Chapter 1

166 9 3
                                    

 A/N: Ito na po 1st chapter na!

Nasa right side po ang picture ng isa sa mga characters natin... 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. 5:00 am. Haaaaaaaaaaay …. Ngayon nga pala yung outing ng batch namin. Actually, hindi talaga siya outing. Retreat ang tawag dun, para yun sa mga graduating students. Usually, sa retreat house sa Tagaytay ang venue nun.

Bumaba ako sa dining room.

“Good morning, mom… dad!”

“Good morning, Mina!” sabay na bati ng parents ko sa akin.

Umupo ako sa upuan sa tabi ni Mom. Hindi talaga Mina ang pangalan ko, nickname ko lang yung. Wilhelmina ang totoo kong pangalan.

“So, ngayon ang retreat niyo, di ba?”

“Yes,dad! Excited na nga po ako eh.”

“Well, honey. Ienjoy mo lang ang stay niyo dun ah.”  Sabi ni Mom.

Pagkatapos kong kumain, naligo at nagbihis na ako. Kinuha ko na rin ang bag ko sa kwarto. Buti na lang at nakapag-impake na ako. Sobrang nakakaexcite lang talaga. First time ko kasing pumunta malayong lugar na di kasama ang parents ko.

“Ready ka na?”

“Yes, mom.”

“William, ready na daw ang anak mo.” Sabi ni Mom.

“Honey, mag-iingat ka dun ha?”  dugtong ni Mom sabay yakap at halik sa pisngi ko.

“Bye, mom! I love you.”

“I love you, too!”

 

Hinatid ako ni Dad sa school. Dun kasi ang assembly area ng batch namin. Ilang minutes lang nasa school na kami.

“Bye, dad!”  sabi ko at humalik ako sa pisngi ni Dad.

“Bye! Ingat, baby ko.Magtext ka ha?”

“Opo.”

 

Bumaba ako ng kotse. Kumaway ako kay Dad nung paalis na siya. Kumaway din siya sa akin.

“Mina!”

“Elaine!”

 

Best friend ko si Elaine simula nung second year high school. Di ko alam kung paano kami naging friends. Basta nangyari na lang. Niyakap niya ako.

“Grabe lang. Para namang di tayo nagkita kahapon.” Sabi ko.

“Sorry naman. Excited kasi talaga ako.”

“Duh! Ako rin kaya! Uy! Dapat roommates tayo ah.”

“Siyempre naman. Kahit tabi pa tayo sa kama eh.”

“Hahaha. Ikaw talaga.”

 

Pumunta kami sa canteen para makaupo. Dun din kasi naghihintay yung iba pa naming classmates.

“Wilhelmina.”

Tinawag niya ako…   >//////< 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sino kaya yun? Alamin sa next chapter!

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon