[Lyndon´s POV]
Naiwan kami dito sa Session Hall at kasama namin si Dolly. Tatakas na talaga kami. Nagtinginan kami ni Carlisle. Tumango siya. Bigla siyang tumayo at sinabunutan si Dolly. "Aaaaaahhh!!! Bitiwan mo ako!" sigaw ni Dolly habang winawasiwas ang hawak niyang kutsilyo. Nakatakbo na palabas yung iba naming kasama. "Maghanap kayo ng daan palabas!" sabi ko. Nadaplisan si Carlisle sa hita.
"Aaaaaahhh!!!" sigaw ni Carlisle nabitawan niya si Dolly. Sasaksakin na sana ni Dolly si Carlisle pero tinadyakan ko siya sa likod. Napasubsob siya sa sahig. "Takbo!" sabi ni Carlisle.
Nagtakbuhan na kami palabas pero nahila niya ang dulo ng jacket ko. "Ugh!" Natumba ako. Dinaganan ako ni Dolly pero nanlalaban ako. Sinusuntok niya ako sa mukha. Pambihira ang lakas ng babaeng ito! "Lyndon!" sigaw ni Wilhelmina. Sinuntok ako ni Dolly sa dibdib. Nahirapan akong huminga. Tinutukan ako ni Dolly ng kutsilyo sa leeg.
"Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo!" sabi ni Dolly.
Sinabunutan siya ni Wilhelmina. Nagsabunutan silang dalawa. Aawatin ko sana sila pero nahirapan akong tumayo. Nakakapanghina yung kanina. "Carlisle!" sigaw ko. Ano ba yan? Nakatunganga na lang ´tong lalaking ´to. Siniko ni Dolly sa tiyan si Wilhelmina. "Aaaahhh!!!" Napaupo si Wilhelmina. Sinakal siya ni Dolly. Sinuntok ko sa tagiliran si Dolly. Napabitaw siya kay Wilhelmina. Ako na naman ang target niya. Dinaganan na naman niya ako. Unti-unti niyang dinidiin ang kutsilyo sa balikat ko.
Argh! Ang sakit! May tumalsik na dugo sa mukha ko. Galing sa mukha ni Dolly.
"Aaaaahhh!!!" sigaw niya. Tinulak ko siya para makatayo na ako. Tumutulo yung dugo mula sa balikat ko. Nakita kong tulala si Wilhelmina at may hawak siyang kutsilyo na may dugo. Siya ang may gawa nun kay Dolly.
"Walang hiya ka! Sinira mo ang maganda kong mukha." Sigaw ni Dolly. Inatake niya si Wilhelmina at nadaplisan siya sa may collarbone.
"Anong nangyayari dito?" dumating na sila Joker. Tumakbo si Dolly papunta sa kanila. Tinulak nila papasok ng session hall yung naming kasama na tumakas. Sugatan sila.
"Sunugin mo na ang buong retreat house na ito!" sabi ni Dolly.
Sinindihan nila yung table cloth at kurtina at kinulong nila kami. Ang bilis kumalat ng apoy. Naalala kong binuhusan nila ng gas ang buong kwarto na ito kanina. Kumakapal na ang usok. Tumakbo si Aaron sa pinto at binasag niya ang salamin sa pintuan. Lalong lumakas ang apoy. Balak niya sanang abutin yung door knob sa labas kaya lang may grills sa may pinto at hindi niya mailusot ang kamay niya.
"Argh! Badtrip! Di ko maabot!" sabi ni Aaron.
Nahihirapan na kaming huminga. "Yung pinto papuntang balcony." Sabi ni Adam.
Tumakbo siya papunta dun sa pintong yun. Hinawakan niya yung door knob.
"Aaahh!!! Ang init!" sabi ni Adam.
"Ito. Gamitin mo para di mapaso." Sabi ni Nikka at iniabot niya ang jacket niya kay Adam.
Sinubukan niya ulit na pihitin ang door knob. "Ayaw bumukas!" sabi ni Adam.
"Eh sa bintana." Sabi ni Timmy.
"Di pwede. May grills eh. Di tayo makakalusot." Sabi ni Aaron.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomantizmMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?