[Lyndon´s POV]
Kaninang umaga… nakita kong patay si Tamara at Irish. Si Carla, tulala at hindi makausap. Si Troy, naghihysteria siya kanina. Umiiyak at sumisigaw… simula nung makita niya ang bangkay ni Jeanette. Kaninang breakfast, bigla na lang nagsipagbula ang bibig at nangisay ang mga kumain. Buti na lang di ko naituloy na isubo yung sopas. Nagalit si Bonnie sa kusinera dahil akala niya siya ang naglason sa amin. May dumating na tatlong tao na nakamaskara. Yung isa, siya yung nagpakita sa amin ni Wilhelmina kagabi. Siya yung pumatay sa guard namin. Pinatay din nila yung kusinera. Nagkagulo ang lahat. Gusto kong lapitan si Wilhelmina. Alam kong natatakot siya. Maya-maya lang pinaakyat kami sa Session Hall. Nandun yung boy at nakagapos. Hindi siya nakahingi ng tulong. Pinatay din siya.
Umeksena si Shauna. Akala niya papalayain kami kapag binigyan niya ng pera yung mga killer. Pinatay din siya. Sumugod naman ang boyfriend niyang si Ethan pero pinatay din siya. May bumukas ng gate. May dumating!
Naglakad-lakad yung lalaki. Huminto siya sa harap ni Carlisle at tinutukan niya ng kutsilyo. No way! Tatayo na dapat ako …
"Hoy, ikaw! Tignan mo nga yun. Kapag winarningan mo yun, mamamatay ka! Maliwanag ba?" tumango lang si Carlisle. "Dali! Tumayo ka na diyan. Dalian mo ah! Huwag kang magtagal." Tumayo siya at lumingon sa may direksyon namin. Okay lang ako. Si Wilhelmina ang kausap niya. Tumalikod na siya at pumunta sa balcony. Maya-maya lang, kumaway siya at may sinenyas siya. Bigla siyang hinila nung lalaking nakamaskara. Baka patayin siya. Sinapak siya sa mukha at pinagalitan siya. Pinabalik siya sa pwesto niya.
Pumasok yung pari sa Session Hall. Nagulat siya nung nakita niya ang mga bangkay at nagkalat na dugo. Bigla siyang pinagsasaksak nung dalawa mula sa likod. Titirahin na siya ng crossbow nang biglang humarang si Sir Nathan at tinamaan siya sa balikat. Tinira ulit yung pari at tinamaan siya sa noo. Huminga siya ng malalim tapos wala na.
Kung makaligtas man ako dito, siguradong wala na ako sa katinuan. Grabe! Ilang oras na rin tumigil ang tatlo sa pagpatay. Kumain sila sa harapan namin. Hindi nila kami pinakain o kahit painumin man lang ng tubig. Yung iba sa amin nakatulog na pero ako di ako matutulog hangga´t-maaari. Hindi rin naman ako makatulog dahil sa mga nakita ko. Sa ngayon, nagpapahinga yung tatlong psycho. Napapaisip ako dahil dun sa isa, yung Ted. Napansin kong hindi siya pumapatay. Ibig sabihin ba nun siya ang pinakamahina sa kanila? Di ko siya dapat i-underestimate ang kakayahan niya. Kasama pa rin siya sa mga killer kaya mapanganib pa rin siya.
Tumingin ako sa paligid. Nakatulog din pala si Carlisle. Si Wilhelmina naman nakayakap sa mga tuhod niya at nakatulala. Pasimple akong lumapit sa kanya.
"Hey!" sabi ko. Lumingon siya at hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay ko. Nanginginig yung kamay niya nung una pero bigla ring nawala.
"Hey!" bulong niya. Namumutla siya at ang lamig ng kamay niya.
"Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" tanong ko.
"Okay lang ako." Sabi niya pero alam kong di siya okay.
"Ilan na lang kaya tayo?" tanong ko.
"44 siguro… mga 17 ata yung nalason kanina… yun ang narinig ko sa kanila. 22 lahat ng nawala sa classmates natin." Sabi niya.
"Ano nang mangyayari sa atin? Makakaligtas pa ba tayo?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot kaya nanahimik na lang ako. Binitawan niya ang kamay ko at niyakap niya ulit ang mga tuhod niya.
"Ang boring na, love." Sabi ni Dolly.
"Hoy! Magsibangon kayo! Maglalaro tayo!" sabi ni Joker.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?