[Lyndon’s POV]
Pagkagaling sa school, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagtake-out na ako ng pagkain sa isang fast food chain tapos kinain ko na lang sa kwarto ko. Kailangan kong matapos yung painting ko. Bukas na yung birthday ni Wilhelmina. Hindi talaga ako lumabas ng kwarto hanggang sa matapos ko yung itong painting na ito. Nang matapos ako, tumingin ako sa orasan. 11:57 pm na. Nilagay ko na yung painting sa frame. Tapos nagsulat ako sa isang birthday card. Natagalan ako sa pagsusulat sa isang scratch paper. Gusto ko sanang aminin na yung feelings ko kaya lang baka naman mabigla. Kailangan dahan-dahanin ko muna at saka makikita naman sa painting ko yung feelings ko para sa kanya… kung magegets niya ang ibig sabihin nun. Inipit ko yung card sa frame tapos nilagyan ko ng ribbon.
Lumabas ako ng kwarto. Mukhang tulog na siya. Iniwan ko na lang sa may pintuan ng kwarto niya yung gift ko tapos bumalik na ako sa kwarto ko para makatulog na ako. Haaaay… sana magustuhan niya yun.
[Wilhelmina’s POV]
Rise and shine! Today is my day! Paglabas ko ng kwarto, may nakita akong something sa gilid ng pinto ko. Malaking picture frame na may ribbon. Kinuha ko agad. May nahulog na card. Dinampot ko rin yun tapos umupo ako sa kama ko. Binasa ko yung card… binasa ko muna yung part na nakaprint na mismo sa card.
I’m asking God to bless you in a special way this year,
With gifts of grace and joy without reserve,
With caring hearts around you and the rich rewarding life that you deserve…
Happy birthday!
Hmmm… Binasa ko naman yung sinulat niya sa kabilang side ng card. Yung part na sinulat mismo ni Lyndon para sa akin.
Wilhelmina,
Unang-una sa lahat… thank you nga pala sa pag-alaga mo sa akin nung may sakit ako…
Kung alam mo lang, sobrang na-appreciate ko yun. Di ko talaga sinasadyang awayin ka.
Alam kong concern ka lang naman sa akin pero nagpadala ako sa init ng ulo.
I’m really, really sorry! Sorry talaga sa mga nasabi ko. Sana maging okay na tayo.
Gift ko nga pala yung painting. Sana magustuhan mo.
Happy birthday! God bless!
Lyndon
Awww… Pinatong ko yung card sa maliit na table sa gilid ng kama ko. Tinignan ko naman yung painting. May tatlong roses. I love you? Dalawang rose ang nasa vase. Yung isa full-bloom at yung isa half-bloom. Yung third na rosebud nasa baba. Anong meaning nito? Nevermind. Basta natuwa ako sa gift niya.
Lumabas ako ng kwarto ko tapos pumunta ako sa tapat ng kwarto niya. Para saan? Hindi ko alam. Basta gusto ko lang pumunta doon.
[Lyndon’s POV]
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko nagulat ako kasi bumungad sa akin ni Wilhelmina. Nagulat din siya sa akin. Ano kayang ginagawa niya dito? “Happy birthday!” sabi ko sabay ngiti.
“Thank you!” she whispers. “So… bati na tayo? Okay na tayo?” tanong ko.
She stares at me. Parang nag-alangan siyang sumagot sa akin. Huminga siya ng malalim tapos tumango siya. Niyakap ko siya. She laughs. “Thank you! Di na kita aawayin. Promise!” sabi ko.
“Promise yan ah.” She says, smiling.
Sobrang ganda talaga kapag ngumingiti. Ang saya ko talaga ngayon kasi okay na kami. Tumango ako then I slowly grab the back of her neck. I lean in to kiss her lips. Geez! Di ko na napigilan ang sarili ko! I pull myself away from her. Suddenly I freeze, my cheeks hot. I glance at her. Her face is as red as mine feels. Argh! Anong gagawin ko? Hindi ko na mababawi yun!
“Hindi mo sinasadya yun, di ba?” she mutters.
Awkward! “Ahmm---” I start.
“Nevermind. Kalimutan na lang natin!” sabi niya. Napayuko na lang ako sa sobrang hiya.
Tumalikod siya. “Oo nga pala… Ahmm… May dinner ang family ko mamaya para i-celebrate ang birthday ko. Invited ang family mo.” Sabi niya. “Okay.” I mutter tapos nagkulong na siya sa kwarto niya.
Napa-facepalm na lang ako. What have I done? I’m sure magiging awkward na kami nito sa isa’t-isa. Mahihirapan akong umamin sa kanya.
+++
Halos isang oras na siguro akong nakatayo sa ilalim ng shower nang biglang ang doorbell ng unit namin. Agad kong kinuha ang towel ko at pinagbuksan kung sino man ang nasa pinto.
“He—Whoa!” sabi ni Audrey na hawak na balloons. “Dude! Ganyan ka ba lagi kapag nagbubukas ng pinto ng unit niyo? Di ka man lang nagbihis?” tanong ni Dylan na may hawak ng isang box ng cake. “Sorry ah! Malay ko bang ngayon dadating kayo. Di man lang kayo nagtext.” Sabi ko.
“Hello? Kanina ka pa namin tinetext. Tinawagan ka pa namin eh. Ayun! Walang sumasagot kaya sumugod na kami dito.” Sabi ni Audrey.
“Oh! Naka-silent kasi yung phone ko eh. Tara! Pasok kayo.” Sabi ko.
Pumasok naman yung dalawa at dumiretso sa living room.
“Si Wilhelmina?” tanong ni Dylan. Heat rushes into my cheeks when I recall what just happened earlier. The kiss. “Dude! Okay ka lang?” sabi ni Dylan.
“Ay sorry! Ahmm… Nandun siya kwarto niya.” sabi ko. “War pa rin kayo?” tanong ni Audrey.
“Okay na kami noh. May ginawa lang siguro sa kwarto niya.” sabi ko.
“Puntahan niyo na siya. Magbibihis lang muna ako. After nito alis na tayo.” Sabi ko.
Tumango lang sila tapos pumasok na ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?