[Lyndon’s POV]
Pagkagising ko, 9:47 am na. Late na ako! Nagtext ako kahapon kay Edward at nangako akong dadating ako sa school ng 7:30. Nagmadali akong maligo. Nagring ang phone ko. Tumatawag si Edward.
“Edward! Sorry late na ako sa training. Na-late kasi ako ng gising ---”
“Hay naku! Alam mo bang sobrang badtrip na si coach. Ang dami hindi pumunta sa training. Nagdadahilan na may sakit daw sila. Ano ba naman kayo? Baka naman nagkukunwari lang kayo para di kayo makaattend kasi tinatamad na kayo porket pasok na tayo sa finals. Pambihira naman! Pinagmumura na kaya ako dito. Pahiyang-pahiya na nga ako sa mga tao. Nakakabadtr---”
“Edward! Ano? Pupunta pa ba teammates mo?” narinig ko ang boses ni coach sa phone.
“Wait lang, coach. Pinapapunta na!” sigaw ni Edward kay coach.
“Mga tarantadong yan! Sabihin mo matatanggal ang hindi pupunta.” sigaw ni coach.
“Narinig mo yun? Pumunta ka na dito. ASAP. Bago pa mawasak ni coach ang court. Sige. Bye!” binaba na ni Edward yung phone. Grabe! Parang babae kung pumutak si Edward.
Pumunta na agad ako sa kusina. “Good morning!” bati ni Wilhelmina habang nakangiti.
Nagsusuot na siya ng jacket. Papasok na siya tapos hindi man lang ako ginising? Badtrip!
“Bakit hindi mo ako ginising?” medyo iritado ang boses ko.
“Eh kasi medyo may lagnat ka pa kanina kaya naisip ko na huwag ka munang gisingin para makapagpahinga ka. Para bukas makapasok ka na.” paliwanag niya.
“Dapat ginising mo na ako kanina eh. Late na ako sa training. Dapat kanina pang 7:30 nasa school na ako.” Nagtaas na ako ng boses sabay facepalm.
“Hindi mo naman sinabi na may training ka ah. Sana nag-alarm clock ka, di ba? Hindi na nga ako pumasok sa first subject. Tinapos ko pa yung research paper ko. Tapos nagluto pa ako. Teka! Papasok ka ngayon?” sabi niya. Medyo tumaas din ang boses niya. Medyo nababadtrip na rin ako.
“Oo. Kelangan eh.” Sabi ko. Sinusubukan kong kumalma. Kumuha ako ng tubig at nagprepare na ako ng plato at kubyertos para makahabol pa ako sa training.
“Ano? Hindi pwede. Umuulan sa labas baka mabinat ka pa. Magpahinga ka muna. Bukas ka nalang pumasok. Makakapaghintay rin yang basketball na yan.” Sabi niya.
“Eh sa kelangan ko ngang pumunta dun.” Sigaw ko.
“Bakit ka sumisigaw? Concern lang naman ako---” tanong niya.
“Nakakairita ka na eh! Alam mo ba yun? Sobrang naaasar na ako sa pag-aasta mo na parang girlfriend kita.” Sigaw ko.
We stare at each other. Hindi niya pinatulan ang sinabi. Huminga ako ng malalim hanggang sa kumalma na ako then narealize ko na nakaka-offend yung sinabi ko sa kanya. Nakita kong naiipon ang luha sa mga mata niya. Magsosorry na dapat ako nang bigla niya akong sinampal. Ang sakit!
“Akala mo kung sino kang magsalita! Concern lang naman ako. Kung ayaw mo, eh di wag! Hindi yung kung anu-ano pang sasabihin mo! Bahala ka nga diyan! Isaksak mo yang basketball sa baga mo!” sigaw niya sa akin tapos pinunasan niya yung luha niya.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?