[Wilhelmina’s POV]
Wew! -___-“
Grabe lang kanina! Nakatulog ako … Shocks! Nakakahiya! Buti na lang di ako naglaway sa hita ni Lyndon! MAJOR TURN OFF YUN!!! Kaloka! Lalo na yung holding hands! Susmaryosep! Bago dumiretso sa dining room kanina, hinila ako ni Elaine sa room namin. Kung anu-anong tinatanong niya sa nangyari nung rest time. Sa sobrang kilig ng loka… Nahampas niya ako ng unan. XD Ang sakit teh! Tili pa ng tili… Mahampas nga rin ng unan. Ayan! Quits na kami! HAHAHAHA
“Oh? Bakit tulala ka diyan?” bulong ni Elaine.
“Che! Ang sakit kaya ng hampas mo!”
“Duh! Ikaw rin kaya! Sus, palusot ka lang eh… Tulala ka lang dahil kay –”
“Sssssh! Kumain ka na nga lang.”
Nagbubulungan lang kami baka kasi marinig ng mga kasama namin sa table eh.
“Girls, una na ako ah.” Paalam ko sa mga kasama namin sa table.
“See you later!” sabi nila.
Naghugas ako ng kamay sa kitchen. Pag tingin ko sa reflection ko sa salamin. Nasa likuran ko siya. Si Lyndon. Ano ba yan? Ang awkward tuloy…
“Uhh… Hi!” medyo naghesitate siya.
“Hi!” sabi ko.
“Kumusta naman?” tanong niya.
“Okay naman. Medyo nakakainis.” Natawa siya. Okay? Eh kasi nakakaasar kanina eh.
“Hayaan mo sila.” Sabi niya.
“Ahmm… Sige. Alis na ako.” Walk out na ako. Hiyang-hiya pa rin sa nagyari nung rest time.
Pumunta agad ako sa kwarto namin. Umupo ako sa sahig at naghalungkat ako ng bag ko, kinuha ko ang mga throwing knives. Oo na. Alam kong ang weird ko dahil may dala akong ganun sa retreat namin. At ang weird ko dahil ganun ang hilig ko. Well, nag-umpisa yun nung nagbreak kami ni Carlisle. Ewan ko ba. Nahilig ako sa panonood ng suspense movies at pagkahilig sa mga weird things katulad nitong throwing knives. Pero di naman ako psycho. HAHAHAHA. Biglang may kumatok.
“Ay! Kabayo!” napatayo tuloy ako dahil sa pagkagulat ko.
“Ay! Sorry, nagulat kita.” Si Lyndon pala. Bakit siya nandito?
“Teka! Ano yan?” Hmp. Nakita niya. Tinatago ko na nga eh! Okay lang… Gusto niya rin ng ganito eh.
“Ahhh … ito? Set ng throwing knives.”
“Set ng throwing knives? Cool! Pwedeng patingin.”
“Okay. Ahmm .. Wait.”
Sinara ko ng konti yung pinto baka may makakita pa nito.
“Ito oh.” Nilatag ko sa kama.
“Whoa! Di ko akalaing may ganito ka. Buti nakalusot ‘to sa checkpoint kanina.”
“Oo nga eh.” Di ko naisip yun ah… -__-”
“Ba’t ka nga pala may dalang ganito? Saan mo nakuha?” tanong niya.
“Ahmm.. Di kasi alam nila Mommy na may ganyan ako. Di ko alam kung saan ko itatago, kaya ayun dinala ko tuloy. Nabili ko siya sa internet.”
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?