Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 49
Delio POVMahirap labanan ang apat na malaking Zombie o mas tinatawag na namin na L3 Zombie, Kahit mahirap ay posible pa din sa akin na talunin sila basta huwag lang nila ako mahuhuli.
Hindi biro ang sampung beses na lakas L3 Zombie kumpara sa tao habang ako naman ay may lakas lang na higit tatlong beses kumpara sa tao.
Tulad ng dati kong taktika ay pinapatay ko sila hindi sa ulo kundi sa leeg na mas malambot kumpara sa kanilang bungo, Base ito sa experience ko sa pakikipaglaban ko sa kanila ng nakulong ako nakaraan sa SM north.
Lalayo ako pahakbang paastras pag-nakita ko na silang hahablutin o susuntukin na nila ako ay doon na ako papasok sa loob ng depensa nila para tagain ang kanilang leeg.
May taas silang 7.5 feet habang ako naman ay may taas ng 7.2 feet, Hindi ko na kailangan abutin ang leeg nila dahil halos kasing laki ko na sila.
Ang reklamo ko lang ngayon ay hindi na bagay ang laki ng palakol ko o nila Klerisa sa laki ng aking katawan ko ngayon.
Kailangan ko na talaga ng mas malaking sandata.
Kaya tumatagal pa ng ilang atake bago ko sila mapatay.
Tagain lang ng tagain ang isang parte nila ang leeg ng paulit-ulit hanggang lumaki at mapugut ko ito.
Syempre dahil nabawasan ko ng isang kasama ang grupo ng L3 na Zombie na ito ay lalo lang dadali sa akin ang laban hanggang sa maubos ko na silang apat.
Kukinin ko na sana ang apat na blue na crystal kaso may panibagong grupo ng L3 na Zombie ang dumating malapit sa restaurant area kung nasaan ako.
May katagalan ang mga laban na inaabot ako ng 2 to 4 minutes depende sa dami, Mabilis kong pinatay ang tatlong L3 sa pangalawang grupo na dumating kahit ang pangatlong grupo na dumating na merong apat na L3 ay hindi din nagtagal sa aking kamay.
"Sunod sunod ah? Anong meron?" Napakulot ang noo ko sa pagtataka.
Hindi ko nalang muna inisip masyado at tinuon ko nalang ang aking isipan sa 11 na L3 Zombie na pinatay ko.
Binuksan ko ang kanilang mga ulo gamit ang palakol ni Klerisa at Kathleen at ako na mismo ang pumulot ng mga blue na crystal sa kanilang ulo gamit ang aking daliri pangdukot.
Kaya ko lang pinapakutsara ang pagkuha ng crystal kala Klerisa, Kathleen, Lelani at kay Aysa ay dahil pwede silang masugatan gamit ang daliri nila dahilan na baka maging Zombie sila.
Ako na matigas ang balat ay hindi na kailangan mag-alala.
"42 na ang nakain ko na blue na crystal sa loob ng SM bali 8 nalang ay kumpleto ko na ang 50 na blue na crystal na requirement para lumakas" Bulong ko na nangiti.
Hindi ko na halos kailangan linisin ang crystal o ang aking kamay dahil naulan naman.
Syempre lilinisin ko pa din ito ng alcohol pagpasok ko sa loob ng restaurant.
Saka magandang pagkakataon na rin na kainin ko ang blue na crystal na ito na sabay sa party na gagawin namin sa restaurant.
Nakahanda na din ang 60 na green na crystal kala Klerisa, Kathleen, Lelani at 50 naman kay Aysa pag kumain na din sila sa party.
Mas lalakas na sila at mas mapapadali na ang pagpatay nila sa mga Zombie.
Ang isa pa na pwede ko din atupagin agad ay ang pag-ipon ng 1000 na green na crystal.
Meron na akong 606 na green na crystal sa ngayon, Kulang nalang ako ng 394 na green na crystal para muli akong lumakas.
Sa ngayon ay wala muna akong gagawin dahil napatay ko na ang mga L3 Zombie.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.