[Carlisle´s POV]
"Wala kayong karapatang saktan siya!" sigaw ko kay Dolly at Joker. Sinaktan nila si Wilhelmina.
"Bakit? Anong gagawin mo sa amin, ha?" sigaw sa akin ni Joker. Nilapitan niya ako at sinakal. Ang higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Pinipilit kong abutin ang ulo niya para masuntok ko siya. Ugh! Hindi na ako makahinga! Naramdaman kong di na ako nakatapak sa sahig. Inaangat niya ako! Hindi ko na kaya! Nauubo na ako sa sakit ng pagkakasakal niya.
"Carlisle! Tama na po! Please!" sigaw ni Wilhelmina. Umiiyak siya.
"Joker! Tama na nga yan! Bitiwan mo na siya." Utos ni Dolly. Binitiwan na rin ako at bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa leeg ko. Aaaaahhh!!! Hangin!!! Ubo na ako ng ubo. Nilapitan ako nina Wilhelmina at Lyndon. "Carlisle! Kaya mo pa ba?" tanong ni Lyndon.
Nung nakakahinga na ako ng maayos, tumango na ako. Inalalayan ako ni Lyndon papunta sa pwesto namin. Hindi ako makapagsalita. Ang sakit sa lalamunan. Gumapang si Elaine papunta malapit sa amin. Lalong dumudugo ang sugat niya. Err… nasusuka ako.
"Uy! Ano na? namumutla ka na." sabi sa akin ni Lyndon. Huminga ako ng malalim.
"Okay lang ako." Sabi ko. Paos yung boses at biglang kumirot ang lalamunan. I wince. Hinagod ko ang leeg ko. Bwiset! Umiiyak pa rin si Wilhelmina. May dugo sa labi niya dahil sa pagkakasapak ni Joker. Tinuloy nila ang pagbunot ng mga pangalan at paghampas kay Edmund. Pitong tao ang sumunod kay Elaine. Pagkatapos nun, hindi na gumagalaw si Edmund. Tinanggal na nila ang kumot at tali. Patay na si Edmund. Ang dami niyang pasa at nagdudugo ang ulo at ilong niya. Maga ang mukha niya. Kitang-kita yun dahil maputi si Edmund. Humagulgol si Elaine. Lalo lang dumudugo ang sugat niya. Sinusubukan siyang pakalmahin ni Wilhelmina.
Yung mga nasaksak dahil sa pagtanggi sa pananakit kay Edmund, nanghihina na sa mga sugat nila. Kinakausap ni Wilhelmina si Elaine para manatili siyang gising. Alam kong hindi na rin siya magtatagal. Natahimik na naman ang paligid namin. Feeling ko nag-slowmo ang paligid ko. Hinawakan ko ang braso ni Lyndon para makuha ko ang atensyon niya. Nagdilim na ang paningin ko. Nahihilo at nanghihina na ako. "Carlisle?" Yun ang huli kong narinig. Nawalan siguro ako ng malay.
Tanghali na nung magising ako. "Carlisle!" Lyndon blurts out.
Pinagpapawisan ako ng malamig. "Carlisle? Buti naman gising ka na." sabi ni Wilhelmina. Pansin kong medyo matamlay ang boses niya. Tumingin ako sa likod niya. Sobrang putla na ng balat niya at nangingitim na ang kuko niya. Wala na si Elaine.
Niyakap ko si Wilhelmina. Naramdaman ko yung luha niya sa balikat ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" sigaw ni Joker. Bumitaw ako kay Wilhelmina.
"Wala po!" sabi ni Isabella.
"Anong wala? Ano yang hawak mo? Kunin mo nga, Ted!" sabi ni Joker.
Kinuha ni Ted yung cellphone. Cellphone! Iniabot ni Ted yung cellphone kay Joker. Kinalikot niya yung phone at tumawa siya. Binalibag niya yung phone. Naging pira-piraso na yung phone.
"Humihingi pala ng tulong si Ms. Beautiful eh. Malas mo lang di nagsend." Sabi ni Joker.
"Dolly! Alam kong magaling kang magtahi. May nakita akong tahian yung isang madre eh. Pakitaan mo nga si Ms. Beautiful ng pagtatahi mo." Dugtong ni Joker.
Kinaladkad si Isabella palabas ng Session Hall. Sumisigaw siya.
"Tignan natin kung makasigaw ka pa mamaya kapag natapos na ang pagtatahi natin." Sabi ni Dolly.
"Ibalik mo yan dito pagkatapos niyo ah!" pahabol ni Joker.
Anong gagawin nila kay Isabella? Tinignan ko ang nasa paligid ko. Kitang-kita sa mga nila ang takot. Halos nahati na ang batch namin. Habang tumatagal kami dito lalo kaming nababawasan. Paano ba kami makakatakas? Ang hirap mag-isip. Walang laman ang mga sikmura namin. Argh! Kung gagamitin ko ang phone at pag nakita nila ako siguradong patay ako. Paano? Paano? Paano?
Nawala ang concentration ko nang makita kong kinakaladkad si Helen. Pinasok yung ulo niya sa sako at tinalian siya. Sinuotan din siya ng lubid sa leeg. Ang kabilang dulo naman ng lubid ay nakasuot sa leeg ni Janelle. Sinabit sa hook na nakakabit sa kisame yung lubid. Pinaupo ni Ted si Janelle sa may balcony. "Hayaan niyo… Malapit nang matapos ang bangungot niyo. Malapit na ang finale." Sabi ni Joker.
Finale? Nagpalitan ng pwesto si Ted at Joker. "3, 2, 1 …" tinulak ni Joker si Janelle sa balcony kasabay nun ang pagkabigti ng dalawa. Tawa ng tawa si Joker. Nababaliw na talaga siya. Panay ang kumpas ng mga paa ni Helen pero habang tumatagal parang nanghihina na siya. Pagkatapos nun… wala na.
"Kumusta yung isa?" tanong ni Joker. "Patay na rin." Sabi ni Ted. Tinaga ni Joker yung lubid. Bumagsak yung katawan ni Helen sa sahig.
After 20-30 minutes siguro yun nang makabalik si Dolly at kinakaladkad niya si Isabella. Wala siyang malay. May napansin ako sa bibig niya. May dugo! Hindi lang basta dugo ang napansin ko. Nakatahi ang labi niya! Err… parang nasusuka na naman ako.
"Oy! May paglalaruan na naman tayo. Ted! Isang balde ng tubig nga." Sabi ni Joker.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?