Chapter 17

15 4 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 17
POV Lelani

Tahimik lang kami na nagtatago sa dalawang tricycle na pwede namin gamitin pangharang para hindi kami masyado maging pabigat.

Ramdam ko pa din ang kunting kaba at takot ni Klerisa at ni Kathleen habang ako naman ay tahimik na nanunuod sa ginagawang pagbukas ni kuya Delio sa ministore.

Sa kasong ito hindi namin kasi pwedeng wasakin mismo ang bakal na parang delata na binuksan, pag ginawa namin yun ay mawawala din ang depensa namin pangharang pagmakapasok na kami sa loob ng mini-store.

Kaya minabuti ni kuya Delio na padlack nalang ang sirain.

Si kuya Delio lang ang gumagawa ng lahat ng trabaho kaya pakiramdam ko wala akong pakinabang para tulungan sya.

Gusto kong tumulong sa kanya pero wala akong sandata na pwede pumatay agad sa Zombie. Ang mission lang namin kasi ngayon ay maghakot ng pagkain tapos babalik na kami sa compound namin.

Tulad nga ng sabi ni kuya Delio, Ang sandata nyang palakol ang nag-padali ng lahat ng bagay para sa kanya at para sa amin. Kung hindi dahil sa palakol nyang ito marahil matagal na syang patay.

Hindi ko ngayon kung bakit parang hindi ko maunawaan ang sitwasyon na parang ang dali. May bagabag sa dibdib ko na hindi ganito kadali ang lahat ng bagay.

May hinala ako na ang batong crystal na iyun ay hindi lamang tao ang makikinabang.

Paano nalang kung para din sa Zombie ang batong crystal?

BAAM!

CRACK!

KACHUK!

Natuwa ako kahit sila Kathleen at Klerisa ng nakita namin ngayon na nasira na ni kuya Delio huling padlock papasok para sa mini-store.

Mabilis kaming tumakbo na pumunta malapit kay kuya Delio, Sa posisyon nya ay bubuksan nya na ang pintong bakal pataas papasok, Mabilis na una si Kathleen na nakarating na mauunang pumasok sa mini-store sunod ako at huli si Klerisa.

Limang metro lang ang distansya namin kaya mabilis kaming nakapunta nang biglang napansin ko na may mabilis lumalapit na Zombie kay kuya Delio.

Isa..dalawa...Tatlo..!?

Saan sila galing!?

Binubuksan na ni kuya Delio ang mini-store apataas sana ng biglang naisip ko agad na balaan muna si kuya Delio tungkol sa piligro.

"Kuya-"

"Kuya Delio ingat!" Sigaw ni Klerisa na nasa likod ko.

Si Klerisa ang mas nauna sa akin na nag-babala kay kuya Delio, Dahil sa boses ni Klerisa ay dali-daling lumingon si kuya Delio sa likod nya.

Napatigil sya sa pag-angat ng bakal na pinto at mabilis pomorma na handa ng lumaban sa unang Zombie na tumatakbo.

Hindi lang sya tumatakbo, Literal na mabilis ang kanyang galaw na parang nakikita ng Zombie na ito ang kanyang target.

Sandali lang nakikita?

Whoosh!

Maganda ang pagkaka-bwelo ng katawan ni kuya Delio sa saglit na segundo na ito. Malinis ang pag-pugot nya sa ulo ng Zombie na tumatakbo at lumipad ito sa ere.

Nakita kong natuwa si kuya Delio sa nagawa nya at mabilis din agad syang kumalma para ihanda ang palakol sa susunod na Zombie na tumatakbo din.

Dalawa pa ang natitira tumatakbo kasabay nito ang mahigit 130 ata na Zombie na paparating na sa aming lokasyon.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon