Chapter 36

47 4 1
                                    

[Lyndon´s POV]

After a few months, sabay kami ni Wilhelmina na pumasok sa isang university sa Manila. Business Management ang kinuha naming course. Ang saya nga eh, blockmates pa kami. Pagdating namin sa classroom namin, agad kaming naghanap ng mauupuan. Sa medyo gitna kami naupo. After a few minutes, dumating na yung professor.

"Good morning, students! I´m Mr. Samuel Farrell. I´m your professor for Management 1. Since today is our first day, I would like you introduce yourselves one by one here in front. Say your name, age, former school." Sabi ni prof.

At dahil sa first day namin ngayon, benta na naman ang ´Introduce Yourself´ portion. Nakakaumay! Isa-isa namang nagpakilala ang mga classmates namin. Nagcocoment yung prof namin sa mga sagot ng blocmates namin, minsan naman may follow-up questions pa. Pagkatapos ng pagpapakilala namin, diniscuss ang grading system tapos yung intro ng subject. Ganun din ang ginawa namin sa ibang pang subjects. Haaay… Nakakaumay talaga! Ito namang iba naming guy blockmates, grabe makatingin kay Wilhelmina. Loko yung mga yun ah!

Nung break time, lumabas kami ng classroom. "So, saan mo gustong pumunta or anong gusto mong gawin? Meron pa tayong mga one and a half hour." Sabi ko.

"Di ko alam. Maglibot kaya tayo sa university." Sabi niya.

"Eh kung kumain kaya muna tayo. Kaya lang di ko pa kabisado dito. Saan kaya pwede kumain dito?" sabi ko. "Well, I know a place." Napalingon ako sa likuran ko.

"By the way, I´m Dylan." Gusto pang makipagshake hands kay Wilhelmina. "Wilhelmina." nakipagshake hands naman itong babaeng ito. "Siya nga pala si Lyndon." Dagdag niya.

"Hey!" sabi ni Dylan sa akin. Tumango lang ako. Dinala niya kami sa isang fastfood chain. Kwento naman ng kwento itong Dylan na ito. Feeling close! Tuwang-tuwa naman si Wilhelmina sa kanya. Haaaaaay…. Simula noon, naging friend naming dalawa si Dylan. Minsan naiirita ako sa kanya dahil sa pagpapacute niya kay Wilhelmina pero ayos lang at least napapatawa siya nung lokong yun.

Kahit medyo naiirita ako sa mga pagpapacute ni Dylan kay Wilhelmina, nagclick naman kaming tatlo. Groupmates kami sa mga activities at projects. Lagi kaming naggu-group study sa library. Kapag breaktime or free time pupunta kami sa mga kainan o kaya mamasyal sa mall.

 [Dylan´s POV]

Ako nga pala si Dylan Wesley. New friend nila Wilhelmina at Lyndon. Actually, nakipagfriends ako sa kanila dahil super na-amaze talaga ako sa ganda ni Wilhelmina. Parang na-love at first sight nga siguro ako sa kanya. Parang lang naman. Medyo panira nga lang si Lyndon. Hahaha. Nalaman ko na survivors sila ng isang massacre sa Tagaytay. Kaya pala minsan ang weird nilang dalawa yun pala ang effect ng incident sa kanila. Pero kahit weird sila masaya silang kasama.

Classmates kaming tatlo. Sama-sama kaming nag-aaral. Kapag may free time sama-sama kaming pumunta sa mall. Haaay… Kailan ko kaya makakasama si Wilhelmina ng kami lang? Lagi naman kasing nakabuntot itong si Lyndon eh. Oo nga pala last day ng finals namin ngayon. Ang bilis noh! Kailangan nang iforward sabi ni author eh! XD

Uwian na namin ngayon. "Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko.

"Ewan ko. Basta ayoko munang mag-mall ngayon. Nakakasawa na eh." Sabi ni Wilhelmina.

"Sa condo." Sabi ni Lyndon. Kaninong condo? Kay Lyndon? Ngayon lang siya nag-aya sa condo niya ah. Nag-jeep kaming tatlo papunta doon. Maya-maya lang nandito na kami sa condo. Agad agad naman nagtanggal ng t-shirt si Lyndon. Di man lang nahiya kay Wilhelmina.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon