Nag-aalala na ako kay Wilhelmina. Wala pa rin siyang malay. Patuloy pa rin ang paglalakad namin. kumikirot yung sugat ko sa hita dahil sa pagtakbo namin kanina. Nakalabas na kami ng retreat house. Inakyat namin yung pader dahil nakalock yung gate. Biglang bumuhos yung ulan. Halos hindi namin maaninag ang dinadaanan namin. pagpatak lang ng ulan ang naririnig namin. Parang walang katapusan ang paglalakad namin. Giniginaw na ako!
Maya-maya lang may naaninag kaming ilaw. Ilaw ng sasakyan!
"Humingi tayo ng tulong." Sabi ni Adam.
Masama ang kutob ko sa sasakyang yun. Hindi ko alam kung bakit.
"Masama ang kutob diyan, Adam." Sabi ko. "Ako rin." Sabi ni Lyndon.
"Bakit naman?" tanong ni Timmy. "Basta. Tara. Magtago muna tayo dun matataas na damo." Sabi ko.
"Ewan ko sa inyo!" sabi ni Adam. Nag-aalangang sumama sa amin si Timmy kaya iniwan muna namin sila dun sa gitna ng daan. Nagtago kami sa spot na medyo malayo sa kanila pero naaaninag at naririnig pa rin namin sila. Nakita naming malapit na ang kotse. Familiar yung kotse.
"Kotse ni Fr. Francis yun ah!" sabi ko. "Ano? Patay tayo diyan!" sabi ni Lyndon.
Lalong kaming sumuksok sa pinagtataguan namin. Pinahinto ni Adam yung sasakyan. Lumabas yung lalaking nakahood. "Anong problema mga bata?" sabi nung lalaki.
"Pwede po ba kaming makisakay? Tumakas po kami. Pinatay na po nila classmates namin." sabi ni Adam. "Sige. Sige. Irereport natin sa pulis ang nangyari. Sakay na kayo." Sabi nung lalaki. Familiar yung boses. "Si Joker." Bulong ni Lyndon. "Tinanggal niya siguro yung maskara niya." Sabi ni Lyndon.
"May kasama pa po kami. Hanapin ko lang po." Sabi ni Timmy. Tumalikod siya kina Adam at dun sa lalaki nang bigla siyang saksakin sa likod nung lalaki. Oh shit! Tatakas sana si Adam pero may sumulpot na babaeng duguan ang mukha at tinaga ng itak ang leeg niya. Si Dolly!
"Ang tanga mo! Sana hinintay mong lumabas yung mga kasama nun." Sabi ni Dolly.
"Hayaan mo! Mahahanap din natin yang mga bubwit na yan!" parinig ni Joker.
Nag-umpisa silang maglakad papunta sa direksyon namin. Diyos ko po! Bigla silang huminto malapit sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ba? Mamamatay na po ba kami? Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakahinga ako ng malalim.
"Kaya mo pa bang tumakbo?" bulong ni Lyndon. "Oo naman." Sabi ko.
"Tatakbo tayong papunta ng kotse. Bilang ng tatlo. Ok ba?" sabi niya. Tumango lang ako.
"1…2…3…Takbo!" sabi ni Lyndon. Tumakbo kami.
"Ayun sila!" sigaw ni Dolly. Sinundan nila kami pero malayo ang agwat nila. Diyos ko po! Umupo si Lyndon sa driver´s seat. Ako sa passenger´s seat.
"Marunong kang magdrive?" tanong ko. "Ako pa." sabi niya. Naaaninag ko na yung mga killer. Malapit na sila pero di pa kami nakakaalis.
"Malapit na sila!" sigaw ko. "Oo na!" sigaw ni Lyndon.
"Shit! Ayaw magstart!" sigaw ulit ni Lyndon. "Ano? Pilitin mo! Ayoko pang mamatay!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?