[Troy´s POV]
Mga nasa sampu yata kaming kinaladkad papuntang chapel. Nung pababa kami sa hagdan, umiiyak si Kristelle. Hinihipuan pala siya ni Joker.
"Bitiwan mo siya!" sabi ni Chris, boyfriend ni Kristelle.
"Bakit? Ano ka ba nito? Boyfriend? Pwede naman tayong maghiraman ah!"
"Aba! Loko ´to ah." Sinuntok ni Chris si Joker sa mukha. "Ugh!"
Sinaksak siya si Chris sa tiyan. "Aaaaaahhhh!!!" sigaw ni Kristelle.
Sinuntok din sa tiyan si Kristelle at nawalan siya ng malay. "Kristelle!" sabi ni Chris.
Sinaksak pa siya ng paulit-ulit. Pinapasok kami sa chapel. Amoy gas! Binuhusan ng gas ang buong chapel. Paalis na chapel sina Ted at Joker nang biglang hinatak ni Jude si Ted.
"Bitiwan mo, bata!" sabi ni Joker.
Hinawakan ni Jude ang leeg ni Ted na akmang ihe-headlock niya ito.
"Bitiwan mo sabi eh!" sigaw ni Joker. Kinuha ni Joker ang bote sa bulsa niya. Isinaboy niya sa mukha ni Jude ang laman nun. Umusok yung mukha niya at napabitaw siya kay Ted.
"Aaaaahhh!!! Ang hapdi!!!" sigaw ni Jude.
Binuhusan siya ng asido! Natalsikan din si Ted sa may balikat niya pero hindi niya ininda. Aatake na sana ako sa kanila…
"Sige! Lapit pa nang matusta kayong lahat!" sigaw ni Joker.
Kinuha niya yung lighter at tinapat niya sa mukha ko. Di ko natuloy. Napaatras na lang ako.
"Wala ka pala eh!" sabi ni Joker.
Tumalikod na sila at sinindihan niya yung kurtina sabay lock ng pinto. Kinulong niya kami! Ang bilis kumalat ng apoy kahit na pilit naming pinapatay. Nagpapanic na yung iba sa amin. Lalong pinalakas ng gas ang apoy. Ano bang dapat gawin namin? naghanap kami ng ibang daan palabas pero iisa lang ang pinto. Nahihirapan na akong huminga!
Sinubukan ng ibang basagin ang bintana pero lalo lang lumakas ang apoy. Yung iba nawalan ng malay. Hirap na rin silang huminga dahil sa kapal ng usok. Ugh! Natumba ako bigla. Nabagsakan ako ng aparador. Ang bigat! Ang sakit ng ulo ko. May dugo! Pinipilit kong maalis ang aparador pero di ko kaya. Palapit na yung apoy sa akin. Basa pa naman ng gas itong hinihigaan ko. Argh! Ang hirap huminga! Lumiyab bigla ang paligid ko. "Aaaaahhh!!!" napasigaw ako nung naramdaman ko ang init ng apoy. Lapnos na ang balat ko. Nasusunog na ako! "Aaaaaaaahhh!!!" paulit-ulit ang pagsigaw ko. Ang sakit!
Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin. Biglang total darkness. Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko. May nakita akong ilaw. Sinundan ko yun hanggang sa puro mga halaman at bulaklak na ang nakikita ko sa paligid ko. May babaeng nakatayo dun sa may puno. Parang kilala ko siya.
"Jeanette?" sabi ko.
Lumingon siya sa akin at nakangiti siya. Ang ganda talaga niya… lalo na ngayon. Kumaway si Jeanette sa akin na parang pinapalapit niya ako sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya. Tumawa siya. "Matagal ko nang gustong sabihin sayo ito … I love you." Sabi ko. "I love you, too." Sabi niya. Napakasaya ko. Kung panaginip lang ito ayoko nang magising pa…
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?