[Carlisle´s POV]
Nakatulog pala ako… nahihilo na ako dahil sa gutom. Nagising nung sumisigaw na yung Joker. Di ko kinaya ang mga nakita ko. Halos masuka ako. Oo na. Medyo mahina ang sikmura ko pagdating sa mga ganun eh. Ikaw ba naman… makakita ka ng mga taong pinupugutan ng ulo. Argh!
Nag-umpisa kasi yung kalokohang yun nung nainip na yung tatlong psycho. Spin the bottle day un. Ang matapatan ng bote, mawawalan ng ulo. Ayun na nga … napuno yung Session Hall ng sigawan. Tilian. Tawanan. Halakhakan. Pag-ikot ng bote. Pagbagsak ng mga pugot na ulo. Pagtalsik ng dugo sa tiles. Pagtaga ng palakol. Paulit-ulit kong naririnig yun hanggang ngayon. Kahit tapos na yung tinatawag nilang laro. Nagkalat na yung dugo sa sahig. Pati na rin yung mga katawan ng mga pinatay nila. Medyo namamaho na rin sila. Diyos ko! Grabe! Pinagpapawisan na ako ng malamig… ano ba itong nangyayari sa akin?
Nasaan na si Wilhelmina? Tulog na siya at nakayakap sa kanya si Lyndon. Kainis! Dapat kalimutan ko muna yung rivalry sa pagitan naming dalawa. Saka ko na aasikasuhin yun kapag nakatakas na kami at sana nga makatakas kami. Mukhang tulog halos lahat ng classmates namin. Dalawa lang sa bantay ang gising. Tulog si Ted.
"Love! Di ko na kaya. Ang baho na nila!" sabi ni Dolly.
"Paano natin tatanggalin yang mga yan? Tulog si Ted!" sabi ni Joker.
Pagkakataon ko na ito. Tumayo ako.
"Anong problema mo? Upo!" sabi ni Joker.
"Narinig ko kasi yung pinag-uusapan niyo eh… Baka makatulong ako." I say as casually as possible although medyo kinakabahan ako.
"Tsismoso ka rin noh? Di namin kailangan ng tulong mo! Bumalik ka sa pwesto mo!" utos sa akin ni Joker. "Okay! Bahala kayo diyan." Sabi ko. Tumingin sa akin si Lyndon. Sumakay ka na lang! sabi ko. He frowns. "Sandali lang! Sige na, Joker! Sobrang kalat na eh…" Pagpupumilit ni Dolly.
"Sige na. Basta ikaw ang magbabantay diyan. Dito lang ako. Kaya mo ba, bata? Eh parang masuka-suka ka kanina ah." Sabi ni Joker sabay tingin sa akin at tumawa siya.
"Kaya ko ´to!" I smirk.
"Sigurado ka, pretty boy? Baka kailangan mo ng tulong." Sabi ni Dolly habang hinahaplos niya ang pisngi ko. Kainis talaga! Ayokong tinatawag ako na ´Pretty boy´. Nagtinginan kami ni Lyndon.
"Ikaw! Tulungan mo siya. Maghanap ka pa ng ibang tutulong sa inyo." Sabi ni Dolly kay Lyndon. Nanlaki ang mata ni Lyndon. Hinila ni Lyndon si Edmund, Jude, Evan, Clinton, Kenneth at si Chris sila lang kasi yung gising. Hinila ko si Lyndon banda doon sa pari.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong niya sa akin.
"Ang baho na talaga kasi eh!" yun lang muna ang sinabi ko. Nasa likod niya kasi si Joker. Mahirap na baka mapurnada pa ang plano ko.
Pababa na kami ng hagdanan. Argh! Ang bigat ni Fr. Francis. Di bale na. Tiis tiis lang. Kaya ko ´to!
"Ikaw! Maghanap ka ng posporo at mga papel o kahit anong pangsiga. Bilisan mo at huwag kang tatakas!" utos ni Dolly kay Clinton. Agad naman siyang bumaba sa first floor. Sana kumuha ka rin ng kutsilyo! Sabi ko sa isip ko. Nakalabas na kami ng retreat house. Nakatingin sa akin si Lyndon. Inaabangan niya ang plano ko. Tinignan ko muna ang paligid. Baka may makarinig. Okay! Clear!
"Bakit ba siya ang pinili mong buhatin? Ang bigat!" tanong ni Lyndon.
"Makinig ka. Kailangan nating makuha ang cellphone niya. Okay?" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?