[Wilhelmina´s POV]
*yawn*
Kakagising ko lang. Parang may mali ah! Ang alam ko nakatulog ako sa living room. Natulugan ko yung assignment naming dalawa ni Lyndon. Nag-sleepwalk ako?! Nevermind!
Nag-unat-unat muna ako. Humarap ako sa salamin at nagsuklay ng buhok. Naghilamos ako ng mukha ko sa cr. Paglabas ko ng kwarto, nangangamoy bacon. Nakakagutom! Pumunta ako sa dining area.
"Good morning!" sabi ni Lyndon. Ngiting-ngiti naman itong loko na ito.
Umupo ako sa harap niya. May hinanda na siyang plato para sa akin. Aba! Himala! Ang sipag nito ngayon. "Bakit ngiting-ngiti ka?" tanong ko. Ewan ko ba! Parang may sumpong ako ngayon.
"Wala naman. Bakit? Masama ba?" sabi niya. Nakangiti pa rin. "Hindi." Sabi ko. I frown. "Kumain ka na. Nagluto ako ng bacon and eggs." Sabi niya. Nakangiti pa rin siya. Ano ba yan?!
Babarahin ko sana eh kaya lang baka masira ang pagka-good mood niya. Kumain na nga lang ako. Pasimple ko siyang tinitignan habang kumakain. Nakangiti talaga siya. Parang tanga! In love ba itong lalaking ito? OMG! Tamang hinala ba ako? Pero kanino? Kay Audrey? Tsk!
"Bakit?" tanong niya. "Wala." Sabi ko. Kumain na lang ulit ako.
"Hindi ka ba nagtataka?" tanong niya. "Na ano?" sabi ko. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit nasa kama ka na paggising mo?" sabi niya.
So, alam niyang sa sala ako natulog. Tinignan ko lang siya. "Binuhat kita kagabi." Sabi niya. Nasamid ako bigla. Shocks! Nakakahiya! Itsura ko naman kagabi!
"Uy! Okay ka lang?" Tatayo sana siya para lumapit sa akin. "Okay lang ako." sabi ko.
"Humihilik ka nga eh." Natatawa siya. "Hoy! Hindi ah! Wag ka ngang mag-imbento diyan." Sabi ko.
Tawa na siya ng tawa. Nakakainis! >___<
"Di nga! Seryoso ako. Humihilik ka nga kagabi. Promise! Ang cute nga eh!" tawa pa rin siya ng tawa. Parang baliw! Iwanan ko nga. "Uy! Saan ka pupunta?" sabi niya. Tumatawa pa rin.
"Kahit saan! Basta malayo sa baliw na katulad mo!" Lalo siyang tumawa. Kaasar! >___<
Lumabas ako ng unit namin. Bumaba ako sa first floor at tumambay sa may garden. Bwiset siya! Hmp! Pagtawanan ba naman ako! Parang di siya humihilik ah!
[Lyndon´s POV]
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?