Chapter 22

54 4 3
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Biglang sumulpot yung lalaking makamaskara na nakita namin kagabi. Di na siya nag-iisa ngayon, meron na siyang dalawang kasama. Isang babae at isang lalaki. Nakamaskara din silang dalawa. Yung babae, parang manika at yung sa lalaki parang bear. Hinila nung babae yung buhok nung kusinera at kinaladkad papunta sa kasama niyang may maskarang clown. Sumisigaw yung kusinera dahil sa sakit ng pagkakasabunot sa buhok niya.

"Salamat sa tulong mo, miss. Nabawasan din ang mga paglalaruan namin ngayon." Sabi nung guy with clown mask habang inaakbayan niya ang kusinera. Naluluha na yung babae.

"Wala ka bang sasabihin sa kanila bago kita patayin? Hmmm…" No. No. No. Kinuha nung lalaki yung patalim niya… nagmakaawa yung babae tapos bigla na lang siyang ginilitan ng lalaki. Sumirit yung dugo at bumagsak siya sa sahig.

I stiffen. I almost scream but I immediately covered my mouth with my hands. I can´t believe it! First time makakita ng taong pinatay sa harap ko. Mas okay pa kapag sa movies pero iba ito… di ko kaya. Nagkagulo ang lahat dito sa dining room. Nagsisigawan. Nag-iiyakan. Nagtakbuhan yung iba. Naghahanap ng daan palabas pero isa lang ang daan para makalabas at nakaharang ang tatlong psycho na ito sa daanang yun.  I want to drop dead! Right here, right now! Di ko maexplain ang takot at kabang nararamdaman ko…

"TAHIMIK!!!" sigaw nung babaeng nakamaskara ng manika. Inagaw niya yung patalim sa lalaki at binato niya. Tinamaan niya si Alliah sa ulo. Tumigil ang iba sa pagsigaw at pagtakbo. Napuno ng iyakan ang buong dining room. Oh, God! Namlalambot ang tuhod ko sa mga nakita ko. Without thinking, I grab Bella´s arm and squeeze it tightly as I can. I just need something to hold on to. Parang di nararamdaman ni Bella ang pagkakahawak ko sa kanya. Tulala siya. Lumuluha. Nanginginig sa takot.

Binunot nung babae yung kutsilyo mula sa ulo ni Alliah. May lumabas sa ulo ni Alliah… I looked away immediately. "Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!" may sumigaw. Si Ken. Inatake niya yung babae pero naunahan na siya nito. Sinasaksak siya sa dibdib! Paulit-ulit siyang sinaksak hanggang sa bumitaw siya sa leeg ng babae. Hinimas-himas ng babae ang leeg niya. Tinawanan lang siya ng kasama niya. Nagagawa nilang tawanan ang ganitong klaseng sitwasyon?

"Tigilan niyo na itong kalokohan na ito! Marami pa tayong gagawin! Hoy! Ikaw! Tignan mo kung may buhay pa sa mga nalason na yan. Baka may makalusot na naman." Sabi nung clown sa isa pa nilang kasama na lalaki na mukha mas bata pa sa kanila. Kung mo, para silang isang pamilya. Pamilya ng psycho. Chineck niya yung mga tao sa lamesa. Sumenyas siya ng ´wala na´. Wala nang buhay sa kanila.

"Kung gayon, sumama kayo sa amin kung ayaw niyong mamatay… Ano bang sinasabi ko? Patatayin pala namin kayong lahat." Nagtawanan yung dalawa pero yung isa, yung mas bata sa kanila tahimik lang. Pinaakyat kaming mga natitira sa Session Hall. Pinaupo kaming lahat sa sahig. Okay… Wilhelmina, relax! Mag-isip kang mabuti.

…….

……

……

Oh, shit! Yung throwing knives ko…. Dapat ginamit ko ´to! Hindi! Hindi ko pa nasusubukang gamitin ito para makapanakit ng tao. Sanay ang babaeng yun sa pagpatay… Kung lalabanan ko siya, di ko kakayanin. Baka maunahan niya ako. Isip! Argh! Baka magulat na lang ako sa magagawa kapag nagkataon.

May taong nakagapos sa table sa harapan. Yung boy! He failed! Hindi siya nakahingi ng tulong at mamamatay siya kasama namin. Bitbit nung babae yung bike at binalibag niya sa gitna.

