Chapter 48

38 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Okay. Medyo naguilty ako sa ginawa kong pagsiko kay Lyndon. Hindi ko naman sinasadyang tamaan yung sugat niya. Hmp! Magaling na rin naman yun eh. Dapat lang yun sa kanya. Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makauwi na ako sa condo namin. Maya-maya lang dumating na si Lyndon. Pumasok ako sa kwarto ko tapos padabog kong sinara yung pinto ko.

Naiyak na naman ako. Akala ko ang bait-bait niya. Halos perpekto na siya eh. Siya nga ideal guy ko eh. Gwapo, matangkad, medyo matalino, mabait, gentleman, sweet,… tapos biglang ganun? Nakakainis talaga siya. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa magsawa ako. Bakit ba ganun na lang ako magreact sa sinabi niya? Bakit ganun ako ka-affected?

Kumatok si Lyndon sa pinto ko. “Wilhelmina. Tara na. Kain na tayo.” Sabi niya.

“Leave me alone!” sigaw ko. Tumigil siya sa pagkatok.

Nagugutom na ako pero ayoko pa ring lumabas. Naghintay ako na pumasok siya sa kwarto niya. Ayoko muna siyang makausap ngayon eh. Kaya lang ang tagal naman niyang matulog. Nakatulog na lang ako paghihintay at gutom.

Pagkagising ko, naririnig kong may kumakaluskos sa kusina. 6:30 am na. Pagbangon ko dumiretso na ako sa kusina. “Ahmmm… Ako na ang nagluto kasi---” naputol ang sinabi niya. “ Ahmmm…. Wilhelmina…. I’m sorry. Sorry talaga.” Dagdag niya.

Kumuha ako ng instant noodles tapos niluto ko. Ayoko ngang kainin yung niluto niya. Manigas siya diyan. Pagkatapos kong magluto nagtoast ako ng tinapay para madagdagan ang kakainin ko. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya sa akin. “Ano?” tanong ko. Medyo iritado ang tono.

“Ayaw mo ba ng niluto ko?” sabi niya. “Ayoko. Ayokong kumain ng kanin ngayon.” Sabi ko.

“Sorry na oh. Kung galit ka sa akin huwag mo namang idamay yung pagkain.” Sabi niya.

“Anong konek?” I roll my eyes then I start to eat. Tahimik lang kaming kumain. Maya-maya naghanda na kami para pumasok. Binitbit niya yung mga gamit ko. “Akin na yan.” Sabi ko.

“Ako na ang bahala. Tutulungan na kita sa pagdadala nito.” Sabi niya.

“Akin na sabi yan eh!” sigaw ko. “Okay!” sabi niya tapos binigay niya sa akin yung gamit ko.

Nagmadali akong lumabas ng condo unit namin. Sinadya kong bilisan ang lakad ko para hindi siya makahabol. Sunod pa rin siya ng sunod hanggang sa malampasan namin yung sakayan ng jeep. Hinila niya ang braso ko para huminto ako sa paglalakad.

“Hindi ba tayo sasakay?” tanong niya. “Sumakay ka kung gusto mo.” Sabi ko.

Dumiretso ako sa paglalakad nang biglang may sumigaw tapos may biglang humila sa akin. Muntik na pala akong masagasaan ng kotse. “Nababaliw ka na ba? Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.” sabi ni Lyndon habang nakayakap sa akin. Hinampas ko siya sa balikat sabay sabing, “Bitiwan mo nga ako!”

[Lyndon’s POV]

Tatlong araw na akong hindi pinapansin ni Wilhelmina. Kainis! Actually, pinapansin naman niya ako pero kapag binabara niya ako o kaya kapag susungitan niya ako. Pinagluluto ko siya, naglilinis ako ng condo, paulit-ulit nga akong nagsosorry eh. Hinarana ko pa nga eh!

*FLAHBACK*

Nakaisip na ako ng paraan para magkaayos kami. Kinuha ko ang gitara na niregalo sa akin ni dad last year. Hindi ko pa nagagamit yun kasi naaalala ko lang na huli akong gumamit ng gitara sa retreat house. Bago mangyari ang trahedyang naranasan namin. Pero gagamitin ko ang gitara na yon para lang magkaayos kami ni Wilhelmina.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon