Chapter 10

74 5 3
                                    

[Carlisle’s POV]

Nakausap ko na si Lyndon tungkol sa deal namin na never niyang liligawan si Wilhelmina. Hindi ko talaga maimagine na magkakatuluyan ang best friend ko at ang mahal ko. Oo, mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin si Wilhelmina. Ako ang nakipagbreak pero pinagsisisihan ko na yun ngayon. Sobrang nanghihinayang ako. Akala ko magiging masaya ako kay Jane, yung pinalit ko kay Wilhelmina noon. Hindi pala. Feeling ko kasi napilitan lang siya dahil nasaktan siya nung iba pala ang gusto ni Lyndon kaya sinagot niya ako. Nalaman ko kay Lyndon na minahal din ako ni Wilhelmina. Haaaaaaay … Gago ka talaga, Carlisle! Gago ka! Sinayang mo lang.

Sinabi ko kay Lyndon na parang gusto kong makipagbalikan. Tinulungan naman niya ako. Sinubukan kong makipagfriends kay Wilhelmina pero pinandigan talaga niyang hindi na kami mag-uusap kahit kelan. At ngayon halos lagi na silang magkasama ni Lyndon. Naalala ko nung bago pa lang kami magkatuluyan ni Wilhelmina, inamin niya sa akin na nagkagusto siya kay Lyndon kaya lang that time nililigawan ni Lyndon si Bella.

Umakyat ako sa 2nd floor tapos pumunta ako sa living room. Umupo ulit ako sa tabi ng aquarium katulad kanina nung nag-uusap kami ni Lyndon. Nakakarelax talagang tignan ang mga isda. Biglang naimagine yung kwento ni Chris nung nakita niya sila Wilhelmina at Lyndon. Nagkakagustuhan na kaya silang dalawa? -__-”

“Uy! Picture tayo, Carlisle.” Sabi ni Irish.

“Sure.”

Ano ba yan? Panay na tuloy ang papicture nitong sila Irish. Kundi ako ang pinipicturan, ako ang taga-picture. Saan ba pwede lumipat? Pagtingin ko sa pintuan palabas ng living room, nakita ko siya. Kausapin ko kaya… Kaya lang baka umiwas siya. Hmmm… Bahala na. Lumabas ako ng living room… Sinundan ko siya pababa ng hagdan. Walang tao dito, kami lang ni Wilhelmina. Nakasuot na siya ng pajama niya.

“Anong ginagawa mo dito?”

Napalingon siya sa akin. Mukhang di niya gusto na nandito ako. Nag-aalangan na sagutin yung tanong ko. Ooops… Distance muna.

“Nagpapahangin at nagtetext.”

Ayun. Sumagot din … Pwede nang lumapit.

“Nagpapahangin? Di ka nilalamig? Ang lamig kaya.”

“Ahmmm… Medyo malamig nga eh.”

Ayos! Buti na lang nakajacket ako. Tinanggal ko ang jacket ko.

“Ito oh. Suotin mo.”

“Naku! Huwag na.”

“Sige na. Medyo naiinitan na rin ako diyan. Baka sipunin ka pa.”

“Okay. Mapilit ka eh.”

Kinuha niya yung jacket na inaalok ko at sinuot niya.

“Ganun pa rin pabango mo?” naalala pa niya.

“Ahhh… Ehhh ... oo. Yun yung gift mo sa akin, di ba?”

Ngumiti siya at tumango. Kahit na madilim, kitang-kita ko pa rin ang ngiti niya dahil sa liwanag ng buwan. Tumingin siya sa akin.

“Ahmm… bakit dito ka pa nagtetext?”

“Wala kasing signal sa loob eh.” Oo nga pala.

“Ahhhh …” napakamot ako sa leeg ko. Ano bang sasabihin ko? Bakit ko ba siya sinundan dito?

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon