[Dylan´s POV]
Ang saya lang kanina sa gym. Nagharutan kami ng crush/friend kong si Wilhelmina. Kinilig naman ako dun! Ahahaha. Ang gay! XD
Tapos holding hands pa kami nung lumabas kami ng university namin. Ang saya talaga! Haaaaaay… Sa gwapo kong to. Wala pa akong dinidiskartehang babae. Ang gusto ko kasi seryosohan. Ayoko nung manliligaw ako tapos biglang makikipagbreak. Tapos manliligaw ulit tapos break ulit. Kung magkakaroon ako ng girlfriend ako, hanggang kasalan na. Kaya heto hanggang crush lang muna ako.
Kaya lang nung nakita ko yung cheerleader na friend ni Lyndon. May naramdaman akong something na di ko pa naramdaman sa mga naging crush ko. Ang ganda ni Audrey. Haaaaay…
"Ang ganda ni Audrey noh." Sabi ko. "Oo nga eh." Sabi ni Wilhelmina. Nandito nga pala kami sa jeep, pauwi na kami. Parang badtrip si Wilhelmina. "Yaan mo. Maganda ka rin naman eh." Sabi ko. Medyo nabawasan yung masamang aura niya. Hmmm… Ano kayang meron? Maya-maya lang bumaba na siya. Naiwan na ako dito sa jeep. Naalala ko na naman si Audrey. Ano kaya yung naramdaman ko sa kanya? Wew! Nevermind! Makapagsoundtrip na nga lang.
[Audrey´s POV]
Ako nga pala si Audrey Dixon. Sabi nga sa previous chapter, isa akong cheerleader at friend ako ni Lyndon. Third year college student. Advertising Arts nga pala ang course ko. Nagtataka ba kayo kung paano kami nagkakilala ni Lyndon?
Ganito kasi yun… May kapatid ako. Si Ashton. Second year college na siya. Indusrial Arts naman ang course. Ayun, gusto niyang pumasok sa basketball team ng university namin. Bata pa lang kami nun lagi na niyang pinapanood sa tv yung annual volleyball and basketball league ng mga universities.
"Someday mapapanood mo akong naglalaro diyan, ate." Sabi ni Ashton sa akin dati. Dream niya talagang maglaro sa ganung klaseng league. "Aasahan ko yan ah! Yaan mo, lil bro. Magchicheer ako sa iyo. Promise yan." Sabi ko sa kanya. Dream ko namang makasali sa cheering squad.
Well, natupad naman ang dream ko. Si Ashton, muntik nang hindi matupad ang dream kundi lang dahil kay Lyndon. Sampu kasi silang nagtrain para makasali sa official basketball team namin pero lima lang ang kailangan para makumpleto ang team.
Isang araw, nag-announce na yung coach ng top 3 na pasok na sa team. Kasama dun si Lyndon at dalawa pang player. "Sa pitong natira, magkita-kita tayo after 2 days. Galingan niyo ah. Magpakitang gilas kayo sa akin. After nun, sasabihin ko na kung sino pa yung dalawang pasok sa team. Okay? Sige, dismissed!" yun daw ang sabi ng coach.
Nandun din ako nung araw na yun. Nanood ako ng training nila. Oh di ba sobrang supportive ko sa kapatid ko. Lumapit siya sa akin nun. Disappointed at nagpipigil ng iyak. Di daw siya nakapasok. Naawa talaga ako sa kanya nun. Biglang may lumapit sa amin. Gwapo naman.
"Ashton, ayos lang yan. May chance ka pa naman." Sabi nung guy na yun.
"Wala na akong chance, Lyndon. Magagaling yung pito na yun eh." Sabi ni Ashton.
"Ano ka ba? Konting practice lang yan. Tutulungan kita. Magpractice tayo." Alok ni Lyndon.
Ayun! Nagpractice sila at napasok si Ashton. Sobrang thankful talaga ako kay Lyndon.
"Wala yun! May potential naman talaga yung kapatid mo eh. More practice lang ang kailangan niya." Sabi ni Lyndon. Naging friends na kami nun.
3 months pa lang kaming magkakilala eh nag-open siya sa akin na may nagugustuhan siyang girl. Kung anu-ano ang pinagtatanong niya sa akin. Paano daw malalaman kung may gusto ang isang babae sa isang lalaki… Yung mga ganung bagay. Siyempre, binibigyan ko siya ng mga tips. Utang na loob ko sa kanya yung pagkakapasok ni Ashton sa basketball team.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?