A/N: May bagong character? Tignan niyo right side.... may picture....
----------------------------------------------------------------------------------------------
[Wilhelmina’s POV]
Lunch time na… Medyo nakakawalang ganang kumain. Di ko na naubos yung pagkain ko. Paakyat na sana ako ng hagdanan nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Si Sis. Joyce. May dala siyang tray ng pagkain.
“Ay! Sis. Joyce tulungan ko na po kayo.”
“Salamat, iha! Pagpalain ka ng Diyos. Ikaw si Wilhelmina. Tama ba?”
“Opo. Ahmmm… Saan po ba ‘to dadalhin?”
“Sa room #1.”
“Di ba po walang tao dun. Nakalock po kasi eh.”
“Ahhh… Meron na ngayon. Si Toto.”
“Sino po yun?”
“Makikilala mo rin siya mamaya.”
Pumunta kami sa living room ng 1st floor. Nandun kasi yung room #1. Kumatok si Sis. Joyce at binuksan naman ito ng lalaking nasa 20-25 years old. Siya yung lalaking kumakatok kaninang umaga. Yung humihingi ng tulong. Nagulat siya nung nakita niya ako kaya nagtago siya sa likod ng pinto.
“Toto, huwag ka nang magtago. Mabait naman siya eh. Dinalhan ka pa nga niya ng pagkain oh.”
Pumasok si Sis. Joyce sa kwarto. Pumasok na rin ako. Kinuha ni sister yung tray at inilagay sa lamesa sa tabi ng kama. Nakatingin sa akin si Toto. May itsura sana siya kaya lang parang may pagka-isip bata.
“Hi!” sabi ko.
Nagtago siya sa likod ng kurtina. Parang takot na takot siya. Bakit kaya?
“Toto, iiwan ka na namin dito, ha? Kainin mo yan… Tara na, iha.”
Lumabas na kami ng kwarto.
“Bakit po siya ganun?” tanong ko. Curious talaga ako eh.
“Sabi nila Sis. Agatha, matagal nang pagala-gala si Toto rito. Ulila na siya. May sakit daw siya sa pag-iisip. Lagi niyang sinasabi na hinahabol daw nung mga halimaw kahit wala namang humahabol sa kanya. May mga kumupkop na sa kanya, kaya lang tumatakas siya. Kaninang umaga, nagsisigaw daw siya sa labas at humihingi ng tulong. Pinapasok na lang siya ng guard at dinala kina Sis. Agatha. Bihira lang yung taong nilalapitan niya eh. Lagi siyang takot. Di namin maintindihan kung bakit.” Kwento ni Sis. Joyce.
“Ahhh… ganun po ba? Kawawa naman po pala siya.”
Session na ulit namin. Wala munang games or activities. Discussion ulit kami bale continuation siya nung kahapon. Yung ‘Lent: Season to Grow in Love’. Di ako makapagconcentrate, nilalamig ako eh. Nakalimutan ko yung jacket ko sa room. Haaaaaaaaay … maya-maya lang panay na ang bahing ko. Aish! Sisipunin na yata ako. “Excuse me.” Sinasabi ko kapag bumabahing ako. Nakakadistract na yata ako sa discussion. Nag-CR muna ako. Buti nalang may CR sa session hall. Pagbukas ko ng pinto, nandun si Lyndon.
“Okay ka lang ba?”
“Okay lang kaso sinisipon yata ako eh.”
“Ah ganun ba?”
Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Haaaaaay… -__-”
Ayoko talaga yung feeling kapag may sipon. Pagkatapos ng walang katapusang discussion at walang katapusang sharing, rest time na naman ulit. After nito, dinner na namin. Kanya-kanyang trip yung mga classmates namin. Umupo muna ako sa sofa dun sa 1st floor. Katapat ng living room yung room #1. Kitang-kita yung anino ni Toto sa siwang sa ilalim ng pinto. Pabalik-balik siya. Ano kayang ginagawa niya?
“Uy! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Lyndon.
“Wala naman.”
Umupo siya sa tabi ko. Dala niya yung libro ko. Wew! -__-”
Ang tagal naman nito magbasa. Gusto ko na rin basahin eh.
“May tao doon?”
“Ahhh… oo. Si Toto, yung lalaki kaninang umaga.”
“Bakit siya nandito?”
“Inampon nila sister. Ulila na siya. Mentally challenged.”
“Ahhhh…”
Bumahing na naman ako. Yikes! Tinignan ako ni Lyndon. Nakangiti siya. Weird.
“Halika nga.”
Tumayo siya tapos hinawakan niya kamay ko. Bumitaw ako. Tinignan niya ako.
“Baka mahawaan kita.”
“Sus!”
Hinawakan niya ulit kamay ko. Pwede namang di na holding hands ah! Di bale na nga… :’’’>
Dinala niya ako sa kwarto nila. Nandun si Carlisle, nagtutugtog siya ng gitara. Nakatingin siya sa kamay namin.
“Kumusta naman KAYO?” tanong ni Carlisle. Bumitaw si Lyndon. Bakit talagang diniinan ni Carlisle yung pagkakasabi ng ‘KAYO’?
“Ayos lang naman.” Sagot ni Lyndon.
“Wait lang ah!” sabi sa akin ni Lyndon. May kinukuha siya sa bag. Nung nakuha na niya yung bagay na kailangan niya kunin. Lumapit siya sa akin.
“Iwan ka na namin diyan.” Sabi ni Lyndon.
“Sige.” Tumango si Carlisle.
Kumaway ako kay Carlisle.
“Tara na.” bulong ni Lyndon sa akin.
Lumabas na kami ng kwarto. Binigay niya sa akin yung hawak niya. Neozep.
“Inumin mo yan ah.”
“Okay.. Ahmm... Thank you.”
“Quits na tayo ah. Ginamot mo sugat ko, binigyan kita ng gamot para sa sipon mo.” Sabi niya sabay ngiti sa akin. Wew! Bakit ang gwapo mo ngumiti? Haaaaaaaaaay … -__-”
Ano ba yun? Mina, wag assumera! Concerned lang siya. Yun lang.
--------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Dumadamoves na rin si Lyndon?! :-/
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?