Chapter 40

37 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

9 am ang pasok namin ngayon. Mukhang nauna nang umalis si Lyndon. Nag-iwan siya ng note sa refrigerator.

Wilhelmina,

Nauna na akong umalis. May practice pa ako eh.

Kung masama pa ang pakiramdam mo, huwag ka munang pumasok.

Uminom ka ng gamot ah. Sige.

                                                                                      Lyndon

Wow ah! Parang tatay ko lang. Ewan ko ba kung bakit napapangiti ako. Pumasok na ako sa university. Nakasalubong ko si Dylan.

“Uy! Sabi ni Lyndon bantayan daw kita. Nagkasakit ka daw kasi eh.” Sabi niya.

“What?” sabi ko. “Yun yung sabi niya sa akin nung nakasakay ko siya sa jeep papunta dito eh.” Sabi niya. “Seryoso?” sabi ko. “Ayiieee… Kinilig ka naman nun.” Pang-aasar ni Dylan.

“Che! Anong gagawin natin sa first subject?” tanong ko.

 “Di ko alam. Huwag mo nga ibahin ang usapan.  Ano? Inaalagaan ka ba niya kagabi? Ha?” tanong niya. Nag-alangan akong tumango pero tumango pa rin ako.

“Naks naman!” sabi niya. Kinuwento niya ang nangyari sa game kahapon. Sina Edward, Ashton at Lyndon ang tinuturing na big three ng team ng university namin.

“Ganun siya kagaling? Eh hindi nga siya sumasali ng basketball nung high school kami eh.” Sabi ko.

“Baka nagpapa-impress sayo.” Sabi ni Dylan. “Or kay Audrey.” I say with an edge of bitterness.

“May nagseselos…” Dylan says in a singsong voice.

Pagdating namin sa classroom nagwawala ang mga blockmates namin. Wala namang gulo. Masaya lang sila dahil wala kaming prof mula first period hanggang last period. Busy daw sila. Tinamad lang sila magturo. Sinamantala na naman nila na may basketball and volleyball league.

Aalis na sana kami ni Dylan ng classroom para manood ng practice ng basketball pero may dumating na professor. May announcement daw. Bumalik kami sa mga upuan namin.

“Good morning, Business Management students. Magkakaroon tayo ng contest for this year’s Mr. and Ms. Business Management. Meron na ba kayong representatives? Nasaan ang president niyo?”

“Ako po, ma’am!” sabi ni Shiela, class president/representative.

“May representatives na ba kayo? Kayo na lang ang wala pang nakalistang representatives.” Sabi ng professor.

“I’m sorry, Mrs. Higgins. Nakalimutan ko pong i-inform ang mga blockmates ko. Pag-uusapan po namin ngayon.” Sabi ni Shiela.

“Kelangan bukas may picture na sila bukas para sa online voting. Just send it to my e-mail, Ms. Uley.” Sabi ni Mrs. Higgins. Pagkatapos nun umalis na yung professor.

“So, sino ang magrerepresent sa atin?” sabi ni Shiela.

“Si Maegan.” Sabi ng isa naming blockmate.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon