[Lyndon´s POV]
Pag-uwi sa Manila, dumalaw agad ako kina Wilhelmina. Namiss ko rin siya eh. Mukhang walang tao ah. Nag-doorbell ako para makasiguro. Lumabas si ate Doris, maid nila.
"Ate Doris, nandiyan po ba si Wilhelmina?" tanong ko.
"Ah oo. Pasok ka." Sabi ni ate Doris. Pumasok ako sa bahay nila. Ang tahimik.
"Upo ka muna diyan. Gusto mo ba ng snacks?" alok ni ate Doris.
"Ay! Huwag na po. " sabi ko. "Sigurado ka ah. Sige tawagin ko na sila, ma´am." Umalis na si ate Doris.
Bakit di na lang si Wilhelmina ang tawagin? Lumabas sila Aunt Natalie at Uncle William. Niyakap ako ni Aunt Natalie. "Buti na lang dumalaw ka." Sabi ni Aunt Natalie.
"Si Wilhelmina po." Sabi ko. Nagtinginan ang mag-asawa.
"Halika. Akyat tayo sa kwarto niya." Sabi ni Uncle William.
"Bakit po? May problema po ba?" tanong ko. Medyo nagwoworry na ako.
"Pinapunta namin dito Tita Flor niya… yung psychologist…" Psychologist?
"Kasi itong si Mina bigla na lang natutulala… di namin makausap ng matino. Minsan na nga lang kumain eh. Tapos laging binabangungot. Minsan bigla na lang siyang sumisigaw at umiiyak tapos pinagbabato niya ang kung ano mang madampot niya. Halos hindi na rin siya lumalabas ng kwarto niya. Natrauma ang anak namin." paliwanag ni Uncle William.
"Ang sabi ng tita Flor niya. Kausapin daw namin si Mina at iparamdam daw namin sa kanya na nandito lang kami para tulungan siya. Ginawa naman namin pero walang nangyari! Sabi ni Flor na may makausap siyang survivor ng ganung klaseng incident para magkaroon siya ng idea kung paano mabawasan ang trauma na nararamdaman niya. At ikaw yun Lyndon. Tulungan mo ang anak namin." dagdag ni uncle. "I´ll do my best, tito." Sabi ko.
Pumasok ako sa kwarto ni Wilhelmina. Nakaupo siya sa sahig sa tabi ng kama niya. Nakayuko at tinatakpan niya ang mga tenga niya. "Wilhelmina?" sabi ko pero hindi siya nagrespond. Umupo ako sa harapan niya and I tucked her hair behind her ears. Her eyes are like black pools, the pupils dilated so that the irises have all but vanished.
Sinubukan kong alisin yung kamay niya sa tenga niya but the muscles in her wrists are hard as metal.
"Wilhelmina. Si Lyndon ito." Sabi ko. Di pa rin siya nagrespond. Habang tinitignan ko siya ng matagal, parang nasasaktan ako. Di ko alam kung bakit pero di ko kayang makita siyang ganito. Pakiramdam ko ako naman ang magbebreak down dahil nagfaflashback sa isipan ko ang mga nangyari noon sa Tagaytay. No! Kailangan kong labanan ito. I have to be strong! Hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin kay Wilhelmina. She needs me. Without thinking, I wrap my arms around her. I don´t know but it makes me feel sane. "Wilhelmina. Kausapin mo ako. Please." Bulong ko sa kanya. "Go away!" sigaw niya tapos tinulak niya ako.
Her whole body starts shuddering. I clasp her hands tightly. "Don´t let them take you away from me." Sabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga salitang yun. Inaalis niya yung kamay ko.
"Wilhelmina! Please naman oh! Lumaban ka!" sabi ko. "Labanan mo yan! Huwag mong hayaan na lamunin ka niyang masasamang alaala na yan." Dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?