Title: Zombie sa Pilipinas
Auhtor: ATCS Delio
Part 7
Delio POV"Hmmmm.....kakain pa ba ako?" Tanong ko sa sarili.
Tatlong beses kasi ako kumain sa isang araw, Well iyun ang normal kumain ng tatlong beses.Kaso iba na ang sitwasyon, Iniisip ko na kumain nalang ako ng dalawang beses sa isang araw.
Pumasok pa nga sa isip ko na isang beses nalang ako kumain mula ngayon, Pero buti nalang napigilan ko sarili ko na wag gawin yun.
Kumain nalang ang isa sa masarap gawin sa buhay.
Aalisin ko pa, torture yun.
6:07 P.M na ng gabi nang napansin ko sa orasan ng laptop ang eksaktong oras.
Pumunta ako sa kusina para buksan na ang aking mga pinamili kaninang umaga para ayusin.
Sardinas yung Unipak kay Manny Pacquiao paborito ko yan nasa 23 pesos isa kaya namili ako ng 20 na piraso bali 460. Century Tuna na hindi lapad paborito ko din yan kaya bumili ako ng 10 na piraso 35 pesos isa bali 380 pesos. CDO yung Corn Beef 36 pesos naman ang binili ko din ng 10 piraso kaya 360 pesos, Mahal kasi Purefoods sa budget.
Hindi ako namili ng noodles dahil mas ayos sa kalusugan ko ang karne o isda sa delata.
Kailangan ko lang naman tumagal habang walang rescue. 20 kilo ng bigas 50 pesos sa kabuan ay 1000 pesos halas kalahating kaban na din ang laki.
Mga candy, chocolate, alcohol pang linis ng mikrobyo, gamot pang lagnat o sakit ng ulo o sakit sa katawan, itlog, mantika, ketchup, toyo, suka, patis, asukal at mineral water na galon sampung piraso na umabot lahat ng 3035 pesos kasama ang mga delatang nabanggit.
Tumango ako sa aking sarili sa tuwa dahil 1st time lomobo ng kusina ko ng ganito.
Sakto din na kakapalit lang ng gasul ko apat na araw nang nakararaan kaya halos full tank pa ito. Tiningnan ko din jog ng water dispender na halos puno pa ng tubig.
Bakit hindi ako namili ng mga karne tulad ng manok, baka o baboy?
Una wala akong refrigerator na pwedeng patagalin ang mga iyun mapapanis lang din kasi agad. Pangalawa delata lang talaga ang pwedeng tumagal kahit medyo masama sa kalusugan ang laging pagkain ng mga stockfood ay hindi ko naman ito ikamamatay agad in the short run.
Ayon sa kalkulasyon ko kung kakain ako ng tulad ng dati ay tatagal lang ang aking mga pinamili ng isat kalahating buwan, ibig sabihin dalawang delata kada araw ang magiging plano ko.
Pero kung titipirin ko ng isang delata isang araw bilang ulam ay tatagal ito ng lampas dalawa at kalahating buwan.
Ganoon din sa tubig na mas importante.
Kayang mabuhay kasi ng tao ng limang araw hanggang pitong araw ng walang pagkain pero pag walang tubig inumin ay hindi tatagal ng lampas ng tatlong araw ang isang tao.
Ganoon kahalaga ang tubig.
Sa mga damit panglaba naman ay marami pa ako dito tulad ng Zonrox, Downy at Tide na tatagal ng tatlong buwan pag tinitipid.
At muli akong napatango na ayos na ang nga lahat.
Ready na akong tumambay!
Sa ngayon ay tumingin ako sa salamin para tingnan ang aking itsura.
Kagaya ng normal na Pilipino ay meron akong itim na mga mata ganoon din sa buhok na pang army cut style pero medyo mahaba na ng kaunti. Pilik mata itim kahit buhok sa baba kung alam nyo na ay itim din syempre. May taas akong 1.75 na metro o nasa 5'7. Sa bigat naman ay nasa 87 kilo ako ika nga medyo malaman pero hindi naman bilbilin.
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.