A/N: Ituloy niyo lang ang pagbasa, mga readers ko! :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa Tagaytay na kami. Dumaan kami sa mga village tapos sa isang baryo… Halos bihira lang ang makikita mong mga tao. Maya-maya lumiko ang sinasakyan namin. Sa una mga bahay ang makikita pero habang papalayo na kami puro matataas na damo ang makikita mo.
“Nandito na tayo.” Sabi ng driver.
Nasa harapan na namin ang retreat house. Bumukas ang gate at pumasok ang L300 na sinasakyan namin. Medyo malaki ang retreat house. Katabi nun yung tinitirahan ng mga madre. Nung mga araw na yun, dalawa lang ang madre ang nagstay dun kasama ang isang guard, isang cook at isang boy. 66 lahat kaming mga students may kasama kaming tatlong teachers at isang madre mula sa school namin. Mananatili kami dito for 3 days and 2 nights para magreflect at maging at peace. Perfect ang lugar na ‘to. Nakakarealax ang view puro puno at mga halaman.
Dumiretso kami sa tinatawag nilang Session Hall. Dun gagawin lahat ng activities na gagawin namin para sa retreat. Umupo kami ni Elaine sa medyo likuran. Uupo rin sana sila Lyndon at Carlisle sa likod namin kaso hindi daw pwede. Hinati kasi ang mga upuan. Sa left side ang mga girls at sa right side naman ang mga boys. Pinakilala sa amin ang mga tauhan doon sa retreat house. Diniscuss din ang house rules pati na rin ang magiging schedule namin sa bawat araw. Binigyan din kami ng room assignments. Anim kaming magkakasama sa isang room. Pinapunta kami sa kanya-kanya naming room assignments. Buti na lang kasama ko si Elaine. Sa kwarto naming merong tatlong double-deck na kama, isang cabinet, may table, may salamin at sa ilalim nun ay may lababo at meron din CR. Pagkatapos naming pag-uusapan kung saan kami hihiga at mag-ayos ng mga gamit. Dumiretso kami sa Dining Room. Kung sino ang kasama mo sa kwarto, sila rin ang kasama mong kumain sa isang lamesa. Isa yun sa mga rules. Bago kami kumain, sabay-sabay kaming nagdasal. Nang matapos kaming kumain, sabay-sabay ulit kaming nagdasal. Habang nasa Dining Room ang lahat, sinamantala na ng isa naming teacher na i-announce na isurrender ang mga dala naming gadgets kaya hangga’t-maaari daw itext or tawagan daw namin ang mga parents namin para sabihing nakarating na kami at kailangan naming isurrender ang mga gadgets namin. Pagkatapos nun, inumpisahan na namin ang una naming session.
Diniscuss ni Sis. Joyce, ang kasama naming madre, kung ano ang dahilan ng pagpunta namin dito.
“Retreat is a time to be with self, others and God… To be with God through prayer and silence… To be with others through sharing… To be with self through reflection.” Sabi ni Sis. Joyce.
Nagkaroon ng opening prayer at opening song. Pinapikit kami ng mga mata. Huwag daw muna naming isipin ang buhay namin sa labas ng retreat house. Isipin lang daw kung ano ang meron ngayon. Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out. Maya-maya lang pinabukas na ang mga mata namin. Aang first activity namin ay kumuha ng tig-iisang bond paper kung saan naming isusulat lahat ng mga sama ng loob namin. After nun ay pupunitin ang papel at ilalagay sa trash bin na nasa gitna ng session hall. Nagtinginan kami ni Lyndon, alam kong alam niya ang isusulat ko at alam ko kung ano ang isusulat. Ano pa nga ba? Heartbreak. Yun ang bagay na naging susi para maging konektado kaming dalawa. Tahimik ang lahat. Halatang seryoso talaga sa mga isinusulat.
“Tapos na ba kayong lahat? Kung oo, punitin niyo ang mga papel na yan at ilagay niyo sa trash bin na ito.” Sabi ni Sis. Joyce after ng binigay niyang 15 minutes para sa pagsusulat namin.
Nagtayuan naman ang lahat. Makikita mo kung gaano kalalim ang sama ng loob ng iba pa naming classmates kahit sa paraan pa lang ng pagpunit nila ng papel. Bakas din sa mukha nag bawat isa. Lalo na si Lyndon, ramdam ko yung sakit niya nung ilang beses siyang binasted ni Bella, problem sa parents, at nung pambubully sa kanya ng iba naming mga classmates. Wala akong ginawa kundi haplusin ang likod niya at ibulong sa kanyang, “Okay lang yan.” Tumango lang siya at ngumiti pero makikita pa rin sa mata niya ang kalungkutan niya.
Nang makaupo na ulit ang lahat. Pumunta sa harapan si Sis. Joyce para magsalita.
“Bukas ng gabi, magkakaroon tayo ng activity na may kinalaman sa mga papel na pinunit ninyo. Don’t worry. Wala namang sharing about dun. Alam ko namang yung iba sa inyo eh ayaw mapag-usapan ang tungkol doon. Yun lang muna sa ngayon. Rest time muna kayo. Mga 1:30pm-3:00pm. Okay na ba yun?” sabi ni Sis. Joyce.
“Opo.” Sabay-sabay naming sinabi.
“Oo nga, Fourth year. Wag niyong kalimutang nasa retreat house tayo. Huwag masyadong maharot. Malalaki na kayo. At kung gusto niyong magpa-counseling, katok lang kayo sa kwarto at mag-usap tayo, ha?” Dugtong ni Sis. Joyce.
“Opo.”
“Fourth year. Pwede niyo pong kunin yung mga gadgets niyo sa amin ni Ma’am Matilda pero dapat ibalik niyo sa amin bago ulit magkaroon ng bagong session.” Sabi ni Ms. Christine, Prefect of Discipline ng school namin at teacher din naming siya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: #MedyoWaley XD
pero sige tuloy lang sa pagbabasa! XD
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?