.

Na aalala ko pa ang unang beses ko nakausap ang aking anak na si Delio tungkol sa Zombie, Binilinan nya ko na may Zombie Apocalypse na paparating at mabilis naman ako naniwala sa kanya para maghanda.

Hindi naniwala ang asawa inuna ko nalang ang mga bagay-bagay para mabilis.

Dahil limitado ang oras ko sa paghahanda.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon