Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 31
Delio POVMedyo dismayado ako sa pinapakita nila Klerisa, Lelani at Kathleen, Pero inunawa ko din agad dahil ang malaking Zombie din naman kasi ang humahabol sa kanila.
Na hindi ordinaryong Zombie lang na basta-basta.
Gusto ko silang masanay sa mga bagay-bagay, Na kung sakali na wala na ako sa kanilang tabi ay kaya nilang alagaan ang kanilang mga sarili.
Na kaya nilang tumayo ng mag-isa.
Kaya hinayaan ko lang muna sila para sa gayon makita ko ang mga gagawin nila sa ganitong sitwasyon habang wala ako.
Kasalanan ko naman din talaga dahil ako mismo ang nagpahabol sa malaking Zombie na ito para dalhin sya sa kanila.
Nakatayo lang ako sa isang bubung ng isang bahay may kalayuan kala Klerisa, Lelani at Kathleen, Kalmado kong pinagmamasdan ang malaking Zombie na may taas 2.3 na metro na kulay normal ang balat tulad sa tao.
Parang itsura ni Taguro ang binibigay nyang vibes sa akin sa laki ng kanyang katawan at itsura ng kanyang pangangatawan.
Sa ngayon ay sinisira ng malaking Zombie ang rolling shutter door na bakal na mas maliit kumpara sa mini-store na pinagkunan namin ng pagkain.
Wala pang sampung segundo ay nakapasok na ang malaking Zombie at nakalabas naman na sila Klerisa, Lelani at Kathleen sa likorang bakuran ng hardware store patakbo sa kanan nilang direksyon.
Bumaba ako para sundan sila na maayos naman nilang nailigaw ang malaking Zombie na hindi alam kung sa kaliwa ba o kanan ba pumunta ang mga hinahanap nyang pagkain. Kaya binato ko ang malaking Zombie ng hindi ako napapansin at napatingin sya sa kanang direksyon.
Pumasok sila Klerisa sa nag iisang kanto at paglabas nila ay doon na sa lugar kung saan pinatay ko ang ilang Zombie na mukang may mga kakarating lang na grupo sa isang kanto na naipon.
Binato ko muli ang malaking Zombie ng bato at nairitang pinuntahan ang direksyon ng batong tumama sa kanyang ulo, Mabilis syang sumugod na parang toro at binunggo nya ang isang pader papunta sa akin na direksyon pa din nila Klerisa.
Mabilis din ako lumayo patago sa isang bakuran na may kataasan na madali ko lang nasampahan para makapasok ako sa loob.
Dito mismo ay parang may pakiradam ang malaking Zombie na parang alam nya na may malapit na mga tao sa kanyang paligid.
At ang mga taong pinaka malapit sa kanya ay ang tatlong babae.
May natutunan tuloy ako tungkol sa malaking Zombie.
Hindi nagtagal ay naramdaman din ng malaking Zombie sila Klerisa, Lelani at Kathleen na nasa loob ng puting Van at handa na akong tumulong sa oras na may mahuli sa kanila.
Pero naghintay lang ako kung ano pa ang gagawin nila ngayon.
Lumipas ang ilang segundo ay binulabog na ng malaking Zombie sila na parang laruan nyang kinakapa sa loob ang mga babae, Mabilis nakalabas sila Lelani at Kathleen sa kabilang bintana ng Van at napansin kong wala si Klerisa sa tabi nilang dalawa ng lumabas sila sa Van.
Naiwan si Klerisa?
Tumakbo nalang sila papalayo at di sila nag-abala kunin ang atensyon ng malaking Zombie, Hindi ko sila masisisi dahil ang turo ko sa kanila ay unahin nila ang kanilang kaligtasan kung ano ba ang pinaka praktikal na gawin.
Kahit papaano kinuha nila ang atensyon ng mga paparating na ordinaryong Zombie para hindi na dumagdag pa sa problema ni Klerisa.
Nanood lang ako hanggang sa napansin kong nahuli na si Klerisa ng malaking Zombie at mabilis na akong umakyat sa pader na bakuran at tumalon sa balikat ng malaking Zombie.
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.