"Akin na yung palakol!" utos nung babae. Lumapit sa kanya yung nakakabata sa kanilang tatlo at iniabot niya yung ax dun sa babae. Winasak niya yung bike sa harapan namin. Nagtawanan yung dalawa pero yung mas bata… tahimik lang niyang kinuha yung ax dun sa babae. Yung isang lalaki naman ay biglang lumapit sa mga teachers namin, ginapos niya yung tatlo.

"Sandali! Hindi pa ako tapos! Akin na yung kutsilyo!" utos ulit nung babae. nilapitan niya yung boy. Tumatawa siya. Dinadampi-dampi niya yung kutsilyo sa mukha nung boy. Napapikit yung boy at umuungol siya. "Ano sa tingin mong ginagawa mo? Akala niyo ba makakatakas kayo?!" sabi niya tapos biglang tumaas yung boses niya. Humalakhak na naman siya. Sabay sinaksak yung boy. He screamed but his voice is muffled dahil binusalan ang bibig niya. Tumulo ang luha nung boy. Paulit-ulit niyang sinaksak yung boy habang humahalakhak. Argh! Tama na! Please! Tinadyakan nung babae yung lamesa at nahulog yung boy sa sahig. He groans. Nagkalat yung dugo!

"Sinong isusunod ko?" tanong niya sa kasama niya.

"Tama na, love! Mamaya na  lang ulit." Sabi nung lalaki. Love?  Mag-asawa ba yung dalawang psycho na yun?

Tumayo si Shauna. Sigurado akong mamamatay na siya, ngayon na mismo. There are murmurs around us. Kakagaling lang niya sa iyak malamang takot at pagluluksa para kay Alliah, kaibigan niya na pinatay kanina lang.

"Hoy! Ano bang kailangan niyo sa amin? Ha? Ano?" sabi ni Shauna.

Humarap sa kanya yung tatlo. Yung lalaki lumapit sa kanya.

"Pera ba kelangan niyo? Ito? Ito! Kunin niyo na! Please pakawalan niyo na kami!" sinaboy niya yung pera sa mukha ng lalaki. Oo, mayaman sila Shauna kaya ganun na lang siya kung mangsaboy ng pera. "Please! Ayoko na dito! I don´t want to die!" tumulo ang luha niya. Inakbayan siya bigla nung lalaki. She whimpers. Napatayo na rin ang boyfriend niyang si Ethan.

"Salamat sa offer mo, iha! I appreciate it. Napakagenerous mong bata pero di pa tayo tapos. Nag-uumpisa pa lang tayo." Sabi nung lalaki. Kitang-kita ang panginginig ni Shauna.

"Hindi ko magagawa ang request mo. At dahil diyan, you have to face your death. Gusto mo yun?" tumawa yung lalaki at ginilitan niya ng leeg si Shauna.

"Shauna!!!" sigaw ni Ethan.

Tumakbo siya papunta kay Shauna at hinawakan niya ang kamay nito. Habang ang isang kamay ni Shauna ay nasa leeg niya na pa bang pinipinigil niya ang pagtagas ng dugo niya. Tumayo si Ethan at pinagsasapak yung lalaki.

"Hayop! Hayop ka! Hayop kayo!!!" sigaw ni Ethan.

Paglingon niya sa likod niya ay bigla na lang tinaga nung babae yung leeg niya gamit ang palakol. Halos maputol ang ulo niya. Nagsigawan ang nasa paligid ko. Bumagsak siya sa sahig. Wala na.

"Tahimik!!! Mga puny3+@! Ang sakit niyo sa tenga!" sigaw nung lalaki.

"Bantayan mo kasi yang mga puny3+@^6 yan!!!" sabi nung lalaki dun sa nakakabata sa kanila.

"At ikaw naman… Bakit basta mo na lang tinira? Natalsikan tuloy ako ng dugo. Kadiri!" sabi naman niya dun sa babae. Nandiri sa dugo pero kung makapatay wagas? Siraulo!

"Sorry, love! Di ko na kasi napigilan ang sarili ko eh…" sabi nung babae.

Biglang may kumaluskos sa labas. Parang may bumukas ng gate… may dumating! Diyos ko! Sana matulungan kami nun…

Naglakad-lakad yung lalaki. Huminto siya sa harap ni Carlisle at tinutukan niya ng kutsilyo.

HUWAAAAAAGGG!!!  Sigaw ng isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. No. No. No. Please! Di ko kaya!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Carlisle!!!!!!!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa......

NOOOOOOOOOOO!!!!

Medyo OA ako dun! XD

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon