Chapter 45

17 6 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 45
Lelani POV

Ano ba ang problema ng mga tao na ito?

Hindi ba nila nakita na pinatay ni kuya ang mga Zombie dito sa paligid?

"Pre ok pa ang mga manok dito!"

"Kahit ang mga hotdog maayos pa hahaha!"

"Buti naman may mapapakain na tayo sa kanila"

"Masarap pa yung baka oh bulalo!"

"Sa wakas may matino na tayo mapapakain sa mga kasama natin"

Medyo nauunawaan ko na, Itsura palang nila ay halatang nagugutuman na talaga sila ng mahigit isa o dalawang araw at tubig nalang ata ang bumubuhay sa kanila.

Base naman sa mga komento nila ay meron pa sila na ibang mga kasama, May lugar sila na pinagtataguan?

Bakit hindi sila pumunta sa Circle para protektado sila ng military?

Ahhh......baka panget ang kalakaran doon dahil sa dami ng survivors?

Nandito lang kami na naghihintay sa hudyat ni kuya, Hindi nagtagal ay naisipan nalang ni kuya na kunin ang baril sa kanyang holster sa bewang at kinasa nya ito at pinaputok patama sa langit.

BANG!

Natahimik ang kasiyahan ng mga lalaki sa loob ng Alfa Mart na ninanakaw ang mga pagkain namin.

Maganda ang ginawa ni kuya para makuha nya agad ang atensyon nila.

Dahil instinct na ng tao ang matakot sa baril.

Napatingin na sila amin sa oras na ito na para bang ngayon lang nila napansin ang presensya namin.

Napabugtong hininga nalang na tinatamad si kuya na sinabi "Lahat kayo lumabas" Sabay binalik nya na ang baril sa kanyang holster sa bewang.

Nagtinginan ang bawat isa sa kanila at marahan nilang ibinaba ang mga pagkain na hakot-hakot nila.

Magsasalita pa sana si kuya pero hindi nya na tinuloy.

"Gusto nyong pumutok mga ulo nyo!? Labas na!" Sigaw ni Kathleen.

Dahil may sumingit...talaga to si Kathleen.

Nanginig naman sa takot ang mga lalaki na lumabas na sa Alfa Mart, Tumingin ako kay kuya na ayos lang sa kanya ang pananakot ni Kathleen.

Napatingin lang si kuya kay Kathleen at napatingin din si Kathleen kay kuya na parang nangising natatawa na nahihiya.

"Sa harapan namin kayo pumuwesto!" Sigaw muli ni Kathleen sabay tingin nya muli kay kuya.

Napailing nalang si kuya na parang sinasabi ng kanyang mukha na 'Tuloy mo lang' na ekspresyon.

Lalo tuloy tumapang si Kathleen ng nakita nya ang pahintulot ni kuya.

"Bilisan nyo!" Galit na sigaw ni Kathleen.

Lakas manakot ni Kathleen akala mo parang siga lang sa kanto.

Naging spokesperson de oras ang loko.

Mabilis sumunod at pumila sa tatlong linya tig-aanim ang mga lalaki sa harapan namin.

Mukang sisigaw na sana muli si Kathleen ng napansin nya ang tapik sa kanya ni kuya sa ulo senyales para tumigil na sya.

Malungkot na pumunta sa gilid ni kuya si Kathleen na naghihintay nalang ng usapan.

"Sino ang pinuno nyo?" Simpleng tanong ni kuya.

Nagtinginan ang mga lalaki kung sino ang sasagot, Ilang sandali pa ay isang lalaki edad 30 ata ang humakbang paharap at sumagot sa katanungan ni kuya.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon