Chapter 55

97 7 9
                                    

[Lyndon’s POV]

“Anong pinag-usapan niyo ni daddy?” tanong ni Wilhelmina.

“Usapang lalaki. Hindi mo magegets kapag shinare ko sayo.” Sabi ko.

“Hmm… Ano kaya yun?” sabi niya.

After ng almost 1 hour na byahe pabalik sa condo, naghanda agad ako ng carbonara para makapag-dinner kaming dalawa.

“Oo nga pala. Nabanggit sa akin ni Audrey na ikaw daw ang nagplano nung ‘surprise celebration’ kahapon.” Sabi ni Wilhelmina.

“Ahh.. oo. Haaay… Ang daldal talaga ni Audrey.” Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at parang nag-aalangan na ewan tapos biglang niyakap niya ako bigla. As in nagulat ako. Di ko tuloy napigilang mapangiti.

“Thanks ah! Sobrang naappreciate ko talaga yun.”

“Ah wala yun. Siyempre ginawa ko talaga yun kasi special ka para sa akin. Mahalaga ka sa akin.”

She pulls away and frowns. “Talaga? Mahalaga ako sayo?” sabi niya.

“Oo naman. Kasi ---” Gusto kita. Mahal kita.

“Kasi?” she crosses her arm. “Ahmm… Kasi niligtas mo ang buhay ko nung … alam mo na. Hawak ako ni Dolly noon. Papatayin na niya ako pero niligtas mo ako.” Hindi yung dapat kong sabihin pero totoo rin naman yung sinabi ko sa kanya eh… Na thankful ako dahil niligtas niya ako.

There’s a long pause. She stares at me. Her expression is hard for me to identify.

“Niligtas mo rin naman ako. Kaya… mahalaga ka rin para sa akin.” She says with a smile.

Ang saya ako. Parang sinabi na rin niya sa akin na mahal niya rin ako.

“So, kelan ang championship games?” tanong niya.

“Bukas na.” sabi ko. “Ha? Nakapagtraining ka ba? Naabala ka yata kahapon.”

“Okay lang. Don’t worry. Naexplain ko na kay Edward at kay coach. Naintindihan naman nila.”

“Sigurado ka?” sabi niya, mukhang di convinced.

“Oo nga. Sige na. Magpahinga ka na may pasok pa tayo bukas. Manood ka ng championship ah. I-cheer mo ako at ang team.” Sabi ko.

“Oo naman. Gagawa pa kami ni Dylan ng banners para sa inyo.” Sabi niya.

“Wow naman. Aasahan ko ang support niyo ah.” Sabi ko.

She throws her arms around me. Buti naman at hindi na siya awkward sa akin.

“Goodluck. Magpahinga ka na rin para may energy ka bukas.” Sabi niya.

“Okay. Sige.”

After 2 hours pumasok na ako sa kwarto ko. Tinawagan ko ang mga dapat tawagan.

“Hello, Edward! Kumusta naman ang practice?”

“Ayos lang. Kabisado na namin ang steps. Madali lang naman. Tinuruan kami ni Audrey.”

“Eh yung training? Ayos lang ba? Baka naman hindi na kayo nakapagtraining ng maayos dahil sa plano ko.” sabi ko. “Okay na okay ang training. Excited na nga kami para sayo eh. By the way, goodluck sayo.” Sabi ni Edward.

“Thank you. Good luck din sa atin… sa team natin.” Call ended…

“Hello Dylan!” sabi ko. “Oy! Kumusta na, lover boy? Naeexcite na ako para bukas!”

“Ako rin pero medyo kinakabahan din ako… Paano kung---”

“Don’t worry, bro! Magiging okay ang lahat. Gagalingan ko bukas. Promise! Good luck din pala sa game ah.” Sabi ni Dylan. “Thank you, D! My bro! Bye! Seeyah!” Call ended…

“Hello, Audrey! Kumusta ang cheering squad?”

“Hello, Lyndon!!! Okay na okay na ang squad. Ready na sila for tomorrow. Nakausap ko na rin yung mga taong hahawak ng cardboards. Ready na rin sila. Everything will be perfect for tomorrow. And nagpadagdag ako ng confetti! Kinausap ko na rin yung mga magcocoverage na game para ma-televise rin yung gagawin natin para bukas. OMG! I’m so excited na talaga.”

“Hahaha. Grabe ah! Walang preno! Thank you sa tulong mo, Audrey. You’re the best!”

“I know right! Sige na! Goodluck sayo at sa team mo! Byieee!”

“Bye! Thank you talaga!” Call ended…

“Hello! Ate Mimah! Kumusta?”

“Hello little brother! OMG! Ayiieee… Binata na siya. Oy ah! Goodluck! Sisiguraduhin kong mapipicturan ang bawat moment bukas. ”

“Thanks, ate! Good night! Bye!” sabi ko. “Bye! Mwaaah! Good night!” Call ended …

Mukhang na ang lahat para bukas. Sana maging successful ang ‘top-secret plan’ ko! Wooooh! Kinakabahan ako! Sobra! Help me, God!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon