Chapter 11

24 5 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 11
Delio POV

Kahit ganoon pa man ang alok ni Lelani na ibebenta nya daw ang kanyang katawan ay hindi ko ito pinatulan.

Sa totoo lang bilang tunay na lalaki ay hindi ko dapat talaga tanggihan ang ganitong alok lalo nat virgin pa ako mula ulo hanggang paa.

Idagdag pa ang ungol ng babae sa kabila apartment na matagal ko ng iniinda sa inggit.

Napapa-isip nalang ako na sana ako din may katalik ngayon.

Pero hindi ito ang priority ko sa oras na ito.

"Mag usap tayo habang kumakain ka" Sabi ko kay Lelani at sumenyas ako na pumasok sya sa aking apartment ganoon din kay Klerisa sinenyasan ko din na pumasok.

Napangiti si Lelani at magalang na sumunod sa akin ganoon din si Klerisa na medyo alerto.

Ang babaeng ito talaga, May inaakala ata na hindi maganda akong gagawin sa kanila.

Nauna ng pumasok ang dalawa at susunod na ako ng nag salita ang isang babaeng halos kinakalimutan ko na.

"Paano ako Del- Kuya Delio?" Mabilis na tanong ni Kathleen sa akin.
Hindi ko pinansin si Kathleen at hinayaan ko lang sya sa labas ng aking apartment kahit na naririnig ko ang tunog ng kanyang sikmura.

Sa inasal nya kanina sa akin ay talagang alam ko na kung anong uri syang tao o mas tamang sabihin na uri ng babae.

Sa pagpasok namin sa loob ng apartment ko ay pinaghain ko si Lelani ng dalawang takal ng kanin at isang sadinas din tulad ng kinain ni Klerisa kanina.

Kahit nasa harapan na ang pagkain ay hindi ito ginagalaw ni Lelani kahit matindi na ang tunog ng kanyang sikmura pati ang laway na halos tumulo na sa kanyang bibig.

Lalo kong nagustuhan ang babaeng ito, Hindi pa ako humuhudyat kung pinapayagan ko na sya at nakatingin lang sya sa akin na parang pusa na nagmamaka awa.

Nang sinabi ko na pwede na syang kumain ay dali-dali nyang inubos ito sa loob lamang ng halos sampung segundo.

Grabe, Matindi nga ito.

Nakita kong may natira pa sa ulam ni Lelani pero ubos na ang kanin nya. Ibig sabihin sya ang uri ng babae na matipid ang isipan, Nagustuhan ko ito kaya binigyan ko pa sya ng dalawa pang takal ng kanin.

Napansin ko ang pagkagulat nya at tumingin sa akin ng ilang saglit si Lelani bago ko nakita ang magandang ngiti nya sa oras na ito, Kahit simple lang ang kanyang buhok na kulot at makapal na salamin ay kitang kita ko naman ang hugis ng mukha nya na may kagandahan.

Yung gandang kaunting ayos lang magkakandarapa na ang ibang lalaki para sa kanya.

Habang medyo nakangiti ako para kay Lelani ay naramdaman ko naman ang titig ni Klerisa na medyo nakaka ilang. Sinulyapan ko lang ang titig nya na parang sinasabi nito na 'Sya apat na takal ng kanin, Ako dalawa lang kuya Delio?'

Parang ganoon ang gustong sabihin ng kanyang mukha.

Patawad kaibigan.

Hindi ko nalang pinansin at nag banyo nalang ako para tumakas muna ng saglit. Sa pag balik ko ay nakita kong ayos na si Lelani, Malinis narin ang pinagkainan gamit ang malinis na tubig panghugas ng plato at napangiti ako ng kaunti.

Simpleng bagay pero nagustuhan ko lalo si Lelani.

Ngayong ayos na ang kalagayan nila ay dito ko na sinabi ang pakay ko.

Sinabi ko kala Klerisa at Lelani na isang buwan lang o maaring tatlong linggo lang ang itatagal ng aking natitirang pagkain.

Kaya sa loob ng panahon na ito ay magsasanay kami katulad ko, Ang una ay palakasin ng kaunti ang mga pambahay nilang katawan sa pagtakbo at pagbuhat ng mga bagay para sa mahahakot namin pagkain pag-umalis na kami sa compound na ito.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon