[Dylan’s POV]
Kaninang umaga, nireklamo namin si Tyler sa dean’s office pero absent siya ngayon. Badtrip talaga! Nag-absent pa yung Tyler na yun. Duwag pala siya eh. Dismissal na nga pala namin. Pauwi na kami ni Wilhelmina ngayon. Naghintay kami ng jeep na masasakyan. Kaya lang bihira lang ang dumadaang jeep ngayon, kung may dadaan man puno na. “Maglakad na lang tayo.” Sabi ni Wilhelmina.
“Sigurado ka? Maghintay pa tayo. Baka meron din yan.” Sabi ko.
“Tara na! Gabi na oh. Kaya naman nating lakarin eh.” Sabi niya.
“Sabi mo eh.” Sabi ko.
Naglakad kami tapos nung nasa tapat kami ng isang construction site biglang may humintong van sa gilid namin. “Bilisan mong lakad mo.” Sabi ko. Binilisan namin ang lakad namin.
Delikado pa naman dito. Wala masyadong tao. May bumaba dun sa van. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin at may sumuntok sa tiyan ko. Bulagta ako sa semento. “Aaaaahhh!!!” sumigaw si Wilhelmina.
Pinipilit siyang ipasok sa van. Tumayo ako para pigilan sila pero may sumuntok ulit sa tiyan ko. Tinadyakan ko yung sumuntok sa akin. Teka! Tropa ni Tyler to ah!
Pinagsusuntok ko yung dalawa pero may dumagdag pang tatlo. Pinagtulungan nila ako. Nung tinamaan ako sa panga, bumagsak na ako. Nahilo ako bigla. “Dylan!” sigaw ni Wilhelmina tapos humarurot na yung van. Shit!
Agad kong kinuha ang phone ko.
“Lyndon!” sabi ko. “Oh? Bakit? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan boses mo?” tanong ni Lyndon.
“Si Wilhelmina. Kinuha nila! Binugbog ako.” sabi ko. “Ano?” sigaw ni Lyndon.
“Basta! Pumunta ka dito sa may construction site. Malapit sa condo niyo.” Sabi ko.
Binabaan na ako. Maya-maya lang dumating na si Lyndon sakay ng kotse niya. Nahirapan akong tumayo. Ang sakit sa tiyan kung saan ako sinipa. Iika-ika akong pumasok ng kotse. Biglang humarurot si Lyndon papunta dun sa tinuro kong pinuntahan ng puting van.
“Okay ka lang?” tanong ni Lyndon. Tumango lang ako.
Sinubukang tawagan ni Lyndon ang phone ni Wilhelmina pero di nuya macontact. Halos wala nang bahay yung dinadaanan naming kalsada. Puro matataas na damo lang.
“Ayun yung van!” sabi ko. Lalong pinaharurot ni Lyndon ang kotse. Nilampasan niya tapos hinarang niya ang kotse niya sa van. Bumaba siya ng kotse tapos pinukpok niya yung salamin.
“Ilabas niyo si Wilhelmina!” sigaw ni Lyndon. Lumabas na rin ako ng kotse.
Nagsilabas din sa van ang mga tropa ni Tyler. Anim silang lahat. Delikado kami dito. Yung dalawa hawak si Wilhelmina sa braso. “Lyndon!” sigaw ni Wilhelmina habang umiiyak.
“Mukhang nandito na si Prince Charming!” sabi ni Tyler. “Pakawalan niyo siya!” sigaw ni Lyndon.
“Hindi ko siya pakakawalan hangga’t hindi ako nakakaisa sa babaeng yan!” sabi ni Tyler.
“Don’t worry siguradong mag-eenjoy siya sa akin!” dagdag ni Tyler sabay hipo sa katawan ni Wilhelmina. “Aaaahh!!!” sigaw ni Wilhelmina. Nagtawanan ang tropa niya.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?