Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 21.5
Other POVBaaam!
BAAAM!
Ang lakas ng mga hampas nila lalo na ng isang malaki na Zombie.
"Grroowwl!"
"Raaaawrr!
"Grrr.....!"
Nakakakilabot, kasi yung mini-store na balak ko sanang puntahan noon pa, Ngayon ay nabubuksan na ng mga Zombie sa pangunguna ng isang malaki at malakas na Zombie.
Buti hindi ako nagtangka kung hindi trap ako sure doon.
"Hindi na ako makakakuha ng pagkain sa tindahan na yun, Isang araw nalang ang itatagal ng pagkain ko" Alala kong bulong sa sarili.
Nasa taas ako ng bintana dito sa apartment na nirerentahan ko, Dito sa teris ay kitang-kita ko ang buong mga nangyayari sa mga nagdaang araw pa.
Ang napapansin kong Zombie na tinitignan ko ngayon ay masyadong malaki para sa isang Pilipino na naging Zombie, Akala mo malaking gym-bro na madaming ginamit na steroids na may taas ata around 2.2 metro o 7 feet siguro.
Laki ng muscle nya sa braso na mas malaki pa ata sa bewang ko bilang babae.
Napapatulo ang pawis sa noo ko habang tinitingnan ang malaking Zombie na ito na unang beses ko palang nakita.
"Nag eevolve nga ang Zombie" Napasandal nalang ang siko ko sandalang semento ng teris habang nakadungaw ako ng kunti para sumilay sa nangyayari sa mini-store.
Napabugtong hininga nalang ako sa kaba, Kung ikukumpara ko ang malaking Zombie na ito sa mga ordinaryong Zombie na tinatawag kong level 1 ay nasa level 3 naman ang tingin ko sa bakulaw na Zombie na ito habang yung mabilis na Zombie naman ay level 2.
Last week ko pa nakitang lumitaw ang mga mabibilis na Zombie na kayang tumakbo.
Meaning nang nagsimula ang Zombie Apocalypse after 7 days ay nag-evolve na ang ilang Zombie para mas lumakas sa mabilis na Zombie then nag-evolve ang mabilis na Zombie sa malaking Zombie after 2 weeks.
Baka may mas ilalakas pa ang Zombie after level 3?
Huwag naman sana Lord please, Talaga ngang hindi magiging madali ang impyerno dito sa mundong ito kung may ilalakas pa ang mga halimaw na to.
Akala ko tulad lang sa Walking Dead ang tema ng Zombie Apocalypse na ito na makakasanayan din namin sa matagal na panahon kahit may Zombie pa sa paligid habang namumuhay.
Pero mukang hindi ata ganoon kadali, Kung nag-eevolve nga sila ay bilang na ang sandali ng mga bawat tao. Para kaming mga daga na magtatago sa lungga makaligtas lang.
Paano namin sila tatalunin?
"Kamusta na kaya ang apat na nakapasok sa tindahan lalo na ang lalaki?" Bulong ko habang nakikinig pa din ako pagsira ng mga Zombie sa tindahan.
Nakatingin at nakikinig lang ako sa pag-bunggo ng malaking Zombie sa bakal na harang ng tindahan na parang delata lang sa kanya.
Kaunti nalang masisira nya na ito sigurado.
"Zombie na siguro" Naawa ako kunti ng sinabi ko sa aking sarili.
Napansin ko kasi na nakalmot sya ng niligtas nya ang isa nyang kasama, Kahanga-hanga ang lalaki na yun pero parang natangahan din ako ng naisip kong mabuti.
"Kasi dahil sa kanya magiging Zombie na silang lahat pwera nalang kung pinatay ng lalaki ang sarili nya bago pa sya maging ganap Zombie" Mahinahon kong konklusyon kahit wala naman nakikinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
УжасыKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.