Chapter 12

63 4 1
                                    

A/N: Readers! Saan kayo kampi? Team Carlisle or Team Lyndon? I wanna know....... what love is. LOL! :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------

[Lyndon’s POV]

“Uy! Elaine. Uhmm… Hi! Nakita mo ba si Wilhelmina?”

“Di nga eh. Sabi niya pupunta daw siya sa labas kasi walang signal. Di ko naman siya nakita, ang dilim kasi dun sa labas eh. Yung gate lang yung may ilaw.”

“Ah ok. Wait lang.”

 

Tumakbo ako pababa sa kwarto namin para kunin yung dala kong flashlight. Nung nakuha ko na bumalik ulit ako sa 2nd floor. Pumunta kami ni Elaine sa session hall, nandun kasi yung daanan papuntang balcony. Doon sa view na yun kitang-kita yung lahat. Yung quarters ng mga madre sa bandang kanan… yung mga puno’t-halaman sa bandang kaliwa… nasa bandang gitna naman yung statue ng isang madre… sa tingin ko isa siyang saint.

“Nasaan na kaya siya?” Sabi ni Elaine.

 

Madilim nga sa labas pero may maaaninag pa rin dahil sa liwanag ng buwan. May nakitang akong anino sa bandang Gathering Area. Naisip ko baka sila Shauna at Ethan yun. Sa lahat ng lovers sa batch namin, sila na yata ang pinaka-aggressive. Sila lagi ang pinagchichismisan. Kinalabit ko si Elaine.

“Tignan mo oh.  Sila Shauna at Ethan na naman siguro yun.” Tinuro ko yung anino… kinuha ni Elaine yung flashlight ko.

“Ehem! Ano yan ha?” sabi ni Elaine.

Biglang hinila ni Elaine yung kamay ko. Tinignan niya ako. “Si Mina at Carlisle.” Bulong niya sa akin.

“Ano?” sabi ko. Parang nakaramdam ako ng galit. Sinilip ko sila. Magkayakap sila! SHIT! >__<

Si Elaine naman ang hila-hila ko ngayon… Tumakbo kami pababa at pinuntahan namin yung dalawa. Bumitaw si Elaine sa pagkakahawak ko.

“Ano? Nagbalikan na ba kayo?” tanong ni Elaine.

“Ano ka ba, Elaine? Hindi noh! Friends na ulit kami. Yun lang.” sabi ni Wilhelmina. Feeling ko nagblush siya nung sinabi niya yun.

“Ows… talaga lang ah!” sabi ni Elaine.

Inakbayan ko si Carlisle. Inakbayan ko ng malakas. As in diniinan ko yung pagkakaakbay sa kanya. Badtrip! Dumadamoves na siya kay Wilhelmina.

“Congrats, pare!” sabi ko sa kanya habang tumatawa. Ngumiti lang si Carlisle. Tengene! Kaplastikan mo!

Alam kong nagulat si Carlisle dahil may nakakita sila… Ano kayang pinag-usapan nila? Friends nga lang ba ulit talaga silang dalawa? Baka naman nagbalikan na sila. Baka dinedeny lang… Tsss… Bakit ba ako affected?

“Ghost hunting tayo?” tanong ko.

“Sure! Tara?” sabi ni Wilhelmina. Mukhang excited siya. Syempre, gusto niya ng ganun. Ako pa. Alam ko yun eh. Halos pareho kasi kami eh.

“Di ba sabi ni Ma’am Christine bawal yun?” sabi ni Elaine.

Takot ka lang eh!” inasar ni Carlisle si Elaine. Siya rin eh! Tsss… kung alam lang nila.

Hinampas ni Elaine si Carlisle. Buti nga! “Hindi ah!”

“Yun naman pala eh. Tara na.” sabi niya.

Pumunta na kami sa may mga puno… Magkahawak ng kamay sina Wilhelmina at Carlisle… Maya-maya… yumakap pa ang loko! Nakadalawa ka na ah! Badtrip! Bumalik din kami agad sa retreat house. Nahuli kami nung boy eh. Buti naman baka kung ano pa ang gawin ni Carlisle kay Wilhelmina kapag tumagal pa kami dun. Sinamahan namin si Wilhelmina pabalik ng kwarto nila. Nung pababa na kami ng hagdan. Tinawag ni Wilhelmina si Carlisle. Bakit hindi ako?

“Oh? Bakit? Nakalimutan mo ba mag-goodnight kiss?” sabi ni Carlisle.

SHIT! DAFUQ!  Ang kapal ng mukha! Grabe!  >__<  Feeling ko sila na nga yata ulit… binalik lang pala yung jacket ni Carlisle. Wew! -__-“

Sleeveless pala suot niya kanina! WHAT?! Nagpasalamat si Wilhelmina at nag-good night sa amin. Humirit na naman si Carlisle at nagrerequest ng good night kiss. Di pinatulan ni Wilhelmina. Buti naman. Ano yun? Ayaw ba niya talaga or nahiya lang dahil sa akin? AYNAKO! Bakit ba ako napapaisip ng ganito?!

Pagpasok namin ng kwarto, kinuha ni Carlisle yung gitara ko. Tinugtog niya… Good mood siya ngayon. Haaaaaaaaaaay … Ako naman parang badtrip na ewan dahil sa nakita ko! Umakyat ako sa kama ko. Double deck kasi ang kama dito. As in lahat ng kama dito sa retreat house. Lyndon, bakit ka ba badtrip? Ano naman kung sila man ulit? Dapat masaya ka, di ba? Mission Accomplished  na eh. Pero di talaga ako eh. Ano bang pwede kong gawin? Hawak ni Carlisle yung gitara. Yung libro naman ni Wilhelmina, nakakatamad pang basahin. Tinakpan ko na lang yung mukha ko ng unan hanggang sa makatulog ako.

Paggising ko, ang lakas ng hilik ni Chris! Walang hiya! >__<

Halos lahat tulog pa nung naglalakad ako sa hallways. Gising na kaya yung girls… Hmmm… Imposible eh.  3:17 am pa lang nung tinignan ko yung relo sa living room. Naalala ko nung nakatulog si Wilhelmina dito. Nung kasama niya ako. Haaaaaaay… Basahin ko na nga lang itong Divergent na ‘to. Ay! Teka! May tao sa labas. Dun banda sa mga puno. Lumabas ako. Uy! Si Wilhelmina! Pagkakataon nga naman. Ang aga naman magising nito… nagpapractice siya ng throwing knives. Whoa! Ang hot niya tignan pag hawak niya yun. Wew! Ano bang iniisip ko?

Dahan-dahan akong lumapit sabay takip sa mata niya. Nagpumiglas siya. Sisigaw sana siya kaya tinakpan ko rin bibig niya baka maistorbo niya yung natutulog na guard sa may gate.

“AW!!!” sigaw ko.

Muntik na niya akong batuhin ng kutsilyo. Buti di niya tinuloy.

“Lyndon? Oh my God! Sorry! Ikaw kasi eh. Okay ka lang ba?”

 

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung braso ko. I wince. Argh! May 3-inch na hiwa sa kanang braso ko. Agad niyang kinuha yung first aid kit niya. “Mababaw lang. Di kelangang tahiin.” She sighed. Dumudugo ng sobra. Dinala niya ako sa Gathering Area. May gripo pala dun. Hinugasan niya yung at nilagyan niya ng Povidone Iodine. Pagkatapos nun, binalutan niya ng gauze bandage.

“Thank you.” Sabi ko. Hinawakan ko ang pisngi niya. Parang namula siya. Napangiti tuloy ako.

-------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Lyndon! Yung totoo?! XD

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD 

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon