Chapter 28

13 3 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 28
Lelani POV

Nang matapos maligo si Kathleen ay sumunod na si Klerisa at pagkatapos nya ay sumunod naman ako. May shampoo na hinakot si kuya Delio pati sabon kaya ito ang ginamit namin para lalong matanggal namin ang baho, libag, amoy ng dugo na dumikit sa aming katawan.

Hindi din nalimutan ni kuya Delio ang toothpaste at toothbrush na mukang idinagdag nya ng hindi namin namamalayan. Napakamot nalang ako sa likoran ng aking ulo na masyadong perfectionist si kuya Delio na kahit ako nalimut ko asikasuhin ang tungkol dito.

Puro kasi inumin at delata ang dinala namin.

Ang problema nga lang ay nag-iisang toothbrush lang ito dito.

No choice ako kaya ito nalang din ang ginamit ko, Mas mabuti na ito kaysa hindi magtoothbrush.

Ayoko naman na pag-kinausap ako ni kuya Delio at lumayo sya pag-nagsalita ako....

Di ko makakaya.

Hindi ko din nalimutan na umihi at dumumi, Pansin ko lang na maayos pa ang tubig kahit hindi na ito painitin, Sa kaartehan ni kuya Delio ay hindi sya maliligo ng hindi napapainitan ang tubig. Pero base sa nangyari sa kanya sa banyo ay marahil ginamit nya pangtulak ang tubig gripo ng kinain nya ang mga crystal para gumaling ang braso nya at naisip nya na hindi naman sya naging Zombie.

Kaya ako din na ayos lang siguro gamitin ang tubig gripo dahil hindi pa ito contaminate or kung ano pa man.

Walang twalya dito pero may makapal na damit na iniwan si kuya Delio na ito ata ang ginawang pamunas din nila Klerisa at Kathleen at sigurado ako ginamit din nila ang nag-iisang toothbrush dito.

Walang selan ko din ginamit ang makapal na damit, Medyo basa na ito pero sapat pa din para maka-pagpunas ng basa sa katawan.

Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo papalapit sa counter, Nakita ko lang sila Klerisa at Kathleen na nakahiga sa pasamantalang higaan na ginawa ni kuya Delio.

"Si kuya?" Tanong ko kay Klerisa.

"Lumabas papatay lang daw ng Zombie" Nakapikit na sinabi ni Klerisa na parang pampatay ang pwesto ng kanyang paghiga.

Tiningnan ko ang bag kong dala na kinuha marahil ni kuya Delio bilang lalagyan, Napansin ko din na dalawa nalang ang kahon ng bala dito.

Kinuha nya ata ang isang kahon pang emergency.

Lumabas muna ako ng mini-gate papunta sa main gate para sumilip, Walang Zombie ako na Nadatnan.

Bakit ganito dito sa lugar na to?

"ROOOOAAAAAAARRRRR!!!"

Nanginig ako sa takot at mabilis kong sininarado ang gate sabay bumalik na ako sa loob kasama sila Klerisa na narinig din ang pamilyar na sigaw.

Halatang natakot din sila.

Bakit ang lapit ata ng halimaw na yun dito?

"Yung malaking Zombie...." Mahinang bulong ni Kathleen "Tingnan natin sa taas" Dagdag pa nya.

Naunang umakyat si Kathleen sumunod din kami ni Klerisa para tingnan mabuti ang sitwasyon.

Huwag mong sabihin na nilalabanan ni kuya Delio yung malaking Zombie na yun kaya malapit dito?

Nang nakarating kami sa lugar kung saan nakapwesto kanina ang matandang lalaki na may baril ay halos nakita namin ang mga bubong ng mga bahay sa paligid dahil sa taas din dito na parang 3rd floor.

Nakita din namin ang ilang Zombie na gumagala sa malayo at syempre nakita din namin ang malaking Zombie na may sinisirang pader sa isang bahay.

Kanina pa ata sinisira ng malaking Zombie ang pader ng bahay at hindi nagtagal ay nabutas nya din ito.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon