Chapter 7

78 7 3
                                    

A/N: Uy! May gwapo ulit! .... Saan na naman? ... Ayun! Sa right side ulit! XD

Meet Carlisle.... :D

----------------------------------------------------------------------------------------------

[Carlisle’s POV]

Kakagising ko lang. Ang  ingay kasi nila Chris at Troy.

“Huwag kang maingay ah.”

“Eh bakit ba? Dapat malaman niya.”

“Ah basta. Hayaan mo na lang.”

Dapat malaman? Ano bang pinag-uusapan nila?

“Hoy! Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Ang ingay niyo ah! Anong dapat malaman?”

“Ahhh … Ehhh … Wala lang, Carlisle. Praning lang si Chris.”

“Ako? Praning? Loko ka ah!”

“Di nga ano bang pinag-uusapan niyo?” tinanong ko ulit.

“Si Lyndon kasi eh…”

“Aynako, Chris! Huwag ka ngang making diyan, Carlisle.” Siningitan ni Troy si Chris. Di tuloy natuloy ni Chris yung sasabihin niya.

“Ano nga? Putek naman, Troy! Huwag kang magulo.” Naiirita na ako sa dalawang ‘to ah.

“Nakita ko si Wilhelmina… natutulog sa legs ni Lyndon.” Sabi ni Chris.

“Ang daldal mo, brod!” bulong ni Troy.

“Ahhh … Sus! Yun lang? Hayaan mo sila.” Sabi ko. Tssss… Badtrip yun ah!

“Kita mo! Okay lang pala kay Carlisle. Nakamove-on na yan eh.” Sabi ni Chris.

Tumunog na yung bell. Tapos na yung rest time. May session na naman ulit. Kausapin ko kaya si Lyndon. Hmmmm… Pumasok kaming tatlo nila Chris at Troy. Umupo ulit kami sa likuran.

“Excuse me. Carlisle? Nakita mo ba si Mina?” tanong ni Elaine.

“Hindi. Hanapan ba ako ng nawawala?”

“Hmp. Sungit naman nito!

Bwiset! Nasaan nga ba yung dalawa? Bakit kaya affected ako? Move on! Haaaay… Paglingon ko sa pintuan ng session hall. Nandun silang dalawa. Holding hands pa pero bumitaw agad si Wilhelmina. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Pumunta na siya sa tabi ng bestfriend niyang si Elaine. Pumunta na rin si Lyndon sa tabi namin ni Troy. Nagbubulungan silang dalawa. Pagkakataon ko na…

“Kumusta pre? Bigla kang nawala sa room natin ah.” Tanong ko kay Lyndon. Parang nataranta siya.

“Ahhh … Ehhh … Naiingayan kasi sila Chris at Troy sa gitara ko. Tapos tulog ka pa. Kaya yun lumabas na lang ako. Wala akong makausap.”

“Ah ok.” Hindi niya nabanggit si Wilhelmina…

Parang di siya mapakali.

“Okay ka lang, pre?” tinanong ko ulit siya.

“Oo naman.” Nanginig ng konti boses niya.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon