[Wilhelmina’s POV]
Buong magdamag kaming nagbonding ng parents ko. Nagkaroon kami ng maliit na pool party sa bahay at nag-movie marathon din kami. Grabe! Namiss ko sila! Naglaro rin kami ng volleyball. Napagod agad si daddy. Ayun! Pinagpahinga muna namin siya.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko. Inayos ko yung mga gamit na dadalhin ko sa condo. Maya-maya lang babalik na ulit ako doon. Nung napagod ako, nakatulog ako. Nagising ako dahil sa pagkatok ni ate Doris.
“Nandito si sir Lyndon. Susunduin ka daw.” Sabi ni ate Doris.
“Ah sige po. Bababa na lang po ako. Thank you po ah.”
Nandito siya. Nag-ayos ako tapos nagmadali akong bumaba. Bakit ba feeling ko excited akong makita siya ulit? Naabutan kong seryosong nag-uusap sila daddy at Lyndon.
[Lyndon’s POV]
Pumunta ako sa bahay nila Wilhelmina para sunduin siya. Pinatuloy naman ako ni ate Doris.
“Napadalaw po kayo, sir.” Sabi ni ate Doris. “Susunduin ko po yung alaga niyo eh.” Sabi ko.
“Ganun ba? Sige maghintay ka lang dito. Tatawagin ko muna siya.” Sabi ni ate Doris.
“Ay! Mamaya na lang po. Ahmm… Gusto ko po sanang kausapin si uncle.” Sabi ko.
“Ah sige. Tatawagin ko.” umakyat si ate Doris.
Maya-maya lang, bumaba na si uncle William. Kinakabahan ako!
“Good afternoon po!” sabi ko. “Good afternoon, Lyndon! Maupo ka.” Sabi ni uncle.
We sit in silence. Uncle clears his throat. “Gusto mo daw akong kausapin?”
Ito na. Paano ba ‘to? “Ahhhh… Kasi po … Ahmm…. Gusto ko pong sabihin na …. Ahmmm… na ano po… Ahhh…” I stammer. Kumunot ang noo ni uncle.
“Tungkol ba ito sa anak ko?” he says, his face stern. Patay!
“Ahmmm… O-opo. Kasi po … ahh…”
“Kasi gusto mo ang anak ko? Ganun ba yun?” I nod.
Pumikit si uncle. Ang lalim ng iniisip niya. Lalo akong kinakabahan ah!
“So…. Kinausap mo ako para hingiin ang approval ko?” sabi ni uncle.
“Ganun na nga po. Gusto ko po siyang maging girlfriend. I’m in love with her. Pangako po, gagawin ko po lahat para maging masaya siya. Aalagaan ko po siya.Mamahalin ko siya ng totoo. ” Sabi ko.
He sighs. “Alam mo ba botong-boto sayo si tita Natalie mo. Wala ka nang problema sa kanya pero sa akin meron.” Wow naman!
There’s a long pause. He shakes his head and gives a little laugh.
“Sinasabi ko na nga ba eh! Aabot sa pagkakataon na pag-uusapin natin ang bagay na yan---” he trails off then he clears his throat. “Lyndon. I always treated you as my own son. Di ka na iba sa pamilya namin at tiwala naman ako na kaya mong panindigan ang mga pangako mo.” Sabi ni uncle.
“So, ibig sabihin po ba nun okay na po ako para sa anak niyo?” tanong ko.
He nods and I grin. “Siguraduhin mong mamahalin at aalagaan mo siya ah. Huwag kang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan. Ayokong masaktan ang princess ko. Humanda ka talaga sa akin kapag hindi mo tinupad ang pangako mo. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo.” Sabi ni uncle.
I give him a nervous laugh. “Opo, tito. Thank you po! Thank you po talaga sa tiwalang binigay niyo. Di ko po sisirain ang pangakong yun.”
“Haaaay… Oo na. Oo na. Sunduin mo na nga ang anak ko.” I nod.
Inutusan ni uncle si ate Doris para tawagin si Wilhelmina at para paghandain na siya ng mga gamit niya. Agad namang umakyat si ate Doris sa taas. “Kelan mo pa narealize na mahal mo ang anak ko?” tanong ni uncle. “Hindi ko po alam. All I know is that whenever I’m with her I learn to like her more and more and without knowing I’m already in love with her.” Sabi ko.
“Ang corny mo, iho!” sabi ni uncle. Tumawa kaming dalawa. “Oo nga pala. Magkasama kayo sa condo, di ba? Ang advice ko lang, huwag kang padalos-dalos. May mga kabataan ngayon na akala nila ganun-ganun ang mga bagay kaya nagiging mapusok--”
“Don’t worry, uncle. Wala po akong ganung intention sa anak niyo.” Sabi ko.
“Alam ba ng anak ko ang tungkol dito? Alam ba niya ang tungkol sa feelings mo?” tanong ni uncle.
“Hindi pa po pero pinaparamdam ko.” Sabi ko.
Uncle glances over my shoulders. “Nandiyan na pala si Mina eh.” Sabi niya.
Lumingon ako sa likod ko. “Hi.” Sabi ko. “Hello.” Sagot ni Wilhelmina.
“Aalis na ba kayo?” tanong ni uncle. “Alis na tayo?” tanong ko kay Wilhelmina.
“Wait! Magpapaalam ako kay mommy.” Umakyat siya sa taas tapos bumalik siya at kasama na niya ang mommy niya. Lumabas na kami ng bahay. Nagpaalam si Wilhelmina sa mga parents niya.
“Lyndon.” Lumingon ako kay uncle. “Take care of my daughter.” I smile and nod.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?