Chapter 3

101 6 1
                                    

 A/N: Hello readers! Wow naman! 3rd chapter na kayo! :)

Ituloy niyo lang ang pagbabasa! :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Sinamahan kami nila Lyndon at Carlisle sa sasakyan namin. Nagkwentuhan ulit kami dun. Tawanan at biruan.

“Carlisle! Lyndon! Tara na.” Tawag ng isa pa naming classmate.

“Sige. Mukhang mauuna na kami sa inyo.” Sabi ni Lyndon.

“See you later.” Is it just me or talagang sa akin lang nakatingin si Carlisle nung sinabi niya yun? Nakangiti pa siya. Haaaay … Namiss ko yung ngiting yun. Aish! Mina, wala lang yun!

“Tara na?” sabi ni Elaine.

Sumakay kami sa puting L300. Haaaaaaaay … Naalala ko na naman yung nangyari dati.

*FLASHBACK*

Di ko alam kung ano ang nangyari… Basta bigla na lang nawala yung spark sa relasyon namin ni Carlisle. Second year high school kami noon. Naging busy siya sa band nila at sa kanilang org sa school. Ganun din ako, nagging busy sa volleyball team namin para sa Sports Fest at sa org kung saan kasama ko si Lyndon at si Elaine.

Lagi ngang sinasabi ni Lyndon sa akin, “Babantayan at aalagaan kita para kay Carlisle.”

Pinanindigan niyang gawin yun kahit na ‘minus pogi points’ yun  sa nililigawan niyang si Isabella or Bella. Isang araw, nasa classroom ako noon. Inaayos ko na yung mga gamit ko dahil uwian na namin. Pumasok si Carlisle sa classroom, uwian na rin nila. Magkaiba kasi kami ng section.

“Tara na.”  

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi maganda ang kutob ko. Pumunta kami sa may library. Hindi dito ang usual na tambayan naming dalawa. Nasa hallways lang kami. Tinignan ko siya sa mga mata niya.

“Anong problema?” tanong ko.

“Wala naman.”

“Eh bakit kelangang dito pa tayo mag-usap?”

“Eh kasi …”

“Ano?”

“Mahal mo ba talaga ako?”

“Oo naman.”

“Bakit di ko nararamdaman?” naluluha siya.

………..

………..

………..

“Wilhelmina, ayoko na… Break na tayo.” Tuluyan na siyang lumuluha.

……….

……….

……….

“Okay.” Nanginginig ang boses.

……….

……….

“Pero bakit?” gusto kong umiyak pero hindi, hindi ako iiyak.

“Pakiramdam ko kasi parang napilitan ka lang sa relasyon na ‘to eh. Pakiramdam ko di ka seryoso sa nararamdaman mo para sa akin.”

Totoo yun. Di ako seryoso pero gusto ko na sanang seryosohin kaya lang biglang ganito na. Ginusto ko rin naman ‘to eh, hindi ako napilitan. Siguro hindi lang ako handa. Hindi rin alam ng parents ko ang tungkol sa aming dalawa. Mas okay na sigurong maghiwalay na lang kami. Ayoko nang patagalin ‘to. Sana noon pa lang sinabi ko na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit di ko masabi yun sa kanya. Nanahimik lang ako at umiwas akong tumingin sa kanya. Ayokong makita siyang umiiyak. Baka maiyak lang din ako.

“I’m sorry.” Sabi ko pero halos pabulong lang. Mina, bakit ka nagsosorry? Tumalikod na ako sa kanya.

“Oo nga pala. Huwag mo na akong kakausapin… KAHIT KELAN.” Dugtong ko. Humarap ulit ako sa kanya at nilapitan ko siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at binulungan ko siya, “Bye.”

Lalo siyang umiyak. At umalis na ako… Kahit malayo na ako sa kanya, naririnig ko pa rin ang iyak niya. Pagdating sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Doon ako umiyak hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan sa school, nakasalubong ko siya. Namumula ang mga mata niya. Si Carlisle. Di ko siya pinansin, kunwari di ko siya nakita. Kasabay ng break-up namin ang pagkawala ng mga friends ko simula nung elementary. Sumama kasi loob nila sa akin dahil di ko agad sinabi sa kanila na naging boyfriend ko si Carlisle at medyo di ko na sila gaanong pinapansin. Kasama sa mga dati kong kaibigan si Bella. Sobrang nakakalungkot dahil nawalan ako ng mga kaibigan pero buti na lang nandyan sila Lyndon, Elaine at Troy. Sila ang naging bago kong mga kaibigan. Nag-alala si Lyndon nung malaman niyang break na kami ni Carlisle.

“Bakit naman? Ano bang nangyari?” tanong ni Lyndon.

“Huwag na nating pag-usapan.” Ayoko na talaga.

“Alam mo ba lagi siyang natutulala simula nung naghiwalay kayo.”

“Okay.” Yun lang ang naisagot ko.

Kapag nag-iisa at nalulungkot ako palaging nandyan si Lyndon. Sinasabi ko minsan ang sama ng loob ko kay Carlisle lalo na nung nalaman kong may bago siyang girlfriend. Minsan naman binibigyan ko siya ng tips para mapasagot si Bella. Ganun kami lagi. Tapos binasted siya ni Bella. Sobrang nalungkot ako para sa kanya. Naging magkaramay kami sa pagiging broken-hearted hanggang sa parang bumalik ang feelings ko para kay Lyndon…. Crush ko kasi siya nung grade 5 pa lang. Bago umeksena si Carlisle sa buhay namin.

*END OF FLASHBACK*

-----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Epal lang pala si Carlisle ee! XD

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon