Chapter 38

11 3 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 38
Klerisa POV

Ngayong araw na ito ay payapa naman ang lahat dito sa hardware.

Nang lumabas ako ng hardware store ay nakita kong nagsasanay si Maria Isabel na mas tinatawag namin na Aysa ng mabuti.

Iniwawasiwas nya ng may lakas ang kanyang palakol mula pataas pababa na parang nagsisikabak. Ito ang palakol meron pa sa hardware kaya ito na ang magiging sandata nya.

Medyo bumalik na din ng kaunti ang taba ng kanyang katawan, Sabi sa bilin ni kuya Delio busugin syang mabuti.

Maayos naman ang mga pagluto ko lalo nat may condiments na kaming nakuha tulad ng suka, patis, toyo at mantika pang prito sa coornbeef para mas maging masustansya.

6:22 A.M na ng umaga kaya sumama ako sa pagsasanay na ginagawa ni Aysa.

7:00 A.M na ang oras ngayon, Nakapagpapawis na din kami at handa ng lumabas kasama si Kathleen na kakalabas lang ng hardware store.

Ang mission namin ngayong araw ay pumatay ng Zombie sa paligid at ang papatay ay si Aysa, Tuturuan din namin sya kung paano kumuha ng batong crystal gamit ang kutsara at tinidor para tumibay din ang sikmura nya.

"Ate Klerisa kelan kaya babalik si sir?" Alalang tanong ni Aysa.

"Hindi ko din alam Aysa...baka mamaya umuwi na sya" Sabi ko na medyo tunog hindi sigurado.

"..........." Hindi nagsasalita si Kathleen habang nalakad kami.

Nag-aalala ako...

Dahil isang linggo ng hindi bumabalik si kuya Delio.

Hindi din namin macontact ang cellphone number nya at kahit mag-message kami ay hindi sya nag-rereply.

Iniwan nya na talaga kami?

Nalunglungkot ako...pag naiisip ko ng ganun.

Akala ko makakasama namin sya parati.

"Klerisa dalawang Zombie, Humanda ka Aysa" Babala ni Kathleen at pomorma sya.

"Sige ate Kathleen" Sagot ni Aysa at mabilis syang lumapit sa Zombie ng mag-isa.

Hindi ako nag-aalala kay Aysa dahil asintado nyang tinamaan ang ulo ng Zombie at sinipa nya ng malakas ang isang Zombie papalayo at mabilis nyang hinugot ang kanyang palakol sa unang Zombie na inatake nya at nilipat ni Aysa ang palakol sa ulo naman ng nasipang Zombie na nakahandusay pa at pinatay nya din.

Napakadali tingnan ng ginawa nya.

Masasabi kong magaling si Aysa ng higit sa amin.

Sya ang tipong panglaban na tinutukoy ni kuya Delio.

Martial Artist, Isang blackbelter sa Taekwando.

Ito ang pagkakasabi nya at ng nakakwentuhan namin sya tuwing gabi bago matulog ay napakita nya sa kanyang cellphone na sya ay province level Champion.

Sa ngayon ay madaling kinuha ni Aysa gamit ang kutsara ang dalawang puting crystal at binigay nya sa akin ito.

Hindi na kami nag-tagal para hindi kami nakatengga ay nagpatuloy lang kami sa paghahanap ng Zombie at pumatay muli kami buong araw. May dala naman kaming bag kaya pwede kaming kumain ng hindi umuuwi sa hardware store.

Bandang 5:20 P.M na ng hapon at umuwi na kami sa hardware store.

Nakita namin Lelani pinapainum ng tubig ang tatlong lalaking hinuli namin sobra na ang ikinapayat.

Naawa ako pero hinayaan ko nalang.

"Kamusta pag-sasanay ni Aysa?" Tanong ni Lelani sa akin.

"Wala akong masabi kay Aysa, Panglaban talaga sya" Komento ko.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon