Chapter 5

23 3 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 5
Delio POV

Hindi ko na inintindi pa kung hiniram ba talaga ang cellphone nya ng kanyang ka-roomate o ano pa man ang dahilan ni Klerisa.

Pero...Nakakatuwa na medyo nawala ang nerbyos ko sa kaunting kalokohan na nalaman ko tungkol sa kanya. Hindi ko sya masisisi kasi kahit ako 'Suki' din sa site na sini-search ng 'Karoom-mate' nya daw.

Mas magaling lang ako, Dahil dinidelete ko agad ang history para 'Safe'

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakahanap din ako ng malakas na tunog ng babae na matining ang boses sa internet at saka ko ito dinownload tapos nilagay ko bilang ringtone ito.

Nilakas ko sa todo ang volume setting ng cellphone ni Klerisa at humanap ako ng maliit na kahon malapit sa basurahan ng bahay na tinataguan namin para gawing amplifier para mas malakas ang tunog.

Kahit papaano ay lalakas ito ng halos dalawang beses pag isang direksyon ang ingay nito.

Pagkatapos kong ilagay ang cellphone sa loob ng kahon ay tinanong ko na si Klerisa.

"Saulado mo ang number mo?"

"Saulado ko kuya Delio" Tumango syang sumagot.

Nang narinig ko ang kanyang sagot ay nilabas ko ang kamay ko sa gate at binato ng todong kong lakas ang kahon na parang naghagis lang ako ng tsinelas na naglalaman ng cellphone ni Klerisa na umabot ng siyam na metro ang layo mula sa amin sa kaliwang direksyon.

Nasa kanan direksyon kasi ang apartment namin kaya sa kaliwa ko sila papupuntahin ang mga Zombie.

Matapos kong gawin ito ay inulit ko muli ang plano kay Klerisa. Nang narinig nya ang bawat detalye ng gagawin namin ay medyo ninerbyos sya.

Hindi ko sya masisi dahil kanina nang niligtas ko sya ay para syang lutang na hindi pa malinaw sa kanya ang bigat ng sitwasyon.

Ang sitwasyon na...

Kaunting sugat lang na makalmot o makagat sya ng Zombie ay para na syang namatay. Lahat ng halimaw sa labas ng bakuran na tinataguan namin ngayon ay mga taong patay na.

Simple isipin pero...Nakakalungkot ang sinapit nila.

"Handa ka na Klerisa?"

"H-handa na kuya Delio"

Napailing nalang ako, Pabigat nga kung ninerbyos pa rin sya. Kahit naman ako kinakabahan pero sitwasyon ito ng buhay at kamatayan.

Kaya gusto ko syang maging matapang ngayon.

Kasalanan ang magkamali sa oras na ito.

Napa-isip pa tuloy ako ng mabilis at madaling paraan kung paano ko maalis ang kaba ni Klerisa.

At ang pumasok nalang sa isip ko ay paluin ang kanyang matambok na pwet.

PAK!

PAK!

Nahiyang nagulat sya ng sobra, Naramdaman nya na sumakit ang kaliwat-kanan nyang pwet ng inampas ko ito ng dalawang beses.

Gusto nya sanang magalit sa ginawa ko pero nakita nya ang aking ngiti at tinanong ko sya.

"Handa ka na Klerisa?" Kompyansa kong tanong.

Napatingin sya sa aking mga mata ng ilang saglit at nangiti sya na parang may naintindihan.

"Handa na ako kuya Delio"

Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagbabago.

Ang kompyansa.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon