Chapter 18

49 4 3
                                    

[Lyndon’s POV]

Nagkaroon kami ng pagtatalo ni Carlisle. Dahil kay Wilhelmina. Buo na ang desisyon ko… Balewala na sa akin ang deal namin na hindi ko liligawan si Wilhelmina. Hindi ko na maintindihan ‘tong nararamdaman ko para sa kanya… basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya. Hindi ko na maalis si Wilhelmina sa isip ko. Baduy na kung baduy pero ganun talaga eh.

Last session namin kanina. Di mapakali si Wilhelmina. Nilalamig yata siya eh. Dahan-dahan ko siyang nilapitan tapos unti-unti ko siyang inakbayan.

“Nilalamig ka ba?” tanong ko.

“Uhm… Ahhh… Oo eh.” Sabi niya.

“Dapat kasi nag-jacket ka. Lalo kang sisipunin nyan.”

Grabe! Kung alam lang niya yung naramdaman ko nung magkadikit kaming dalawa. Para akong nilalagnat… Actually, lagi akong ganun pag magkasama kami. Ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan. Nandito ako ngayon sa living room sa first floor. Binabasa ko yung librong hiniram. 27th chapter na ako. Parang may tao yata. Pagtingin ko sa may hallway, nakita kong nakatayo siya doon. Parang naghehesitate siyang lumapit. Tatalikod na sana siya …

“Uy, Wilhelmina.”

Lumingon ulit siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

“Nagsasalamin ka pala?” tanong niya.

“Ahhh… ito ba? Reading glasses lang naman. Upo ka.”

Umupo naman siya.

“May lagnat ka ba?”

“Pick-up line ba yan?” I frown.

“Di ah! Hahaha… Kasi kanina parang ang init mo.”

“Ganun talaga. Hot ako eh.” Biro ko.

Nagtawanan kaming dalawa tapos biglang awkward silence…

“Totoo bang nag-away kayo ni Carlisle?” Paano niya nalaman?

“Ahhh… oo eh.”

“Bakit naman?”

“Nagkaroon lang ng konting misunderstanding… pero okay na kami.”

“Ahhhhh… ok.”

Tahimik ulit. Hmmm… tanungin ko kaya about sa … hindi. Huwag muna. Next time na lang… pero baka wala nang next time. Ngayon na lang.

“Just a random thought… May iba pa bang nanligaw sayo after nung kay Carlisle?”

“Wala… Bakit?” Patay!

“Ahhh… Ehhh… Wala lang. Eh kung sakaling merong manligaw sayo … Ready ka na bang magkaboyfriend ulit?”

“Ahmm… siguro. Basta harapin niya ang parents ko at dapat seryoso siya. Kung hindi, huwag na lang…”

Biglang kumaluskos dun sa pintuan. May salamin yung pintuan kaya makikita mo kung ano yung nasa labas. May kumakatok. Lalaki na nakasuot ng maskara na clown. Medyo creepy yung itsura nung mask.

“Sino yan? Nakakatako naman yung mask niya.” tanong ni Wilhelmina sa akin.

“Baka classmate natin. Nantitrip lang siguro.”

Lumalakas yung katok nung lalaki. Tapos biglang tumakbo nung tumayo na ako. Binuksan ko yung pinto.

“Oh, come on! Wala namang mantitrip, guys!” sabi ko dun sa labas kahit wala naman akong kausap.

Biglang may tumalsik sa mukha ko. May bumato. Nilock ko ulit yung pinto. Ang lagkit naman nito. Badtrip! Pinunasan ko yung mukha. Ano ‘to? Dugo?! Biglang sumigaw si Wilhelmina. Tinuturo niya yung nasa sahig. Yung binato nung lalaki sa labas… Tinignan ko ng mabuti. Ay! P&*#@!!! Pugot na ulo! Yung ulo ng guard… Tumakbo ako kay Wilhelmina at niyakap ko siya. Humahagulgol na siya. Sigaw siya ng sigaw.

“Sssshhhh…. Ssssshhhh…Calm down.” Sabi ko.

Nagtakbuhan papunta sa amin yung mga classmates namin. Karamihan boys dahil floor nga namin ‘to.

“Oh shit!”

“Damn! Ano yan?”

“Tawagin niyo si sir!”

Nagpakita ulit yung lalaki… this time may hawak siyang itak. Kumakatok siya ng malakas. Tapos biglang nawala ulit. Naghihysteria pa rin si Wilhelmina. Paano ba ‘to? Tinignan ko si Carlisle. Ang sama ng tingin niya sa akin.

“Anong nangyayari dito? … mahabaging Diyos!” napasign of the cross si Sir Nathan nung makita niya yung pugot na ulo.

Nagbabaan din sila Ma’am Matilda at Ma’am Christine.

“Pumunta kayong lahat sa Session Hall! Now! Maliban sa inyong dalawa… Pumunta kayo sa room namin ni Ma’am Matilda. Maghintay kayo dun…” sabi sa amin ni Ma’am Christine. Nag-akyatan kaming lahat sa 2nd floor.Pumasok kami sa kwarto nila Ma’am. Pinaupo ko muna si Wilhelmina, umiiyak pa rin siya.

“Uy… Tahan na.” Maya-maya lang tumigil din siya. Ano bang nangyayari dito? Sino yung lalaking nakamaskara na yun? Ligtas ba kami dito?

“Okay ka lang ba?” tanong ko. Nagtanong pa ako… alam ko namang di siya okay. Haaaay… -__-”

Tumango lang siya tapos pinunasan niya luha. Kinuha ko yung panyo ko.

“Ako na.” sabi ko tapos lumuhod ako sa harap niya para punasan luha niya. NIyakap niya ako bigla… umiiyak na naman siya. “Tama na.” Hinaplos ko yung buhok niya. Nawala na yung panginginig niya. Pumasok sila Ma’am Christine, Ma’am Matilda, Sir Nathan at Sis. Joyce.

“Wilhelmina… Lyndon… Pakipaliwanag sa amin kung ano ang nangyari kanina.” Sabi ni Ma’am Matilda. Nagtinginan kami ni Wilhelmina.

“Nagkukwentuhan po kasi kami dun sa baba kanina… tapos po biglang sumulpot yung lalaki. Kumakatok po siya sa pinto. Palakas po ng palakas.” Sabi ko kay Lyndon.

“Anong itsura?” tanong ni Sis. Joyce.

“Di po namin alam. Nakasuot po siya ng mask… sa palagay ko po nasa 30’s or 40’s yung edad niya.” Sabi ni Wilhelmina.

“Eh saan galing yung ulo na yun?” tanong ni Ma’am Christine.

“Kasalanan ko po, Ma’am. Akala ko po kasi nung una nantitrip lang po yung mga classmates namin… binuksan ko po yung pinto tas sabi ko po tigilan po nila yun pantitrip tapos bigla kaming binato.” Sabi ko.

----------------------------------------------------------------------------------

A/N: Omigaaaaash!!! Anyare? Anubeyern?! Ang jejemon ko! Peace yow! XD

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD 

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon