Chapter 54

16 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 54
Scientist POV

Kahit anong yaman at lakas mo sa mundong ibabaw ay meron naman tayong hangganan na pipigil sa atin.

Paano nalang kung matanggal ng tao ang limitasyon ng buhay?

Ang pagtanda hanggang sa mamatay.

Ito ang sumpa ng Diyos sa tao ng hindi sumunod sila Adan at Eba sa kanya na lumikha ng lahat kung pagbabasehan ang Biblia.

Sa teoryang science ay nagmula naman ang evolution ng tao na dating unggoy hanggang nag-evolve at naging tao.

Ito ang debate tungkol sa ano ba ang tao.

Pero dito sa China hindi ganito ang tingin ng karamihan sa amin na bumabase sa Budismo na naniniwala kay Buddha.

Na kaya ng tao maging Diyos tulad ni Buddha sa pag-ipon ng kapangyarihan na tinatawag na Qi sa sinaunang panahon ng Bansa namin.

Kahit ako halos hindi naniniwala sa ganitong kwento.

Imposible gawin ito lalo na likhang kwento lang ito sa China tulad sa kwento ni Sun Wukong o mas kilala na Monkey King.

Walang ganitong enerhiya sa modernong mundo.

Kaya gumawa ang China, Ang bansa namin.

Na ibang enerhiya.

Dahil mahinang bansa ang China namin sa pahanon ng World War 1 at World War 2 ay nagising kami na palayugin ang aming teritoryo, ekonomiya, teknolohiya, edukasyon, inpastraktura, medisina, agrikultra at marami pang iba.

Sa pangunguna ito ng aming presidente na si Xi Jinping.

Para sa akin walang saysay ang lahat ng bagay pagnamatay ka na, Mamanahin lang ng mga anak mo ang pinaghirapan mo na pwede lang nila pabayaan.

Dahil hindi naman nila ito pinaghirapan.

Hindi ito gusto ng mga makapangyarihan na tao kaya nagkasundo ang mga malalakas na bansa sa isang proyekto sa pangunguna nang aming bansa ang China na tago sa buong mundo.

Bilang isa sa apat na lead Scientist ay sabik ako tungkol sa immortal na buhay. Malusog na katawan na hindi nagkakasakit, tumatanda at namamatay.

Immortal Project

Ito ang pangalan ng proyekto namin sa tulong din ng ibang reference idea's ng ibang bansa tungkol sa buhay.

Ang una naming pinagbasehan na pag-experimentohan ay ang mga hayop sa dagat.

Ang tinatawag na Immortal Jellyfish para sa Project 1.

Bigo ang resulta dahil age resetting ang nagagawa ng Immortal Jellyfish.

Sa Project 2 ay tungkol sa mikrobyo na hayop ang Deloid Rotifiers.

Bigo din.

Dahil about multiplication na parang pag-clone naman ang tungkol sa kanila.

Project 3 ang tungkol sa lobster na kaya mabuo ang kanilang mga parte tulad ng kanilang galamay.

Bigo pa din.

Nabigo muli kami dahil hindi akma ang structure ng tao sa mga hayop na hindi mamal.

Mahirap makamit ang magandang resulta.

Billion dollar projects na inabot ng ilang taon ang hindi nagtagumpay, Hindi naman nasayang ang mga ideya na binigay ng Project 1,2 at 3 kaya mas lalo kami nagkaroon ng pag-asa sa Project 4.

Ang project 4 ang tungkol sa mga Bampira.

Isang haka-haka lang ang tungkol sa Bampira na wala pa nakakapag-patunay, Kahit ganun pa man ay hindi mawawalan ng pag-asa ang tao na makakita kahit katiting na pag-asa man ito.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon