Chapter 52

38 4 1
                                    

[Lyndon’s POV]

Palihim akong nakatingin kay Wilhelmina habang pinapanood niya sila Dylan at Audrey na mukhang nagkatuluyan na talaga. Tinignan ko yung dalawa. Nagtatawanan at magkayakap. Pambihira! Naunahan pa ako ni Dylan na magkaroon ng girlfriend! Tinignan ko ulit si Wilhelmina. Ano kayang iniisip niya ngayon? Sumagi ba sa isip niya na pumasok ulit sa isang relationship? Kasi ako, oo. Gusto ko nang aminin sa kanya. She glances at me and I look away.

“Unbelievable!” she says, suppressing a laugh. Umiling-iling na lang ako.

Bumalik na yung dalawa na magkaholding hands. “Tara! Horror house tayo.” Sabi ni Dylan.

Wilhelmina bites her lip. “Okay lang ba sayo?” tanong ko kay Wilhelmina.

“Ahh… Sure! Hindi naman totoo yung mga nandun eh.” She says, smiling. “Yehey!” Audrey yells.

Nagligpit muna kami ng mga kalat namin bago pumunta sa Horror House. Grabe! Hindi na talaga mapaghiwalay sila Audrey at Dylan. Magkaakbay sila  bago kami pumasok sa Horror House. Naglakad kami papasok. Yung lovebirds sa harapan at kami ni Wilhelmina sa likuran. Medyo madilim sa loob at tahimik. Palingon-lingon si Wilhelmina. Maya-maya lang lumamig tapos may sound effect ng hangin.

I scoff. “May nagbukas ng aircon.” Sabi ko kay Wilhelmina. She gives a nervous laugh. Feeling ko natatakot siya. Biglang may umuungol. Biglang tumili si Audrey. May nanggulat sa kanila. Tumawa ng malakas si Dylan at nakipaglokohan pa dun sa nanakot sa kanila.

May nanghila ng shirt ko. Isang white lady. “Whoa!” sabi ko. Tumawa ako then I shake my head. Ang lame naman ng panakot nila. Hahaha. Paikot-ikot lang kami. May biglang manggugulat mula sa likod, sa harap, sa mga gilid-gilid, may biglang mahuhulog galing sa taas. May nanghihila ng paa. Titili yung dalawang babae tapos kami ni Dylan mapapatalon na lang sa gulat. Magtatawanan kami. Meron nga isang nanggulat kay Dylan na muntik niyang masapak. Tawa ako ng tawa.

“Ang haba naman ng maze na ‘to!” sabi ni Audrey. May kumalabog sa gilid.

May sound effects na umiiyak tapos may babaeng sumisigaw. Humihingi ng tulong. Kinilabutan ako. Hindi dahil takot ako. Nagflashback kasi yung nangyari sa amin noon sa retreat house. Yung iyakan at sigawan. Yung mga classmates namin na humihingi ng tulong.

I shake my head. Tapos na yun, Lyndon! Naramdaman kong hinawakan ni Wilhelmina ang braso ko. Sa sobrang higpit, nasasaktan na ako. Nakita kong tinatakpan ni Wilhelmina yung tenga niya with her free hands. Nanginginig ang kamay niya.

“Ahmm… Guys! Pakibilisan yung lakad para makalabas na tayo.” Sabi ko.

“Naduduwag ka na, Lyndon?” pang-aasar ni Dylan. “Hindi noh.” I say, irritated.

Alam kong bumabalik din yung bad memories ni Wilhelmina noon sa retreat house at dahil yun sa lintek na sound effects na yun! Hinawakan ko ang kamay ni Wilhelmina. Mukhang kumalma siya ng konti. Nawala na ang panginginig ng kamay niya at inalis na rin niya ang kamay niya sa tenga. Haaaay… Dapat kasi nagpaiwan na lang kami sa labas eh.

Biglang may humila kay Wilhelmina. She screams at the top of her lungs. Isang lalaking nakasuot ng clown na maskara at may hawak siyang kutsilyo. Sa isang iglap, nasa loob na ulit ako ng retreat house. I shake my head. No. No. No. Nasa Horror House ako eh. Hindi ito retreat house.

“Bitiwan mo siya!” I shout and I shove the guy who is wearing a mask. Umalis na yung nananakot.

Napaupo si Wilhelmina sa sahig. She starts sobbing. “Oh my God! Oh my God!” paulit-ulit niyang sabi habang nakatakip ang kamay niya sa mukha. Hinawakan ko ang kamay. Napasigaw siya ulit.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon