Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 19
Delio POVSimple lang akong lalaki, Isa akong tao na tahimik lang talaga noon pang bata palang ako.
Mahilig mapag isa, Walang paki-alam sa paligid at masasabing makasarili kadalasan.
Wala akong oras sa mga sa tinatawag na kaibigan o kamag anak. Nakikisama lang ako pagkailangan lang talaga pakisamahan ang isang tao na may pakinabang sa akin.
Taong bahay lang talaga ako, Yung tipong mabilis ako mapagod pag-maraming tao sa isang okasyon o ano pa mang event.
Pero kung kailangan makisama ay ginagamit ko lagi ang aking pekeng maskara magmuka lang maayos.
Dahil katwiran ko ay kaya ko naman mag isa.
Mga alala ko ngayon na parang liwanag na mabilis dumaan sa aking utak na talagang masasabi ko na naging masaya naman ako.
Panahon na masaya akong nonood ng anime, nagbabasa manga o novels, time na may debut na kasama ako sa 18 roses, pagmay nareceive akong regalo, sa tuwing birthday ko, pagnasa pagsamba ako, sa tuwing new year at marami pang ibang alaala.
Hanggang sa...
Bigla kong na alala ang aking nanay at tatay.
Mga oras na malungkot ang aking ina dahil hindi nya maibigay ang gusto ko, Mga oras na malungkot ang aking ama kung papaano kakalap ng salapi para sa ikakaganda ng buhay namin.
Ang imahe na ito na nakikita ko silang malungkot pag-nalaman nila na wala na ako sa mundong ito.
Ayoko silang makitang malungkot....
Dahil sa aking pagkamatay.
Nagtataka ako bakit bigla ko silang na alala, Bakit naalala ko ang mga masasaya at malulungkot na bagay na nang-yari sa aking buhay ko.
Sa sandaling ito napadilat ang aking mga mata.
Medyo magulo pa ang isipan ko ngayon kung ano ang nang-yayari.
Para akong nalasing ng matindi na hindi pa sigurado kung ano ang meron.
Kahit ganun pa man ay medyo na uunawaan ko na kung ano ba talaga ang nang-yayari sa aking katawan.
Hehehe...Tama...
Nagiging Zombie na nga pala ako.
Hindi ko alam ang itsura ko ngayon, Pero kung meron lang na nakakakita ng mukha ko....
Sigurado...makikita nilang gigil at galit na galit ang aking mukha para lang pigilan ang kumakalat na virus sa aking katawan.
"Grrrr!" Hindi ko na napigilan pa indahin ang kaninang manhid sa aking braso ko na parang pinapasukan ng libo libong langgam.
Bilang na ang oras ng buhay ko.
Habang matino pa ang isipan ko ay mabilis kong kinuha ang mga crystal na galing sa utak ng mga ordinaryong Zombie at nilunok ko ito ng nilonok na baka sakali mapagaling ko ang aking katawan.
Medyo gumaan ang aking pakiramdam lalo na ang sugat ko na mabilis nag-hihilum.
Ka-hanga-hanga...
Kaso...Kumakalat pa din ang lason ng virus sa aking katawan.
Alam kong hindi pa din nawawala ang pagkalat dahil hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ng parang langgam sa loob ng aking braso na kumakagat ng sabay sabay.
Bwesit!
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa nararamdaman ko sa aking kaliwang braso. Napapikit ako ng saglit para tiisin sandali at ng napadilat ako ay dito ko mismo nakita sa gilid ng banyo ang isang pamilyar na bagay.
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
TerrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.