Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 4
Delio POV"Kuya...Delio?"
Tawag ng kasama kong babae sa akin na meron yata na gustong itanong.
Tanda nya ang pangalan ko pero ako hindi ko na masyado tanda ang pangalan nya.
Claris? Claire? Clara? Basta letter C ata nagsisimula ang pangalan nya.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya habang nagpapahinga ako sa sahig ng nakahiga, Buti nalang malilim dito.
"Ano na po ang... gagawin natin?" Taka nyang tono.
Ang babaeng ito...
Talagang binanggit nya ang terminong 'Natin' para isama ko sya sa mga plano na gagawin ko.
Baka nagkataon lang na nasabi nya?
At wala syang ibig sabihin tungkol sa salitang 'Natin?
Gusto ko lang ngayon sana ay tumakas ng mag-isa at bahala na sya dito kung ano ang mangyayari sa kanya....
Pero heto ako, na itinuring na akong team-mate nya.
Ito na nga ang kinakatakot ko....
Ang may sasamang pabigat.
Maganda at sexy sya?
Ayaw ko mang aminin pero sya ang pinakamagandang babae na nakita ko sa personal.
Nakaka alindog din ang hubog ng kanyang katawan na akala mo ay model na may taas ata na 160 sentimetro/5'5 o higit pa, Nakasuot sya ngayon ng uniform pang school na parang itsurang pantalon ng office lady.
Katiting ang chubby nya kaya ata mas nakaka akit ang katawan nya para sa akin, Halos kamukha nya si Nancy ng Momoland pero mas pinabata.
Malaman sya ng kaunti.
Buhok nya abot hanggang bewang na walang halong katiting na artipisyal na kulay. Mga Itim na mga mata na akala mo ay pusa na gustong makipaglaro pag tumingin, Ilong na matangos na parang sa katulad sa isang koreana na artista. Makinis na balat na akala mo ay katulad sa isang sanggol at ngayong tinititigan ko sya ng mabuti ay wala akong napansin na make-up sa kanyang mukha.
Natural na kagandahan.
Hindi ako kumibo at tinitigan ko lang sya at napaisip ako kung ano ang gagawin ko sa babae na ito.
Ito lang naman ang babaeng muntik na akong idamay sa kalokohan nyang pag-sigaw kanina ng hindi nag-iisip at napalaban agad ako na may tyansa lang naman mamatay.
Tapos tinulungan ko pa syang iligtas.
Mabait ako o mabait talaga ako?
Hindi na sya makatitig sa akin ng matagal at tumingin nalang sya sa ibang direksyon. Medyo natakot ata sya sa akin dahil kanina pa ako nagagalit sa kanya.
Kung walang Zombie Apocalypse na ganito sigurado ako ang mahihiyang tumingin sa kanya ng matagal sa ganda nyang taglay.
Out of reach ko sya, Hindi ko sya kalevel sa itsura palang.
Pero inis lang ang nararamdaman ko kanina na pilit kong pinapakalma.
Napabugtong hininga nalang ako na sumagot sa kanya "Gusto ko din umuwi sa apartment ko kagaya mo kanina, Pero maraming Zombie at sarado ang gate"
Binalik nya na ang tingin sa akin habang ako naman ay pumikit muna at pinagpatuloy ko ang aking sinasabi "Simple lang ang plano ko, Makauwi sa apartment at magpalipas ng panahon hanggang dumating na ang mga tutulong sa akin kagaya ng Polisya o Military"
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
TerrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.