[Wilhelmina’s POV]
Pumasok ako sa room namin.
“Saan ka na naman galing?” tanong ni Elaine.
“Ahhh…Dun sa living room. First floor.” Sagot ko.
“Bakit parang namumula ka?”
“Ha?”
Pumunta ako sa salamin. Hala! Oo nga. “Di kaya!” deny ko.
“Sus! Huwag mong sabihing natural yan. Feeling rosy cheeks?! Echosera!”
Natawa lang ako.
“Balita ko… nag-away daw si Lyndon at Carlisle kanina ah.” sabi niya.
“Weh! Eh bakit parang okay lang naman sila kanina? Bakit daw sila nag-away?”
“Malay ko…” feeling ko alam niya yung dahilan. Hmp. Tanungin ko na lang si Lyndon.
Dinner na. Orange juice. Daing na bangus. Macaroni soup. Fruit salad. Waaaaah … ang sarap! :D
Naubos ko agad yung food. Bakit ba ganadong-ganado ako kumain ngayon? Kanina lang halos ayoko kumain. Hmmm …
Makainom na nga ng gamot.
Binigyan kami ng 15 minutes bago makapagstart ng last session sa araw na ‘to. Haaaay … -__-”
Bukas babalik na kami ng Manila… Ang bilis naman! Kahapon lang, kakarating lang namin dito. Tapos bukas, aalis na naman kami…
Tumunog na yung bell.
Yung session ngayong gabi ay hindi gagawin sa Session Hall kundi sa Gathering Area. Nagsama-sama kaming lahat dun. Nakapabilog kaming lahat at napapagitnaan namin ang isang malaking jar o banga.
“Jerome, pakidala dito yung trash bin.” Sabi ni sir Nathan.
Dinala ni Jerome sa gitna yung trash bin.
“Kung mapapansin niyo. Ito yung trash bin na pinaglagyan niyo ng activity niyo kahapon ng hapon. Ilalagay po natin yung mga papel dito sa banga.” Sabi ni Sir Nathan.
“Pagkatapos ilagay ng mga papel… Susunugin natin yung mga papel.” Dugtong ni Sis. Joyce.
Nagdistribute ng kandila si Ma’am Matilda. Hindi lahat nabigyan ng kandila. Sinindihan naman ni Sir Nathan.
“Kasama ng pagkasunog ng mga papel nay an ang pagrelease ng pain, hatred, envy … lahat lahat ng sama ng loob na nararamdaman niyo na nakasulat sa mga papel na yan.” Sabi ni Sis. Joyce.
Ang lamig na naman. Di ko pa naman suot jacket ko.Kinukuskos ko ng kamay ko yung mga braso ko para mabawasan ang lamig. Moments later, someone has wrapped his arm around me. Si Lyndon. Bakit ganun? Parang lagi siyang nilalagnat. Ang init niya. Ang HOT niya! Hihihi :””> HAAANGLUNDEEEH!!!
“Nilalamig ka ba?” tanong niya.
“Uhm… Ahhh… Oo eh.”
“Dapat kasi nag-jacket ka. Lalo kang sisipunin nyan.”
“A moment of silence… Please close your eyes and bow your heads.” Sabi ni Sis. Joyce.
Ginawa naman ng lahat ang sinabi ni Sis. Joyce. Nagrecite siya ng prayer. Ang haba ng prayer na yun. Pagkatapos nun, kumanta si Sis. Joyce. Yun yung kinanta namin kaninang umaga sa first session.
“Please join me, fourth year.” Sabi ni Sis. Joyce.
Kumanta kaming lahat.
“Open your eyes, everyone.” Sabi ni Ma’am Matilda.
Lumipat kami sa Session Hall. Nakapabilog kaming lahat at nakaluhod. Nilagay naming lahat yung mga kandila sa gitna. Nirecite ng mga selected students yung mga verse na inassign sa kanila. Pagkatapos nun, nagrecite kaming lahat ng prayer. Binuksan na yung mga ilaw sa session hall. Tapos na rin ang session na ‘to. 10:30 p.m.-12:00 a.m. ang rest time bago pa tuluyang mag-lights out.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Luuuuuuh! Si Lyndon oh! :””>
Si Wilhelmina naman ...... HAAANGLUNDEEEH!!! XD
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?