A/N: Pasensya po kung medyo waley yung last chapter... Ito po medyo kilig naman. XD
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Dinumog yung kwarto nila Ms. Christine at Mrs. Matilda dahil sa mga kumukuha ng gadgets. Malamang magpipicturan na naman ‘tong mga classmates ko o kaya magtitweet na naman sila. Haaaaay … Kinuha ko na rin yung camera ko. Nagpicturan kami ng mga roommates ko. Maya-maya may mga labas-pasok sa room. Picture dito, picture doon. Pahiram ng ganito, pahiram ng ganyan. Pinahiram ko muna yung camera kay Elaine. Tinamad na kasi akong magpicture. Umakyat na ako sa kama ko at kinuha ko yung libro kong Divergent na sinulat ni Veronica Roth. Kaya lang di ako makapagconcentrate sa room namin medyo maingay at medyo mainit dahil siguro crowded na. Lumabas ako ng kwarto… Ang init din sa hallways. Akala ko ba malamig sa Tagaytay… Haaaaaaaaay … Pupunta sana ako sa Living Room kaso nandun naman yung mga lovers ng batch namin. Wew! Eh sa tapat yun ng room ni Sis. Joyce. Good luck na lang sa kanila.
Bumaba ako sa first floor nandun yung room ng mga boys. Karamihan sa kanila nagsasoundtrip at naglalaro ng PSP sa kani-kanilang room. Meron ding mga naggigitara, malamang sila Lyndon at Carlisle yun. Yun kasi ang hilig nila eh. Dumiretso lang ako sa hallways hanggang sa makarating ako sa dulo. Meron din palang Living Room doon. Umupo ako sa sofa. Nagustuhan kong tumambay kasi malamig at tahimik. Nag-umpisa akong magbasa nang bigla akong makarinig ng footsteps.
Si Lyndon pala. May dala siyang gitara.
“Hi.”
“Hello.”
“Pwede bang makiupo?”
“Oo naman.”
Umupo siya mga two seats apart. Parang exam lang… haha
“Ba’t ka nga pala nandito?”
“Mainit kasi dun sa second floor eh. Ewan ko ba. Tapos medyo maingay sa room naming. Di ako makapagbasa.”
“Ahhh… Ako naman walang makausap. Busy sila mag-PSP tapos naiingayan daw sila sa gitara ko. Hindi daw sila makapagconcentrate sa paglalaro. Haaay … Ahmm … Pwede patingin ng book na yan?”
“Sure.” Lumapit siya sa akin. Halos magkatabi na kami. :”>
“Ang cool ng cover nito ah! Tungkol saan ba ‘to?”
“Ahmm … Para siyang Hunger Games. About din siya sa future. Sa Chicago ang pinakasetting niya. Bale nahati sila sa five societies…. Candor(The Honest), Dauntless(The Brave), Amity(The Peaceful), Erudite(The Intelligent) at Abnegation(The Selfless).”
“Eh sino bida dito?”
“Beatrice Prior pero Tris yung tawag sa kanya.”
“Ba’t siya naging bida? Anong meron sa kanya?”
“Ahmm … Pag 16 years old na kasi sa kanila magkakaroon sila ng exam. Para malaman nila kung saan society sila mapupunta. Eh yung result niya tatlo. Erudite, Dauntless at Abnegation. Bihira lang mangyari yun. Pag ganun daw Divergent daw an tawag dun. Bawal daw yung ganun sa society nila.”
“Bakit naman?”
“Kasi parang threat sila ganun… basta…” bigla akong humikab.
Natawa si Lyndon.
“Ang cute mo naman. Hehe. Inaantok ka na yata eh.” Ako? Cute? >////<
“Medyo nga.” -__-
“Halika ka nga dito. Higa ka dito oh…” Tinatap niya yung legs niya. Meaning, gusto niyang humiga ako sa legs niya. Shocks! >///<
“Eh? Huwag na!”
“Sus! Huwag nang pakipot.” Hinila niya ako tas pinahiga niya ako.
Tumawa na naman siya. Tatayo sana ako kaso pinigilan niya ako.
“Huwag kang makulit ah!” sabi niya.
“Eh di wag!”
“So, ano nang nangyari kay Tris?”
“Ayun. Kinabukasan nun may Choosing Ceremony. Yun yung araw na pipili na yun mga 16 years old ng society nila. Dapat ba silang magstay or lumipat. Si Tris lumipat sa Dauntless.
Ang dami pang tanong ni Lyndon kaya di ko na talaga mapigilan yung antok ko. Ayun, nakatulog na lang ako bigla…..
---------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Abangan ang susunod na kabanata! XD
Ituloy lang ang pagbabasa! Magandang gawain yan! XD
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?