Chapter 39

40 4 4
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Mag-iisang linggo na ang nakaraan nung bumisita si ate Mimah sa condo unit namin. Dahil sa kinuwento niya sa amin, hindi maalis sa isip ko ang possibility na buhay pa si Carlisle. Maaga akong umuwi ngayon. Hindi muna ako nanood ng first game ng league. Wala ako sa mood at parang masama rin ang pakiramdam ko.

Pumunta ako sa kwarto ko para maglaptop. Magreresearch lang ako para sa susunod na lessons. Maya-maya lang hindi ko rin natiis na mag-Facebook. Di ko namalayan na pinuntahan ko ang timeline ni Carlisle. Kinlick ko yung photos. Inopen ko yung album na may pictures naming dalawa.

Unti-unting tumulo ang luha ko. Sobrang namiss ko na siya. Parang naririnig ko ang pagtawa niya. Kapag tinitignan ko yung pictures niya na nakatawa. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Humiga ako sa sa kama. Umiiyak habang nakayakap sa isang unan. Di ko namalayang nakatulog na ako.

[Lyndon’s POV]

Yes! Panalo kami sa first game namin. Hinanap ko si Wilhelmina pero si Dylan lang ang nakita ko. Nilapitan ko si Dylan.

“Congrats, pare!” sabi ni Dylan sabay tapik sa likod.

“Thanks! Si Wilhelmina?” tanong ko.

“Umuwi na agad. Parang masama daw yata ang pakiramdam. Sasamahan ko sana, ayaw naman. Parang wala sa sarili eh.” Sabi niya.

“Sige! Thank you ah.” Sabi ko. Aalis na ako.

“Lyndon!” tawag ni Edward, captain ball namin. “Oh?” sabi ko.

“Saan ka pupunta?” lumapit si Edward sa akin. “Uuwi na.”

“Oh? Hindi ka ba sasama sa celebration natin? My place.” Sabi niya.

“Di eh. Next time na lang. Kelangan ko nang umuwi. Emergency eh. Alis na ako. Enjoy ah!” sabi ko.

“Sige. Next time. May practice bukas. 8 am. Ingat ka, Lyndon!” tumango lang ako at nagmadali na akong umuwi sa condo unit namin.

Dumiretso ako sa kwarto ni Wilhelmina. Natutulog siya. Katabi niya yung laptop niya. Nilipat ko yung laptop sa desk, malapit na kasing mahulog sa kama eh. Pagkatingin ko sa screen nakita ko ang mga photos sa Facebook account ni Carlisle. Kay Carlisle? Puro pictures nila ni Wilhelmina nung sila pa.

I purse my lips. Bakit kaya niya tinitignan ang mga pictures na ito? Umungol siya. Parang may binubulong. Lumapit ako kay Wilhelmina. Lumuluha siya.

“Carlisle.” Bulong niya.

Parang nasaktan ako nung narinig ko yun. Dinampi ko ang kamay ko sa noo niya. May lagnat siya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Carlisle.” Bulong niya ulit.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko para hindi siya magising pero humigpit ang pagkakahawak niya. “Huwag mo akong iwan. Please.” Sabi niya. “Hindi. Hindi ko gagawin.” Bulong ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Maya-maya lang nagising siya. Inalis ko agad ang kamay ko.

“Lyndon?” sabi niya. Ngumiti lang ako at hinawakan ko ang kamay niya.

“Sabi ni Dylan masama daw ang pakiramdam mo kaya umuwi agad ako.” sabi ko.

Tumingin siya sa laptop tapos tumingin ulit siya sa akin.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon