Chapter 23

25 5 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 23
Delio POV

Mukang nagdadalawang isip na akong iligtas pa si Kathleen ngayon at gawing pain nalang sana sya. Kahit malakas na ako ay hindi pa rin biro ang bumuhat ng halos 55 kilong babae dagdag pa ang halos 60 o 70 kilo na bag dahilan para maramdaman ko ang bagal ng aking katawan kahit malakas na ako kumpara sa ordinaryong tao.

Kaso naalala ko ang kanyang luha kanina, Sa sandali na yun ay alam ko na magbabagong buhay na si Kathleen.

Kasalanan ko naman din kasi kaya ako nahihirapan dahil sinakal, binali ko ang kanyang tuhod, binagsak ko sya sa kalsada na sa tingin ko ay nabali ang kanyang kamay at braso ganoon din ng hinatak ko sya pabalik sa akin bilang panandalian na pain, Sigurado ako na nagka-pasa-pasa ang kanyang katawan ng bumunggo sya sa mga Zombie.

Buti nalang hindi sya nakalmot o nakagat.

Sa ngayon mabilis ang mga pangyayari, Pasalubong na ang mga aso sa harap nila Klerisa at Lelani para atakihin sila na mas nauunang tumatakbo kumpara sa akin.

Kaya mabilis gumana ang isipan ko na sinabi "Yuko! Takbo!

Hindi ko na nagawa pang kompletuhin ang salita dahil kaunti lang ang oras namin, Gamit ang aking palakol ay inatake ko ang likod ni Lelani na nasa aking kanan na kakayuko lang at natamaan ko ang mukha ng aso doon mismo sa mata at natapyas ko sa dalawa ang kanyang mata kasabay ang utak na nahati din sa dalawa.

Hindi pa natatapos doon ang aksyon ko na parang buwan sa gabi na nag-swing pabilog ang aking braso kasabay ang aking palakol at tinamaan ko din ang isa pang aso sa kaliwa sa pwesto naman ni Klerisa.

Dyuk!

Dyuk!

Buti nalang talaga ay alerto sila Klerisa at Lelani sa oras na yun.

Kung hindi ay sila ang tatamaan ng aking palakol. Ayoko ng isipin kung ano nalang sana ang mangyayari kung nagkamali ako sa pagkakataon na ito, baka mahirapan akong makatulog sa mga susunod na gabi.

Pero yun lang talaga ang magagawa ko sa bagal na taglay ko ngayon, sa pwesto ng dalawang aso at sa pwesto nila Klerisa at Lelani na sabay lalapain ng mga aso sana kung hindi ko gagawin ang ganoon paraan ng pag-atake.

Kung may iba pang paraan ay hindi ko na naisip pa.

Sa ngayon tuloy pa din ang takbo namin para makatakas kaso naririnig ko na ang hingal ng dalawang babae at may anim pang-mabibilis na Zombie na tuloy pa din ang paghabol sa amin.

Wala na kami sa kumpulan na mga Zombie kaya mas makakagalaw na kami ng maayos, Magandang balita ito sa pakikipaglaban.

Ang problema naman ay hindi din kami magtatagal sa takbuhan at mahahabol nila kami ilang segundo nalang mula ngayon kaya naisipan ko na tapusin nalang silang anim dito.

Kaya ini-utos ko ang salitang "Tigil!"

Mabilis tumigil sila Klerisa at Lelani na hinihingal at lumingon agad sila sa likoran nila kung nasaan ako naka pwesto na handang nakahawak sa aking palakol.

Wala pang apat na segundo na nakahinto kami ay nakalapit na ang apat na Zombie na tumatakbo samantala ang dalawang Zombie na naiwan sa likod ng apat ay natuon ang pansin kala Klerisa at mabilis naunahan ang apat para sugudin ang dalawa sa aking likod.

Nakatali sa aking kanang balikat si Kathleen na alam kong matindi ang takot ngayon kaya kailangan ko din maging maingat para huwag sya matamaan.

Nakapahirap ng sitwasyon ko na dami kong aalalahanin.

Bigat na aking responsibilidad bilang leader sa aming grupo.

Kahit ganoon pa man ay kusa ng umandar ang aking palakol para atakihin ang dalawang Zombie na marunong tumakbo na susugod sa dalawa kong kasama at tinamaan ko ang Zombie sa kanan sa kanyang ulo.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon