[Wilhelmina’s POV]
Nagyaya si ate Mimah na pumunta sa mall. Bored na daw kasi siya. Iniwan kong mag-isa si Lyndon sa condo unit namin. Habang naglalakad kami ni ate Mimah, nakita ko sila Lyndon, Dylan at Audrey sa J.Co. Nakakainis! Nagsinungaling si Dylan sa akin. Sabi niya kanina sa text na bahay daw siya tapos ngayon kasama niya sila Lyndon at Audrey.
“Uy! Pasensiya na ah. Bigla na lang kitang niyaya kung saan-saan.” Sabi ni ate Mimah.
“Okay lang ate. Wala rin naman akong ginagawa sa condo eh.” Sabi ko.
“Kumusta nga pala si Lyndon? Bihira na lang magtext yun ah.” Sabi niya.
“Busy sa basketball.” I say with an edge of bitterness.
Bigla sinundot ni ate Mimah yung tagiliran ko. “Aw!” I mutter.
“Yieee… Pinagseselosan niya yung basketball.” Sabi ni ate Mimah. “Hindi ah! Isaksak niya sa baga niya yung basketball na yan! Alam mo bang nagkalagnat siya dahil sa sobrang training tapos inaway pa ako. Bwiset siya!” di ko na napigilan yung mga lumabas sa bibig ko.
Ate Mimah stares at me. Ano na namang tinitingin-tingin nito?
“Ano? Inaway ka niya?” sigaw ni ate Mimah. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.
“Uy! Hinaan mo naman ang boses mo, ate.” Sabi ko. “Bwiset yung kapatid kong yon! Anong ginawa sayo? Sasapakin ko nga yon pagpunta ko sa condo niyo.” Sabi ni ate Mimah.
“Eh kasi kakagaling lang ni Lyndon sa sakit tapos nagpupumilit pumasok sa school. Pinigilan ko siya para makapagpahinga pa siya tapos tinaasan niya ako ng boses. Naiirita at naaasar na daw siya sa akin. Feeling ko daw girlfriend niya ako. Nagalit na rin ako sa kanya. Medyo hindi kami okay ngayon.” sabi ko. “Bwiset talaga yun. Hindi man lang nagsorry?” Sabi ni ate Mimah.
“Nagsorry naman. Paulit-ulit pa nga eh.” Sabi ko. “Eh bakit hindi pa rin kayo okay?” tanong ni ate Mimah. “Ewan ko ba. Basta nababadtrip pa rin ako sa kanya.” Sabi ko.
“Sayang naman…” Sabi ni ate Mimah. Anong sayang? Napatingin ako sa kanya.
“Magkasama kayo tapos magkaaway kayo. Sana magkaayos kayo.” Dugtong ni ate Mimah.
“Hayaan mo ate. Magkakabati rin kami kapag nawala ang pagkabadtrip ko.” Sabi ko.
“Sabi mo yan ah.” Sabi ni ate Mimah. Nagring ang phone niya. “Wait lang.”
“Naku, Mina! Kailangan ko nang umalis. May project pa pala kami. Nakalimutan ko kasi eh.” Sabi niya pagkatapos makipag-usap sa phone. “Ganun ba?” sabi ko.
“Sorry ah. Ihatid na lang kita pauwi.” Sabi ni ate. “Huwag na. Okay lang ako.”
“Sure ka?” Tumango lang ako. “Aalis na ako ah. Bye!”
“Ay wait! Punta ka pala sa birthday ko.” Sabi ko. “Sure. Actually, ininvite na rin kami ng parents mo.” Sabi niya. “Ah sige. See you soon.” Sabi ko.
Pagbalik ko sa condo, kakalabas lang ni Lyndon sa kwarto. Kakarating lang din siguro niya. Ano kayang pinag-usapan nilang tatlo? Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis. Sinukat ko na rin yung royal blue dress na binili ko as a gift for myself.
Buong magdamag akong tumunganga sa laptop ko hanggang sa maumay na ako sa kaka-Facebook. Napansin kong hindi nangungulit si Lyndon ngayon. Parang namiss ko tuloy ang pangungulit niya. Hay naku! Ano ba itong iniisip ko? Lumabas ako ng kwarto para kumain ng Sansrival na nasa ref. Wala si Lyndon sa living room, wala rin sa kwarto niya or sa CR. Napansin kong bukas ang pinto ng balcony. Nililipad tuloy yung mga magazines sa may living room.
Nakita kong busy magpainting si Lyndon. Tatanungin ko sana siya kung para saan yun pero naalala ko na badtrip nga pala ako sa kanya. Tumingin siya sa akin tapos bigla niya akong inirapan. Bwiset ah! Akala mo naman ang galing-galing niya. Hmp!
Natapos ang araw na yon na hindi pa rin kami nagkakaayos at hindi man lang nangulit si Lyndon. Buong magdamag siyang nakaharap dun sa canvas na yon. Ano ba kasi yon?
Kinabukasan, naabutan kong nakatulog si Lyndon sa may sofa. May mga pintura sa kamay niya. Meron ding konti sa mukha pero kahit na medyo madungis ang mukha niya, ang gwapo pa rin niya. Napansin kong nasa gilid ng sofa yung painting niya kaya lang may nakatakip na puting tela. Dahan-dahan akong lumapit sa painting para hindi siya magising. Unti-unti kong inalis yung tela. Nakita kong may naka-drawing na rose. Biglang may humila ng kamay ko mula sa likod. Napasigaw ako dahil sa gulat.
Dahan-dahan siyang lumapit sa painting niya tapos kinuha niya yun. I stare at him. Ang gulo ng buhok niya, gusot-gusot ang shirt, may pintura sa kamay at mukha niya at may sugat siya sa ilong. He’s handsome in a careless way. What the heck? Ano bang pinag-iisip ko? I shake my head.
“Hindi ka dapat nangingialam ng gamit ng iba.” He says. His face stern. He walks away with the painting on his hands.
“I-” I shout but it’s no use. Nagkulong na siya sa kwarto niya.
“I hate you!” I mutter.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?