Chapter 45

36 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Nagising na dahil sa ingay ng alarm clock. 5:30 am na. Bumangon agad ako para mag-ayos ng kama at sarili ko. Lumabas ako ng kwarto. Ang tahimik. Hindi pa rin ba nagigising si Lyndon? Paglingon ko sa living room… Ayun! Nakatulog siya sa sofa. May hawak pang basahan.

Nilapitan ko siya. I shake his arms. Wala response. Niyugyog ko ulit siya. “Gising na.” sabi ko. Wala pa ring response. Nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya. He groans. Bigla niyang hinila ang kamay ko. I squeal and I fall against him, my cheek against his chest. I can hear his heartbeat. His strong and steady heartbeat. Ang sarap pakinggan ng tibok ng puso niya.

Bigla niya akong tinulak. “Aray!” sigaw ko. Napaupo ako sa sahig. Itong bwiset na to!

“Ay! Sorry! Nagulat kasi ako. Ano ba kasing ginagawa mo?” sabi niya.

“Ginigising kita.” Sabi ko. “Ginigising? Eh nakapatong--”

“Eh hinila mo ako bigla eh! Ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan.” Sabi ko sabay walk out.

Medyo nabadtrip ako sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa school namin. Habang naglalakad sa hallways, nakita naming papalapit si Drew. Tinulak ako ni Lyndon sa likuran niya as if protecting from Drew. “Lyndon.” Sabi ni Drew.

“Ano?” sabi ni Lyndon. “Ahmm… Sorry talaga sa nangyari kagabi. Alam mo namang medyo nakainom ako kagabi. Sorry. Sorry talaga.” Sabi ni Drew. Mukhang sincere naman siya.

Tahimik lang kami ng ilang sandali tapos nagsalita si Lyndon.

“Hindi ko kailangan ng sorry mo.” Sabi ni Lyndon, medyo galit.

“Lyndon naman.” Sabi ko sabay hawak sa braso niya. He glares at me.

“You don’t owe me an apology.” Sabi ni Lyndon kay Drew. “You owe Wilhelmina an apology.” Dagdag niya. Lumapit sa akin si Drew.

“Wilhelmina. Sorry. Sorry talaga dahil sa nangyari kagabi. Sorry talaga.” Sabi niya sa akin. “Kalimutan na lang natin yun.” Sabi ko.

“Thank you.” Sabi ni Drew. “Sorry din pala kung pinatulan kita kagabi.” Sabi ni Lyndon.

Lyndon shakes Drew’s hands, then puts him in a headlock and rubs his knuckles into Drew’s skull. Drew smacks him in the side, and he lets go.

“Magkita na lang ulit tayo sa practice.” Sabi ni Lyndon. I grin at the sight of Drew’s disheveled hair.

“Sige.” Sabi ni Drew habang inaayos ang buhok niya. Umalis na rin si Drew.

Biglang hinawakan ni Lyndon ang kamay ko. I stare at our intertwined hands.

“Tara na.” sabi niya. Tumango ako. I can feel it again. Everytime he touches me I feel like I’m being charged with electricity. I feel safe whenever he is around.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon