[Carlisle’s POV]
Napatakbo kami kanina sa living room nung narinig namin yung sigaw. Boses ni Wilhelmina. Naabutan naming magkayakap sila ni Lyndon. Pagtingin ko sa sahig merong pugot na ulo. Anong nangyari? Nakakainis! Bakit kailangang nakayakap ka pa sa kanya, Lyndon? Umiiyak si Wilhelmina at sumusigaw. Saan galing yang ulo na yan? Teka! Yung guard yun ah! Biglang may lalaking nakamaskara at may dalang itak na may dugo-dugo pa. Shit! Ano ‘to? Horror film?! Dumating yung mga teachers… pinapapunta kaming lahat sa Session Hall. Maliban kina Wilhelmina at Lyndon.
Pagdating namin sa Session Hall, nagkakagulo ang lahat. May mga nag-uusap, may nagpapanic… yung iba umiiyak na. Tsss… Ako? Hindi ko alam kung paano magrereact sa sitwasyon basta gusto kasama ko si Wilhelmina. Gusto ko siyang samahan. Alam kong natatakot siya pero kasama naman niya si Lyndon. Bwiset! Makakalamang na naman siya sa akin!
“Makinig kayong lahat!” sabi ni Ms. Christine.
“Pinapunta kayo dito para makinig sa sasabihin namin, okay?” dugtong ni Ms. Christine.
“Gumagawa na po kami ng paraan para macontact yung mga pulis at para ipaalam ‘tong incident na ‘to. Patience lang po. Hindi namin kayo papabayaan.” Sabi ni Mrs. Matilda.
“Pakiinform na rin po yung parents niyo pero di dapat sila mag-alala dahil gagawin namin lahat makauwi lang kayo ng safe bukas.” Sabi ni Sis. Joyce.
“Pakilock na lang po ng pinto ng mga kwarto niyo. Walang lalabas ng mga kwarto ngayong gabi. Ayusin niyo na yung gamit niyo. Papapuntahin namin ng maaga yung service. Ipagdasal na lang po natin n asana walang mangyaring di maganda.” Sabi ni Sir Nathan.
Pagkatapos ng emergency meeting, nagmadali kaming bumalik sa mga kwarto namin. inayos na namin yung mga gamit namin. Aligaga kaming lahat. May sumigaw sa labas. Gusto ko sanang tignan kung sino yun pero ang sabi sa amin walang lalabas. Tumahimik kaming tatlo sa kwarto. Nagtinginan lang kami. Maya-maya lang, biglang pumasok si Lyndon sa kwarto. Agad akong lumapit sa kanya.
“Kumusta si Wilhelmina?” sabi koi habang nakahawak sa balikat niya.
“Sobrang natakot siya sa nangyari. Iyak siya ng iyak kanina pero napatahan ko na. nasa kwarto na siya ngayon.” Sabi ni Lyndon. Ako dapat ang gumawa nun!
“Grabe, pare! Pinasok na tayo. Paano na yan?” sabi ni Chris.
“Tinira pa yung guard natin. Lagot tayo nito. Sana makahingi agad sila ng tulong. Nakakatakot kasi eh. Ang layo nitong lugar na ‘to. As in liblib na lugar. Di ko na nga matandaan kung saan yung dinaanan natin papunta dito eh.” Sabi ni Troy.
“Wala pa namang signal dito! Kanina ko pa tinetext yung dad ko eh.” Sabi ni Chris.
Oo nga pala! Walang signal dito sa loob. Sa labas lang meron. Delikado kami dito!
“Lyndon. Sino yung sumigaw kanina? Boses lalaki eh.” Sabi ni Troy.
“Si Toto.” Sabi ni Lyndon.
“Yung sinto-sinto? Eh bakit naman?” sabi ni Chris.
“Ewan ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na nandito na daw sila. Yung mga nakamaskara daw. Hinahabol siya.” Sabi ni Lyndon.
“Eh pinahamak pala tayo ng retarded na yun eh!” sabi ko.
“Huwag kang magsalita ng ganyan.” Sabi ni Lyndon sa akin. Badtrip!
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?