Chapter 53

35 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Kakagising ko lang. Natulog muna ako sa kwarto ko pagkadating namin galing sa amusement park. Nagready na ako para sa dinner mamaya. Sinuot ko na yung royal blue dress na gift ko para sa sarili ko. Nag-apply din ako konting make-up. Hindi ko nature ang maglagay ng make-up. Ewan ko ba kung bakit ko natripan maglagay ngayon.

Paglabas ko ng kwarto, naabutan kong nakaupo si Lyndon sa living room. Nakatingin sa bintana. Lalo siyang naging gwapo sa suot niyang suit.

“Ahmm… Tara na.” sabi ko. Lumingon siya sa akin. He stares at me. It’s like his eyes swell to fill their sockets; that’s how big they get. His mouth half open. I have trouble identifying his expression. May mali ba sa itsura ko? Bakit ganyan siya makatingin? Feeling ko lumiliit ako dahil sa titig niya. Ahmm… sabihin na nating parang natutunaw ako.

I clear my throat. He shakes his head. “Ahmm … Sorry. Ang ganda mo lang talaga kasi ngayon eh.” He says and then he gives me a smile that seems genuinely sweet with just the right touch of shyness that unexpected warmth rushes through me. “Ahhhh… Ehhh… Alis na tayo.” He says, scratching behind his ears, like he is embarrassed by what he said earlier to me.

Sumakay kami sa kotse niya. “Gift nga pala ni Dylan sayo. Hindi niya na nabigay ng personal. Nakatulog ka kanina eh.” Sabi ni Lyndon. Black shirt ang laman. May print na mockingjay yung symbol dun sa Hunger Games. “Wow!” I mumble.

Nagtext agad ako kay Dylan para mag-thank you. Tahimik lang kami habang papunta sa restaurant na negosyo ni mommy. “Ahmm… Wilhelmina?” sabi ni Lyndon.

“Ano yun?” tanong ko. “Hmmm… Kasi …” I look at him expectantly.

“Ahmm… yung nangyari kaninang umaga… yung… alam mo na.” he stammers.

“Di ba ang sabi ko kalimutan na lang natin.” Sabi ko. “I don’t want to forget.” He mutters.

“Ano yun?” Narinig ko yung sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro. “Ha?” sabi niya.

“Wala!” I say, irritated. Nanahimik na naman kaming dalawa. He clears his throat. Napalingon ako sa kanya tapos nagsalita siya, “Na-o-awkward ka ba sa akin?”

“Hindi ah.” Sabi ko sabay iwas ng tingin. “See? Awkward ka sa akin eh.” Sabi niya.

“Kung hindi mo sana pinaalalasa akin yung kanina, hindi ako ma-o-awkward sayo.” Sabi ko.

“Okay. Fine. Hindi ko na ipapaalala… hangga’t maaari.” He smirks. I glare at him.

“Nandito na tayo.” Sabi niya. Sabay kaming pumasok ni Lyndon sa restaurant.

Bumungad sa amin ang mga crew ng restaurant at sabay-sabay nila akong binati ng “Happy birthday, ma’am Wilhelmina!”

“Thank you sa inyong lahat!” sabi ko sa kanila. Grabe! Pinagtitinginan na kami ng ibang customers.

“Dito po tayo, Ms. Chase. Meron pong nakareserve na table para sa inyo. Naghihintay na ang parents mo doon.” Sabi ng isang waiter. “Happy birthday po!” he adds. “Thank you.” Sabi ko.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon